Chapter 18

61 2 0
                                    

"Alam mo girl, kanina nasa labas ng campus na naman yung ex mo." Ani Lana.

"Yup! At tatlong sunod-sunod na araw na siya nandoon at nagbabasakaling makita ka." Segunda ni Ana.

"Why don't you show up to him, girl? Tatlong araw ka narin nagkululong dito sa bahay, ayaw mo naman pumasok." Sabat ni Irene na abala sa pag ni-nail-filed ng kuko.

"It's obviously girls, I'm avoiding him. Ayoko na siya ng makita after what he did. Magpakasawa siya roon sa malanding Maris na iyon. Galit ako sa kanya, I won't forgive him."

"Pero girl base sa nakikita ko sa kanya he was hurting too. Lihim namin siyang sinisilip minsan, at ang pobre pagkatapos ng buong araw na pag-istambay lungo-lungong bumalik na lamang ng sasakyan."

Patamad niyang binalingan si Irene, bumuka ang bibig niya upang magsalita ngunit walang lumabas na kataga kaya itinikop na lamang niya. She sighed. Parehong magulo ang puso at ang isip niya. Hindi niya alam kung paano nakayanan ang tatlong araw without seeing Glendon. God knows, how much she misses him.

"Why don't you give him another chance, girl? Sa tingin namin pareho lang kayo nahihirapan. You two make things complicated. At iyang decision mo na pumunta sa ibang bansa, well, sorry to tell this kahit hindi mo man sabihin ang totoo, alam namin na ang break up niyong ito ang main reason kung bakit ka aalis. You should at least bid a goodbye to him before you leave girl. At sana tama itong naging decision mo, kami naman ay lagi lang nandito para sa'yo. What's friend are for di ba?" Mahabang wika ni Lana.

I smiled, nagyakapan kaming apat. "Thank you, girls."

She was very thankful to her friends whose always been there when she needed them the most. She'll be okay, everything will gonna be alright, siguro hindi ngayon pero balang araw babalik na ulit sa normal ang lahat... ang buhay niya. Makakalimutan niya rin na minsan sa buhay niya ay may nakilala siyang isang Santillan minahal ng lubos.

Gaya ng sabi ng daddy niya, matapang siya. Tutuparin niya ang mga pangarap para sa pamilya. She wouldn't like to disappoint her parents this time. Kapag nasa ibang bansa na siya ay magiging abala na ang buhay niya. Makakalimutan niya ang sakit at tanging bagong alaala na ang uukit sa puso at isipan niya.

Papalayain niya ang puso, ayaw niyang makaramdam ng sakit dahil bumalik ang pait sa kanyang dibdib. She will start anew and forget everything. Everything including him. Mahal na mahal niya ito pero panahon na siguro para mahalin muna niya ang sarili. Pahalagahan at lalo pang hubugin upang maging matapang sa pagharap sa mga pagsubok na darating.

"Don't forget to keep in ttouch, girl. Update mo kami sa daily life mo, bibisitahin ka namin doon." Ani Ana nang kumalas sa yakap.

"Of course, I will girls. We maybe miles away but what's the use of internet di ba?"

"Hay... mamimiss ka namin ng bongga girl, hindi kana namin makakasama sa metrodome to party."

"It's okay, babawi ako pag-uwi ko."

"Oy! Sinabi mo yan ha? Girls take note niyo ang sinabi niya." Si Irene na itigil ang pagkuskos sa kuko.

"Yup! Copy!" Chorus na sabi ng dalawa. Natawa na lamang siya sa mga ito.

Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ay nagsi-uwi na ang dalawa dahil gabi na. Nauna siyang umakyat kay Irene sa itaas dahil nakatilibabad pa ito sa ibaba, dumiretso siya sa silid na ino-ukopa. Patamad niyang ibinagsak ang tila pagod na katawan sa kama. Glendon's image popped out in her mind ang nanglalalim na mga mata na puno ng sakit na ilang gabi ng walang tulog. Ang balbas nito na halatang ilang araw narin hindi nakapag-ahit.

Ipinikit ang mga mataat iwinaksi ang mukha ni Glendon. Nagmulat lamang siya ng marinig ang pagtunog ng cellphone.

"Hello, dad?"

SeñoritaWhere stories live. Discover now