Señorita

7.2K 152 18
                                    


Nasa bungad ng Hacienda Veronica si Glendon. It was owned by his godfather Ivan Paul Anderson, ang pangalan ng Hacienda ay sinunod sa pangalan ng asawa nito. It was Mr. Anderson gift to his wife, 6 years ago nang lumipat ang pamilya sa probinsya. Napakunot noo siya nang makita ang isang babae sa bungad ng bakal na gate, if he's not mistaken iyon ang panganay na anak ng ninong niya. Nagawi lamang siya sa lupain ng mga ito dala ng paglilibot sa buong Hacienda nila.

Lumakad siya papalapit, "hi, I'm-"

He was caught off guard nang lumingon ito. She raised an eyebrows to him. He smiled secretly.

"I don't talk to stranger." Masungit na wika nito at mabilis humakbang palampas sa kanya. Ngunit bago pa makalayo ang dalaga ay nahagip niya ang isang kamay nito. He was stunned the electrifying heat the moment their skin touched.

"If you think you can get away from me... " he paused, "well, think it twice, Señorita. Hindi mo ako malulusutan, wag mo akong itulad sa mga nauna mong bodyguards. You are 24/7 guarded by my eyes."

"At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?"

"Your bodyguard." Cool na sagot ni Glendon.

Nakita niyang natigilan ang kaharap. Iwinaksi ni George ang kamay niya at nanggagalaiting humarap sa kanya.

"Bodyguard? Really?" Patuyang sagot sa kanya.

"Really, Señorita. So be a good girl, okay?"

Naikuyom ni George ang kamao dahil sa kayabangang taglay ng bagong bantay. Gwapo sana, kaso mukhang mas mataas pa yata sa Eiffel tower ng Paris ang kayabangan sa katawan. Well, she wasn't bitch for nothing, seems like he wants a game, then, fine! She'll play with him.

She hated the guts of him. All she wanted is to be free from watchdog. Pero ang daddy niya ay sobrang higpit sa kanyang seguridad.

She crossed her arms on her chest and raised an eyebrows to the 10th power.

"Like the view?"

The man smirked

"What view, Señorita? Wala kasi akong makita. Flat." Nakangising tugon sa kanya.

Nanlaki ang butas ng kanyang ilong dahil sa sinabi ng lalaki. Kung pwedi lang sugurin niya ito at balibagin ang gwapong mukha ay ginawa niya. Wait! Did I say gwapo? Damn! Usal niya sa isipan.

"Sira ulo ka pala, e! Hindi ako flat! Hoy! Mr. Masyado naman yatang mataas ang tingin mo sa sarili mo! Tandaan mo bodyguard lang kita. Kaya lumugar ka sa dapat mong kalagyan! Bweset!"

"Ang talas ng bibig mo, Señorita. I'm only saying the truth, obvious naman kasi. Saan ba banda ang view na tinutukoy mo." Nang-uuyam na sagot ni Glendon.

George, didn't think twice kinuha niya ang tsinelas at ibinato sa binata ngunit hindi ito natamaan dahil nasalo niya iyon.

"I will tell dad to fire you! Bastos!"

"Ang ibang babae ay mahinhin at tanging magagandang salita lamang ang lumalabas sa bibig pero ikaw?" Tumingin sa kanya ang lalaki mula ulo hanggang paa na may pilyong ngiti na naglalaro sa labi. "Kung ano ang ikinaganda mo sa labas ay kabaliktaran naman sa loob."

"Abnormal ka pala, e! Lumayas ka sa harapan ko!" Nanggagalaiting sigaw ni George.

"Aalis ako sa harapan mo pero hindi sa buhay mo. Tandaan mo,Señorita. Magmula sa araw na ito, lagi na akong nakabuntot sayo. Kaya masanay ka na sa presinya ko."

"Ugok! Asa ka, pahihirapan kita."

He chuckled.

Initsa sa kanya ang tsinelas bago tumalikod ang lalaki. What the hell! Padaskol niyang pinulot ang sapin s paa. Gusto nya'ng habulin at suntukin sana ito kaso paglingon niya sa bukana ng pinto ay nakatayo roon ang mga magulang na nakakunot noong nakatingin sa kanya at sa papalayong likuran ng lalaki na nagpakilalang bodyguard niya raw.

Bodyguard? Grrr! Bweset may araw ka ring mayabang ka!

"Sinong kausap mo George?" Tanong ng ina habang nagmamadali siya sa paghakbang papasok ng bahay.

She sshrugged, "a beggar mom," at ipianagpatuloy ang pag-akyat.

"Beggar? Baka naman tauhan natin at pinagsungitan mo."

"I don't think so, naligaw yatang pulubi yun, Ma."

"Your new bodyguards will arrive later, George," napahinto sa siya sa muling paghakbang. "Pansamantala mo silang magiging bodyguards."

"Bodyguards? Ilan?"

"Tatlo."

"Daddy naman! Bakit ang dami nila. Alam mo na ngang ayaw ko ng tagasunod di ba!" Maktol niya.

"For your safety, Georgina." My pinal na pagkasabi ng ama. Itinuloy niya ang pag-akyat na nag-ngingitngit ang ang kalooban.

TBC

SeñoritaWhere stories live. Discover now