CHAPTER 10 - ESCAPE

122K 4.9K 120
                                    

CHAPTER 10 - ESCAPE

"You have to pay...hahahaha what a poor girl! " zandra

Sabay hila nya sa buhok ko, aba! Anong problema nito? Nainggit ata sa buhok ko eh!

Kung sabagay, straight at mahaba kasi ang buhok ko eh. Well kulot kasi sya, kaya iyan naiingit tsk tsk bad yan neng! .

Sinundan naman ng dalawa ang paghila sa buhok ko. Aba! Mga inggitera pala ang mga ito.

Ano kayang pwedeng gawin? Eh kung Labanan ko kaya ang mga ito ?!?

Hmmm... Sige sige!

"Girls girls stop it! HBM is here. Let's go! "sabi nung Zian

"okay but you dumb girl! You have to be ready! Hindi pa kami tapos sa'yo " zandra

Haisht! Kung kailan naman gaganti na ko eh!

Ewan ko sayo! Makatayo na nga lang.

Ayan! Nagulo tuloy yung straight kong buhok hahaha

Sinuklay ko na lang ito gamit ang kamay ko.

Nasan ba yung sombrelo ko?

Ayun! Paksh*t

Napatiim bagang ako dahil sa galit. Ng makita ko ang  ginawa ng isang toh sa sombrelo ko.

Ang kumag na na toh, tinapakan ang sombrelo ko!!

Shete!

"Akin yan! " sambit ko sakanya.

" (smirk) edi kunin mo" sabi ni kumag.

Atsaka niya iyon binato sa loob ng isang Room na mukhang hindi na ginagamit.

Tss! Nakakainis sya! Kahit kelan hindi ko man lang hinagis o ibinagsak ang sombrelong iyan. Dahil ibinigay yan sakin ni papa, nung birthday ko,  ang saya saya pa man din namin nun .

Tapos itong kumag na toh...  Hinahagis hagis na lang yung sombrelo! Siraulo!

Sya kaya hagisin ko dyan!

By the way! Kukunin ko pa nga pala yung sombrelo hehe

Agad akong tumakbo sa loob ng room, para kunin ang sombrelo pero pagkahawak na pagkahawak ko pa lamang ay agad nag sara ang pintuan nito.

O_O Noooooooo!!!!!!!!!

"Waaaaaaaaaaaag!! " pero walang nagawa ang pagsigaw ko dahil sa tuluyan na pagsara nito.

At bago iyon magsara ay kitang kita ko ang mapang asar na ngiti ni kumag.

Agad namang nag init ang dugo ko ng makita ang mukha nya.

Tsk!!

Urrgh!!

NApasipa ako sa isa sa mga upuan dahil sa inis.

Ang sama talaga ng ugali ng kumag na yan! Haisht!!

Huhuhuhu ano ng gagawin ko ngayon?!? Tsk! Pano ko lalabas?

Leche talaga tong kumag na toh eh...  Wala ng ginawang matino!

Haisht!....  Kailangan kong humanap ng paraan!  

Inilibot ko ang paningin ko para makapahghanap ng paraan para makalabas dito.

San naman ako lalabas dito?

"Aaaaaaaa!! "

Napasigaw ako dahil sa butiking nahulog mula sa bubong.                     
Dahilan kaya ako napatingala.

Napangiti ako ng makaisip ako ng paraan.

Nice idea!

Mula sa sahig ay tumalon ako patungo sa upuan na malapit sa mesa, sunod ay tumalon naman ako sa mesa at kumapit ako sa kahoy na gumagabay sa blackboard para maiangat ang sarili,  at maapakan ito

Nang makaapak na ko ay agad kong kinapitan ang pader atsaka umakyat dito,

Hayy salamat.. Malapit na at makakalabas na ko.....

Psh...  Ang laki kasi ng galit sakin ng kumag na yun!  Wala na man akong ginagawang masama tss..

Kala naman nya di ko kayang makalabas sa mga ganitong uri ng kwarto?  Mwahaahha natural na sakin to noh.. Mas secured pa nga minsan ang tinatakasan ko eh.

Okay...  Gusto ko ng lumabas dito kaya bibilisan ko na.

Sumabit na ko sa kahoy na gumagabay sa bubong atsaka ko na pinilit iangat ang bubong.

(smile)

Here i am!!

In the top!! Nyahahaha

Lumusot na ako sa butas na gawa ng pag angat ko sa bubong.

At sinilip ang ibaba.

Hmmmm....  Anlamig dito sa taas hihihihi...

Hay naku!  Makababa na nga!  Dami kong alam!

Bumaba na ko sa pamamagitan ng pagkapit ko sa mga grills ng bintana ng Room na ito.

Mabuti na lang at mahaba ang bintana nito kaya mahaba din ang mga grills kaya't napadali ang pagbaba ko hehehe ^__^

Eto na....  Malapit na ang dulo...

1...2..and

Nang malapit na ko sa lupa ay tinalon ko na lang ito.

"ya! "

*sigh*

Pinagpag ko na ang kamay ko at nagpaikot ikot....

Woah!! Nice Zap!

Ano na nga bang gagawin ko susunod?

Uhmm...

Pupunta na ko sa room! Tama...  Tama

*ROOM*

Cool na cool akong pumasok sa room na parang walang nangyari...

Nakapasok ang isang kamay sa loob ng bulsa palda at isang kamay ay may hawak hawak na pagkain.

(sigh) Kahapon, marami na ngang nangyari, pati ba naamn ngayung UMAGA, take note!  UMAGA!  Grabe! andami kaagad ng nangyari.

Hooh!  Salamat at hindi ako nalate hehe

Matapos kong kainin ang pagkaing hawak ko ay tumungo na ko sa silyang kinauupuan ko at saka hiniga ang sarili sa braso para simulan ang pagtulog, yeah! Ang hobby ko sa room. Mwehehehe peace

Hmm....  Ang sarap matulog ngayon ah...  Ang lamig ng hangin...  At ang tahimik tahimik pa ng mga kaklase ko...  What a good day...

Teka teka—!

Tahimik??

Pano tuma—

Napa balikwas ako ng ayos ng upo ng maramdaman ko ang pagsipa ng isang toh sa upuan ko.

Problema na naman ba ng kumag na toh?

Tumayo rin ako para Harapin sya at...malaman kung ano ang problema nya..

Pero natigilan na lang din ako ng makita ko ang gulat na gulat nyang ekspresyon.

"W-what the ...........heck! P-pano ka nakalabas dun!" kumag.

(blink) (blink)

P-pano ako nakalabas?

Uhmm...

Ehem ehem.. Ahh...

Patay!

Kinulong nya nga pala ako!

Waaaaaaahh!!

A-anong s-sabihin k-ko? Lagot ako! 

Ms. Author!!! Tulong!

-----------------

Wag po kalilimutang mag vote :)

Free pong mag comment

At follow nyo rin po ako hehehe plzz

Mr. Bully meets Ms. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon