Chapter 77 - FINAL

47.5K 1.2K 200
                                    

[Readers, may suggest ako habang binabasa niyo makinig kayo ng mga ost ng kdrama yung mga pagmunimuni hehe skl. Sana magustuhan niyo]

Chapter 77 - FINAL 

*Zap's PoV*

Agad akong sumakay sa kotse ni Yoona para bumalik sa GIA (Golden Intel' Alliance) kahit pigilan ko ang lumuha, hindi ko magawa dahil alam kong sobrang napuruhan si Zhen don. Hindi ko alam kung basta ayokong mag isip ng masama.

"Zap, wag ka nang umiyak. Naiiyak din ako eh. Yakapin na lang kita," pagcomfort sakin ni megan.

"Salamat," hina kong pagpasalamat.

...

"Zap, gising na," paggising sakin ni yoona. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Nandito na kami kaya agad akong tumakbo papuntang Ospital dito sa GIA. 

Nilibot libot ko ang paningin ko sa lahat ng kwarto pero bakit ganon hindi ko makita si Zhen.  Hindi ko talaga makita si Zhen! Fvck! Magtatanong na lang ako sa Nurse dito sa Counter.

"Nurse, may dinala ba ditong Zhen Hartz?," agad kong tanong.

"SI Mr. Zhen po? Hindi po siya dito ipinadala ng family niya. Kase gusto po ng pamilya niya na sa America ipagamot si Mr. Zhen. Mas advance po kase at mas hightech pa ang mga gamit don sa Agent's Hospital sa America," paliwanag ng nurse. Sa sinabi niyang yon parang nanalambot ang tuhod ko. Bakit naman bigla nilang dinala don. Bakit ang bilis ng mga pangyayari?

Hindi ba nila alam na may concern din ako kay Zhen?

"Pero malayo yon diba? mas matatagalan sila! He needs urgent treatment!," tanong ko.

"Sa Private Jet  sila sumakay para mas mapadali. So Ms. Kurshwell? Right? maiwan ko na muna kayo," sagot niya.

Bakit ganon? Dinala nila si Zhen don. Well, may karapatan ba ako para magreklamo? Hindi ko na namang mapigilan ang luha ko.

"Zap! Ano nakita mo na si Zhen?," tanong ni yoona.

"Wala siya dito. Sa America siya dinala. Bakit ganon bigla na lang nilang dinala don ng hindi ko alam? siguro naman diba pede kong malaman yon? Yoona! Gusto ko lang naman siya makita," iyak kong sabi kay yoona at napayakap sa kanya.

"Zap, sabihin na nating mas mapapagaling siya don. Pahinga ka muna Zap, tingnan mo sarili mo. Alam kong pagod na pagod ka na, baka ikaw pa ang maospital nan. Hatid mo na kita sa sinabi ng lolo mo na condo mo dito," yoona.

Pangako pupuntahan kita Zhen.

...

Isang araw akong nakatulog grabe halo halo na kase, pagod, iyak, bugbog at anupa. Teka kailangan kong kamustahin si Zhen.

Agad akong bumangon para puntahan sila Lolo sa Office ng GIA. Gigisisngin ko muna si yoona para samahan ako.

"Yoona, gising na! Pwede mo ba akong samahan sa GIA Office? Tatanong ko kay Lolo ung anong lagay na ni Zhen," paggising ko kay yoona.

"Ha? Wait lang. Hindi ka ba muna kakain ang tagal mo kayang natulog?," tanong ni yoona.

"Mamaya na dalian mo diyan!," utos ko.

...

"Lo, may balita po ba kay Zhen?," tanong ko kay lolo nung nakita ko siya.

"Oo Apo, critical ang lagay niya ngayon at hindi pa daw siya nagigising. Yan lang yung balitang sinabi ng Ama niya," sagot ni lolo.

Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now