CHAPTER 16 - FORGOTTEN LOVE

115K 4.1K 45
                                    

CHAPTER 16 - FORGOTTEN LOVE

uhmm.. mwehehhe pasensya na po sa sobrang ikli na chapters na ito. ipagpatawad nyo po

-----------

*Jhay's POV*

"Class they're here!" Ms. Gueverra

Test na naman

(Sigh) tumingin ako kay Jade, at nakatingin sya sakin.

Alam ko na ang binabalak nya.

Kukunin nya nanaman ang ang papel ko para mababa ang makuha ko.

Siguro nagtataka rin kayo noh kung bakit ko nasabing gusto ko si Jade.

Ganito kasi yan....

..

..

Si jade ay ang lalaking kababata ko, kinder garten at Elementarya sya lang ang kaibigan ko, siguro nga nagsinungaling ako kila kat at Zap dahil sinabi ko sakanilang dalawa na hindi pa ko kailanman nagkaroon ng bestfriend. Pero mas lalo lang sila maguguluhan kapag sinabi ko pa ang totoo.

Minahal ko si Jade dahil sya lang ang taong naging Kaibigan ko, di lang yun, gusto ko sya dahil madaldal sya at masaya kasama.

Pero dahil sa magkaaway ang mga magulang namin ay pinaglalayo kami palagi ni jade.

Hangga't aa dumating ang araw na aalis na sila papuntang ibang bansa.

At sa hindi inaasahang pangyayari, nag karoon sila ng Car accident, kasama nya nun ang Ama nya, namatay iyon. Pero sya , nakaligtas sya, pero sa pagkakauntog nya, nagkaroon sya ng Amnesia.

Iyak ako ng iyak nung mga araw na iyon, dahil kahit pangalan ko hindi nya maalala kaya halos magang maga na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak.

Hindi ko alam kung bakit ako lang ang hindi nya maalala, para akong nawalan ng isang kapatid, kaibigan, karamay, at isang taong pinakaimportante sa buhay ko. Masakit sakin ang nangyari, dahil sa hindi rin ako gusto ng mama nya, hindi na ako nito hinayaan pang makalapit kay jade at hinayaan na lang nilang tuluyan akong makalimutan ako ni Jade.

Matapos ang isang buwan nun ay tumuloy na sila sa pag alis.

Umasa ako ng panahon na iyon na magkikita ulit kami.

At ito na nga iyon, nagkita na ulit kami, sa ibang paraan nga lang.

Nang marinig ko kasi ang balita na nakauwi na ng pinas si jade ay agad agad akong nangalap ng impormasyon,

Gaya ng san aya titira, san sya mag aaral , ano ng itsura nya ngayon, kung ok na ba sya.

Nung malaman ko na dito sya mag aaral, ginamit ko ang scholarship ko para makapasok dito.

Sa una naming pagkikita sa eskwelahang ito ay agad akong napaluha dahil sa tuwa, sa wakas.

Nakita ko na ulit sya, ang mga ngiti nya, ang Presensya nya, kahit na hindi nya na ko maalala mahal ko pa rin sya, kahit na, sa pambubully nya lang ako napapansin. Ayos lang...atleast napapansin nya pa rin ako.

At higit sa lahat kahit na inaasar nya kong nerd at pinag tatawanan, pinandidirihan, ayos lang din atleast tumitingin sya sakin.

At kahit na sya ang dahilan kung bakit mababa ang mga grades ko, atleast sa pag laki nya hindi nya pa rin ako makakalimutan , dahil si jhay hee... Ang babaeng nerd na binully nya ng 3 years oh baka mas marami pang taon.

Kung matapos man ang pagpasok ko dito sa hartz academy..

Wag sana nila akong kalilimutan, kasama na ang mga bago kong kaibigan.

(sigh)

Jade Lurz Jekerston

Di mo man ako maalala

Kahit hindi man ako makilala ng utak mo. Sana nakikilala ako ng puso mo.

------

Wag po kalilimutang mag vote :)

Free pong mag comment

At follow nyo rin po ako hehehe plzz


Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now