Epilogue

155 6 0
                                    

"Good evening! Hey, wake up sleeping beauty!"

"Ano ba, Steff! I'm still sleepy." Muling ibinaon ni George ang mukha sa unan.

"Sabi ni Mommy gisingin daw kita, kasi maghahapunan na. Kaninang hapon kapa tulog nang tulog, gabing-gabing na, inaantok ka parin. Siguro nagpuyat kana naman kagabi sa kakahintay kay kuya Glendon, no?"

"Not your business, Stephanie. So please, labas kana matutulog pa ako."

"Not until I dragged you out of this ugly room, kasing ugly mo kapag hindi kapa bumangon diyan!"

She groaned at her sister remarks, iniyakap niya ang kamay sa malambot na unan. Naalala niya si Glendon. Isang linggo na itong nasa lungsod, inaasikaso ang naiwang trabaho. Madalang lamang sila makapag-usap dahil parati raw itong abala.

Gusto niyang sumunod pero pinagbawalan siya nito. Hintayin na lamang daw niyang bumalik ang binata. Nagtatampo siya dahil halos wala na itong oras sa kanya. Pikit matang niyang kinapa ang cellphone sa bedside table.

Idinilat niya ang kabilang mata upang tingnan, ngunit mukha ni Stephanie ang sumalubong sa kanya hawak ang phone niya na iwinawagayway sa taas.

"Steff, give me my phone."

"Ayoko."

"Steff, isa."

"I will call kuya Glendon at sabihin sa kanya na ayaw mong maghapunan."

"Stephanie! Don't you dare, he's busy don't disturb him!"

Steff just raised an eyebrows to her, twisting her lips up.

"Give me back my phone."

"Then get up. Ibibigay ko na lang sa'yo sa ibaba." Tumakbo si Stephanie palabas ng silid niya.

She jumped off from bed.

"Stephanie!"

Padabog na bumalik si George sa silid. Hindi narin niya naabutan ang kapatid dahil nasa ibaba na ito. Patamad niyang binuksan ang cabinet, kumuha ng damit upang maligo. Wala siya sa mood buong araw, sobrang sabik na siyang makita at mayakap si Glendon pero wala itong paramdam. Marahil ay abala ng husto ito sa ahensya.

She strengthened her arms and legs. Pumasok siya ng banyo at naligo na. After 30 minutes, bumaba siya para kunin ang cellphone sa kapatid. Nadatnan niya ang ina sa kusina. Nangunot ang noo nang makita na puno ng pagkain ang dining table nila. Ang ibang katulong ay may kanya-kanyang ginagawa. Kapwa abala ang bawat isa.

"Gising kana pala, halika na at kumain na." Her mom.

"Ano'ng meron bakit ang daming handa, Mom? At nasaan si daddy?"

"Nasa pool area ang daddy mo kasama si Steff."

"Si Steff? Yung phone ko nasa kanya Mommy!"

"Hayaan mona, hindi naman gagalawin ni Stephanie ang phone. Maglalaro lang 'yun. Sige na, kumain kana, may mga bisita yata ang daddy mo mamaya-maya lang."

She heaved a sigh and pull the chair out. Kumuha siya ng pinggan at kumain na lamang. Ngayon lang niya naramdaman ang gutom ng matikman ang masarap na kare-kare ng ina. She make herself comfortable and forget Glendon for awhile.

"Bulaga!"

Mula sa likuran ay biglang lumitaw si Stephanie, muntik pa siyang mabulunan sa ginawa ng kapatid.

"Steff ano ba! Mommy si Stephanie 'oh!"

"Steff, don't disturb your ate." Sigaw ni Veronica.

"I'm Mom, isasauli ko lang naman ang phone niya."

SeñoritaWhere stories live. Discover now