Chapter 8

2K 105 9
                                    

MAKALIPAS ang ilang minuto ay ramdam ni Glendon na bumigat na ang paghinga ni George. Inayos niya ito ng higa sa kama at muling pina-unan sa braso. He reached the tip of the blanket to cover their bodies.

He couldn't breathe normally because of George's breast na nakasagi sa kamay. Ang malambot na katawan nito na nakasiksik sa kanya at ang mabangong paghinga ng babae. Ngayon, siya naman ang hindi makatulog.

Hinawi niya ang buhok ni George na tumatabing sa mukha nito. A pang of pain engulfed in his stomach as he closed his eyes and took a deep and long sigh.

"Hmmnn..."

"Ssshh...I'm here, baby. Just sleep."

Pilit na ipinikit ni Glendon ang mga mata hanggang sa nawala ang kamalayan at tuluyan nang nakatulog habang mahigpit na yakap si George.

...
"Morning."

Kumurap si George, nang marinig ang pamilyar na boses malapit sa kanyang mukha. Bumalikwas siya ng bangon nang mapagtanto na nakayakap siya kay Glendon, hindi maitago ang biglang pamumula ng pisngi. Nilinga niya ang paligid ngunit madilim pa rin, sa mapuslaw na ilaw ng lampshade,nakita niya ang orasan na nakasabit sa hotel room. Alas singko na nang umaga ngunit wala pa ring sinyales na magiging maganda ang lagay ng panahon.

Lumingon siya sa gawi ni Glendon. Gaya niya ay gising na rin ito.

"B-bakit hindi ka bumalik kagabi sa penthouse nang makatulog ako?"

"You were scared at ayokong iwan ka. Kahit tulog ka ay pumiksi ka kapag may kidlat at kulog. Baka bumangon ka na naman at umupo sa kama mo magdamag kapag iniwan kita."

"T-thank you for staying."

Yumuko si George upang itago ang namumulang mukha. Napagtanto niyang wala pala siyang bra dahil hinubad niya iyon ng magsuot ng manipis na night gown na hanggang sa kalahati ng hita. At tanging lacy panty lang ang kanyang panloob. Niyakap niyang bigla ang sarili dahil sa kahihiyan, baka isipin ni Glendon na inaakit niya ito.

Inaantok pa rin siya dahil sa lamig ng panahon, ang gusto niya'y humilata sana sa kama ngunit nagdadalawang isip siya dahil naroon si Glendon.

"Come here, George. Alam kong inaantok ka pa. Madilim pa sa labas."

Glendon tapped his side kung saan siya umalis.

Sandaling nag-alinlangan si George. Kung tatabi ba ulit kay Glendon o 'wag nang matulog muli. Wala siyang ibang pweding gawin kundi ang bumalik sa kama, but she doubt it kung makakatulog pa ba siya.

"But-"

"No buts, baby. Bumalik ka rito." He commanded in a stern voice.

Kasya lamang ang dalawang tao sa kama, kaya walang nagawa si George kundi ang umusad palapit kay Glendon. Yakap-yakap ng kamay ang dibdib, at nakita na rin iyon ni Glendon nang minsang pinahubad siya nito dahil sa kasalanan.

"Are you cold?." Pag-alalang tanong ni Glendon, nang makita na yakap niya ang sarili.

Umiling lamang si George bilang tugon.

"Hindi ka ba komportable na kasama ako? Aalis ako kung gusto mo."

She tempted to say yes, but her heart stubbornly stopped her. Mas malakas ang pwersa ng puso niya kaysa sa dikta ng utak. Then, she found out herself, shaking her head.

Glendon, open his arms for her. Agad siyang pumaloob, na tila bata na gustong magpapansin. Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay ni Glendon sa kanyang hita. Akala niya ay kung ano ang gagawin ng lalaki, hinila lang pala nito ang nakalihis niyang damit pababa at kinuha ang kumot upang itakip sa kanila.

SeñoritaWhere stories live. Discover now