CHAPTER 3 - Dispute

159K 6.4K 135
                                    

CHAPTER 3 - DISPUTE

*Kriiiing*

"Class Dismissed. You can have your lunch now"

*yawn*

 Pagkagising ko ay agad akong nagpaunat unat ng mga braso ko at inayos ang sarili.  Pangalawang araw ko na sa Academy na 'to. Ano na naman kaya ang mangyayari ngayong araw?

Napalingon ako sa katabi ko nang mapansing nag uunat rin, mukhang antukin rin sa klase ang taong 'to

"Tsk! Don't look at me kung ayaw mong dukutin ko 'yang mata mo" literal na napanganga ako sa sinabi niya, kakaiba talaga siya parang may saltek!

Tumayo na ako atsaka binitbit ang bag ko na naglalaman ng isang notebook at ballpen atsaka naglakad na palabas ng room.

"Ate!! " tawag ng babae sa likod ko.

Kahit hindi ako sure kung sino ang tinatawag nya ay agad ko na syang hinarap para makasigurado ako.

Teka, mukhang familiar ang mukha niya... siya yung babaeng nakasalubong ko kahapon.

"Bakit po? "  tanong ko sakanya.

"A-ano... may kailangan akong sabihin!! " sagot nya

"Ano yun" tanong ko sakanya.

"M-may kailangan akong ipaliwanag, mahabang paliwanag" sagot nya atsaka tumakbo papuntang canteen, agad ko naman syang sinundan dahil nacu curious rin ako sasabhin nya.

Nan gmakapasok na kami sa loob ay agad kaming naghanap ng vacant table atsaka umupo roon at nang makaupo na kami ay agad syang tumayo at nagsalita.

"Uhmm bibili lang ako ng pagkain ah? para naman kahit papaano may laman yung tiyan natin habang nagkukwentuhan"sambit nya

Tinanguan ko na lamang sya bilang tugon at matapos ko iyong gawin ay agad na syang lumakad para bumili ng makakain.

Hahaahahahaaahahah

Napalingon ako bigla sa direksyon ng mga estudyante na kasalukuyang nagtatawanan sa hindi malamang dahilan.

At..dahil nga tsismosa ako ay agad akong nakiisyuso at nakita ang isang babaeng may suot na salamin at nakabraid na pinagtatawanan nila. Tapon ang pagkain nito at nakaluhod ito sa sahig habang nililigpit ang mga pagkain na 'yon

Nakita ko ang lalaking syang may kagagawan kung bakit ka awa awa ang babaeng ito. Si Zhen na tumatawa tawa pa.

Hindi ka na nga naawa, tinawanan mo pa! 

Pinigilan ko ang sarili ko, alam ko sa sarili ko na hindi dapat ako manghimasok, paraan 'to para mabayaran ko ang chopper ni Lolo. Naiintindihan ko ang sarili kong layunin, pero kailangan ng babae ng tulong.

Hinilot ko ang sentido ko, bakit ba napaka pakielamera ko?

Tumayo ako sa aking upuan at naglakad patungo sa direksyon ng kaguluhan

" Tara na kumain na tayo! " sabi ng babaeng nakapigtail 

"Susunod ako, saglit lang 'to" sambit ko atsaka pinagpatuloy ang paglalakad

Nilapitan ko ang babaeng  pinagtatawanan ng mga estudyanteng nandito sa loob ng canteen atsaka sya pinatayo. Ngumiti naman sya sa akin matapos ko iyon gawin.

"Umalis ka nga rito" sabi ng lalaking mayabang na kumag.

At matapos nya iyon sabihin ay bumaba sya sa mesa na pinagkakaupuan nya atsaka lumapit sa 'kin.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinulungang makatayo ang babaeng nakasalamin.

"Bitawan mo siya, hindi pa kami tapos sa kaniya" mariin niyang sabi habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi pa ba sapat sa'yo na makita siyang napapahiya sa harap ng maraming tao?" sagot ko na nagpatahimik sa loob ng canteen . Mukhang bago yata sa paningin nila na mayroong sumasagot sa kumag na 'to

"Pa'no kung sabihin kong hindi pa? " nakangisi niyang tugon.


'Ohmy god girl.. she's stupid hindi niya alam ang lugar niya'

'wala syang karapatang ganyan ganyanin si Zhen!'

'Ang tapang nya men'

'Wish her good luck tss..'

Nakarinig na ako ng mga bulung bulungan sa paligid, mukhang inaabangan nila ang mga mangyayari.

"Pwes DUWAG ka" sagot ko habang sinasalubong ang mga matatalim niyang titig.

"I don't fear anyone, stupid" pangisi ngisi niyang sagot.

"You act like you own everyone, you use you power to humiliate them, you think that you're above them that only means that you're being a coward" litanya ko habang lumalapit rin sa kaniya. 

His eyes glow with anger

" Wala kang karapatang sabihan ako ng duwag" Napapatiim bagang niyang sagot

 "Wala ka ring karapatang bullyhin ang kung sino. Anak ka pa naman ng may ari ng Academy na 'to tapos ganiyan ang ugali mo" umalis na ako sa matatalim niyang titig at hinila ang babaeng nakasalamin, para lisanin na ang Kantina.

Tumigil ako nang makaramdam ako ng likido na tumama sa likod ko. 

"Bullsh*t"


Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now