Chapter 7

1.5K 76 6
                                    

ARAW ng sabado maaga silang bumyahe ni Glendon pauwi ng Hacienda. Masama ang panahon, makulimlim ang kalangitan at malamig ang ihip ng hangin. Nasa Manapla na sila ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Nakalampas sila sa kahoy na malakas na idinuduyan ng hangin. Georgina, crossed her arms and rubbed her palm on her skin. She was afraid of lightning and thunder.

"You okay?" Glendon asked with concerned.

"Yeah,I'm fine. Just a bit scared of lightning and thunder. May bagyo ba?"

"Hindi ko alam, hindi naman na naibalita kung may bagyo ngayon-" naputol ng isang tunog ang sasabihin sana ni Glendon.

"Hello,dad?"

"Nasaan na kayo ni Glendon? Kanina pa umuulan dito at sobrang lakas, kung hindi pa kayo nakakalayo ay mabuti pang huwag na lang kayong tumuloy sa pag-uwi. Hindi rin kayo makakapasok dito sa Hacienda, may malaking puno na natumba at nakaharang sa daan papasok rito at madulas ngayon ang daan."

"Dad..." problemadong tumingin si George kay Glendon na sumulyap ng bahagya sa kanya. "Kalalabas lang namin ng Manapla. Paano 'to, nakakatakot nang bumalik pa, may mga puno rin mukhang matutumba rito sa daan dahil sa lakas ng hangin."

She heard her father took a deep sigh.

"Sa siyodad na muna kayo tumuloy, dilikado kapag pinilit niyong pumasok dito. Let me talk to Glendon."

Sinulyapan niya si Glendon na nagmamaneho, nakapukos ang mga mata nito sa daan. Malakas ang hampas ng ulan sa harap ng sasakyan.

"Si daddy, gusto ka raw maka-usap."

"Just hold the phone and place on my ear."

Lumapit si George kay Glendon at itinatapat ang cellphone sa tainga ng binata. Gusto sana niyang sabihin na itabi muna ang sasakyan dahil dilikado at nagmamaneho ito.

Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan ng dalawa dahil nasa unahan ang kanyang mga mata. Kahit ang wiper ng sasakyan ay hindi maampat ang pagdaloy ng tubig. Mas lalong dumilim ang kalangitan, nakikita niya sa bandang dulo ang guhit ng sunod-sunod na kidlat.

Narinig niyang nagpaalam sa ama si Glendon.

"Ano'ng sabi ni dad?"

"We can't go on like this, hindi natin pweding suongin ang malakas na ulan at hangin. Dideretso tayo sa hotel ni Brandon sa siyodad."

Bagsak ang balikat ni George sa narinig. Isinandal nito ang likod sa upuan nang biglang kumulog na may kasunod na nakakatakot na kidlat.

"Oh my God!" Naitakip niya ang kamay sa dalawang tainga at itinatago ang mukha.

"Hey, don't be scared...I'm here."

Glendon held her hand and squeezed it. Dumaloy ang kakaibang init ng palad nito sa kanya. Sapat upang kumalma sa takot na nararamdaman. Nalampasan na nila ang crossing Paho papasok sana sa Hacienda. Ngunit wala siyang magawa kundi maki-ayon sa suhisyon ng ama at ni Glendon.

"G-Glendon, let go of my hand. Focus on driving."

"Aren't you scared?" Sa halip ay tanong nito.

She shook her head while slowly pulling her hand. Muli niyang inayos ang pagkakaupo. Ilang minuto na lang na pakikipagbuno sa masamang panahon ay makakarating na sila sa siyodad.

SeñoritaWhere stories live. Discover now