CHAPTER 69 - NURSING A SICK ZHEN

82.7K 2.5K 1.1K
                                    

CHAPTER 69 - NURSING A SICK ZHEN

(Zhen's POV)

"Urgggggggggggggh!!!! Where's the f*cking food?" 

kruuu~~~~~

Napahawak ako sa tiyan ko nang muli akong makaramdam ng gutom.

Haisht! 

Naglakad ako papuntang garahe para magmaneho at bumili ng makakain.

Pero agad din akong napatigil at napanganga ng makitang wala roon ang sasakyan ko?

what?!?

N-nasaan ang kotse k---


Teka! 

kahapon..

Sa bahay nila hannah..

Napakamot ako ng ulo ng maalala kong may tumutok nga pala sa akin ng baril kahapon at dinala ako sa ibang lugar kaya't naiwan ang kotse ko roon.

Tsk! No choice! 

Nag suot muna ako ng sumbrero bago ako nag-abang ng taxi, at nang makasakay na ako ay dinala na ako nito sa 7/11.

Pumasok ako sa loob ng 7/11 at namili ng makakain.


..

Tiningnan ko ang oras sa relo ko matapos kong maubos ang pagkain ko.

6:30 pm

I need to go home..

Kriing kriing

Patayo na sana ako ng marinig kong may tumatawag sa cp ko kaya muli akong umupo at sinagot ang tawag.

[hello?]

[Hey! Buti naman sinagot muna, kanina ka pa namin tinatawagan eh] kev

[Ah, sorry bro, may nangyari kasi kahapon eh ngayon lang ako nakauwi, mahabang storya, pero okay na rin wala namang nangyaring masama sakin]

[Ganun ba, mabuti. Sabi kasi ni jade tinawagan ka daw ng mga taong bumugbog sakanya gamit ang cp nya at iniwan din doon bago sya nilipat sa ibang lugar ]

Ah.. so wala na si Jade nung dumating ako dahil sinadya nilang iwanan ang cp ni jade para matrack ko iyon at mabihag nila ako? tsk!

[kaya pala, si ..Jade nasaan sya?kayo?]

[Nandito kami sa hospital, konting galos lang naman yung sakin pero yung kay jade medyo malala yung iilan sa sugat nya pero nakakatayo pa naman, bukas lalabas na rin yan]

[Ah sige bro, pagaling muna, punta ko sainyo bukas, hintay lang ako ng taxi ]

[Geh lang--] naputol ang sasabihin ni kev ng biglang sumingit si jade

[Brad dalhan mo ko ng chiks!] Jade

[Ibang klase ka talaga Jade! geh na]


Tumayo na ako matapos kong i-end yung call at lumabas ng 7/11 para muling maghintay ng Taxi.


Pero makalipas ang sampung minuto ay hindi pa rin ako nakakasakay.

Kaya napagdesisyunan kong bumili muna ng maiinom, pero hindi pa man ako nakakaalis sa kinaroroonan ko ay natigilan ako ng mahagip ng mata ko ang babaeng familiar na familiar sakin na nasa loob ng kotse.

Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now