CHAPTER 68 - JEALOUS ZAP?

72.9K 2.1K 550
                                    

CHAPTER 68- JEALOUS ZAP?

(Zhen's POV)

"K-kumag yung.. yung damit mo nasusunoooog!!!" 

Agad akong nabalik sa ulirat ng marinig ang sigaw ni talunan.

Sh*t!

Daglian kong binaklas ang suot kong polo atsaka iyon tinapon sa kung saan.

Sunod sunod ang paghinga ko dahil sa nangyari, grabe! Iniisip ko pa lang na maaari akong matusta, kinikilabutan na ako, grrrr.

Kung sakali mang mangyari yun, hinding hindi ko mapapatawad si talunan.

Wait speaking of talunan, na saan na ba sya?

"Walang hiya ka!" 

Nagulat ako ng may nagsalita sa bandang likuran ko handa na sana ako  para harapin sya nang bigla nya akong sinakal at inipit ang mga kamay ko at katawan gamit ang kanyang mga paa.

"Hey kkgk kihhh *cough* cough*" 

Ano bang katangahan ang pinag gagawa ng babaeng toh?!?

"YAHHH!!! MAMATAY KA NA! BWISIT KA!! MALAS KA NA NGA! DINAMAY MO PA AKO SA KAMALASAN MO!!!! URGGGH!! TINGNAN MO! PATI YUNG DAMIT KO NASUSUNOG NA RIN! WAAAAAAAAAH!!!" 

Aray-- *cough cough*

What?!?

Tinulak ko ang mga paa nya at bumwelo para makatayo at makawala sa pagsakal nya.

Hinanap ko ang lugar na pinagtapunan ko ng nasusunog kong polo at doon ko nakita na kasama na nitong nasusunog ang damit ni talunan.

*Sigh*

Haharap sana ako kay talunan para kausapin sya nang...

*Boogsh*

Makaramdam ako ng hilo sa bandang ulo ko at kusa na ring bumagsak ang katawan ko.

(Zap's POV)

Napahawak ako sa bandang pwetan ko nang mahulog ako sa likuran ni kumag dahil sa biglaan nyang pagtayo.

"Haisht! Tsk! ang sakit ng pwet ko! lintik ka talagang kumag ka!" 

Tumayo na ako para pagpagin ang sarili pero agad din akong napa atras ng biglang bumagsak si kumag sa harapan ko.

Doon ko nakita ang isang lalaking nakasuot ng itim na cloak at may hawak hawak na mahabang kahoy na syang pinampukpok nya kay kumag. 

Sigurado akong hindi ganoon kalakas ang pagpukpok nya kay kumag dahil wala itong bahid na dugo at isa pa mukhang marupok ang kahoy na ginamit nya. Sa pagod at gutom lang siguro kaya natumba agad si kumag.

"Anong problema mo? sino ka? at anong ginagawa mo dito? "  cold kong tanong sakanya.

"Ikaw, ikaw ang pakay namin dito" sagot naman nya.

namin? ibig sabihin...

Matapos nyang magsalita ay nagsilabasan  ang mga lalaking may tattoo at malalaking pangangatawan sa kung saan saan.

Teka familiar sakin ang mga taong toh!

Ibinalik ko ang tingin sakanya na kasalukuyan ng inaalis ang hood na tumatakip sa mukha nya.

Tama nga ako.

Sila ang CLAVERIE ZOUR (CZ) ang mga taong nakalaban ko nang nasa parking lot kami ni kumag, yung oras na nanghiram ako ng motor sa mama at nagpanggap bilang si blaire. (Sa mga nakalimot po balikan nyo na lang po ang Chapter 57, tenkyut  *o*)

Mr. Bully meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon