Chapter 3

1.8K 74 4
                                    

"Ano'ng..." napatigil si George sa pagtakbo nang makitang nakatayo ang bodyguard isang kilomentro mula sa kanyang kinaroonan. Linggo ng umaga, napagpasyahan nya'ng mag-jogging. Gumising siya bago pa man sumikat ang haring araw. Magandang tumakbo sa labas ng masyon; maaliwas ang kapaligiran, lalo na't masarap ang dampi ng hangin sa balat. Sa main road siya napadpad ngunit hindi iyon kalayuan.

"What the hell are you doing there? Sinusundan mo ba ako?" Sigaw niya kay Glendon.

Kibit lamang ang isinagot sa kanya. Humakbang si Glendon na para bang nagbibilang patungo sa kanya. Nakapamulsa ang lalaki, nakasuot din ito ng jogging pants at jacket na may hood. Ang dawalang kamay ay nasa magkabilang bulsa ng jacket.

Hindi na muling tumakbo si George bagkus ay pinag-kros niya ang dalawang kamay sa dibdib at mataman na pinagmasdan ang lalaki na nagbibilang ng hakbang papunta sa kanya.

"Call of duty." Ani Glendon ng pagkalapit sa kanya.

"Excuse me?", magaspang nya'ng sabi sabay taas ng isang kilay, "the last time I checked nandito pa rin ako sa loob ng hacienda ang trabaho mo lang ay bantayan ako sa labas."

"Excuse me?", ulit ni Glendon sa mapanuyang tinig. Pinanlakihan naman ito ni George ng mga mata. "The last time I checked as your so called bodyguard, kailangan nakamonitor ang kilos mo,sa loob man o labas ng mansyon 24/7, Señorita."

"Pwes, manigas ka! Malulusutan pa rin kita." Asik ni George.

Glendon standing in front of her. And God knows, how her heart beats changed. A mischievous smile trifling the corner of his lips. She collect all the courage to calm herself. The manly scent of a man penetrating on her nose as she breath in.

But then, she has to act normal as if she's not affected by his hypnotic posture. Tumaas ang kanyang mga kilay nang mapagtanto na nakatingin din sa kanya si Glendon.

"Are you undressing me in your mind?"George asked as her eyes widened.

Umiwas ng tingin si Glendon. Sa sulok ng mga mata niya nakitang gumuhit ang ngiti sa mapupulang labi ng lalaki. Never in her wildest dreams to adored a sinewy bodyguard. Wala sa hitsura ang pagiging isang bodyguard nito sa halip ay isang ideal man ang nakikita niya kay Glendon. She shook the thoughts off from her mind. Ayaw nya'ng bigyan ng kahulugan ang tinatakbo ng isipan.

Sa muling pagharap ni Glendon ay seryoso na ang mukha nito. Tumaas-baba ang mga mata nito sa kanya. Ikinuyom niya ang kamao dahil sa paraan ng pagtitig ng lalaki. Bigla sya'ng kinilabutan at gusto nya'ng suntukin ang ito.

"Undressing you, Señorita? I think hindi na kailangan. Wala namang curves." Kunwaring kinamot pa nito ang ulo. Patay malisyang sumipol habang hinihintay ang kanyang sagot.

Nanggagalaiting itinaas niya ang kamay diretso sa mukha ni Glendon nang mabilis naman nitong naagapan. Gusto nya'ng suntukin ang malisyusong mata ng lalaki na tila ba pinagnanasahan siya nito sa loob ng isip.

Ikinulong ni Glendon ang kamao niya sa palad nito. Electrifying heat runs all over her body as Glendon still cupping her fist. "Bastos ka! Bitawan mo ang kamay ko!"

Glendon chuckled.

"It's better to undressed you in my mind rather than here in the middle of highway."

"Gago ka talaga! Bastos ka!"

"Isipin mo ang gusto mong isipin, Señorita. Makakaasa kayo na simula sa araw na 'to, magiging buntot mo na ako."

Binitawan ni Glendon ang kamay ni George. Tumalikod na ito, at nagsimulang maglakad nang hubarin ni George ang kanyang sapatos at ibato sa lalaki.

"What the!" Lukot na lukot ang mukha ni Glendon nang tumingin kay George na ngising-ngisi sa ginawa.

SeñoritaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum