Chapter 5

1.4K 75 4
                                    

TAHIMIK na nakasandal ang likuran ni Glendon sa hood ng kotse. Nasa tapat siya ng university na pinapasukan ni Georgina. Nag-aabang siya sa babae. Araw ng Byernes at hindi niya alam kung uuwi sa Hacienda si George o bukas na lamang.

Nakatutok ang kanyang mga mata sa bakal na gate ng university. Kanina pa naglabasan pauwi ang mga estudyante ngunit hindi pa rin dumarating ang hinihintay. Halos isang oras na sya'ng nakatayo sa labas ngunit ni anino ni Georgina ay hindi niya mahagilap.

...
"Gosh! Congrats Georgie! Nalusutan mo ang hot mong bodyguard, for sure nagpapanic na yun sa kakahanap sayo."

She smiled triumphantly. Bago paman dumating si Glendon ay nakalabas na siya ng university. Alam nya'ng magsusumbong ito sa daddy nya, well, he can go ahead, she doesn't care. No one could stop her from partying tonight,and she's so excited.

"Ako pa!" She smugly said.

"Here we are!" Sigaw ni Lana nang tumapat ang sinasakyan nilang kotse sa isang malaking bahay. Aston's place, ayun sa mga kaibigan ay ang lalaki lang ang mag-isang nakatira sa bahay dahil abala sa trabaho ang mga magulang nito na nasa ibang bansa nakabase ang negosyo. Tanging mga kasambahay lamang ang kasama ni Aston.

Nang pumasok ang kotse sa loob ay namangha si George sa kakaibang desensyo ng bahay. Isa raw na magaling na architect ang ama ng lalaki kaya naman hindi kataka-taka kung bakit ganito kaganda ang desenyo ng bahay nila.

Marami nang mga tao sa loob. Halos lahat ay galing sa university nila. Maraming lalaki at babae na naka swimming attire. Ngayon niya nararamdaman ang pagka-ilang. First time nya'ng mag pool party. Kahit pa sabihin na party goer siya ay hindi naman siya sanay sa ganitong party. She felt awkward somehow,thinking she's going to wear two piece bikini with boys were everywhere.

"Hey,George! Let's go, magpalit na tayo." Hinatak siya ni Irene papasok sa loob ng bahay. Apat silang magkabarkada; siya,si Irene, Lana at Ana. Nagpatinaod siya kahit ang totoo ay gusto nya'ng mag back out.

"Earth to Georgina!" Napakurap siya sa biglang pagpitik ni Irene ng mga daliri nito sa kanyang harapan. "What happening to you? Don't tell us na nagsisisi kang sumama sa amin?"

"Of course not! Actually, I'm so excited to experience this kind of party!" Pilit nya'ng pinasigla ang boses.

"Yun naman pala!" Sabat ni Ana. "Bilisan na nating magbihis para makapag join na tayo sa mga boys sa labas." Segunda ni Lana.

...
"Wooo! Let's party everybody!"

"Lower babe!"

"More! More! More!"

"Oh'my gosh!"

'Lower! Lower! Lower!"

Halos masuka si George sa mga nakikitang kalaswaan. Alam nya'ng wala na sa sarili ang ibang mga naroon maliban sa mga hindi lasing.

Naglalaro ang mga ito, may kung anong pinapahid sa bawat parti ng katawan ng mga lalaki o babae man tapos ay didilaan. Nakakabingi ang ingay ng musika,hiyawan at ungol ng mga tao. Kunti lamang ang kanyang ininom, kailangan nya'ng rendahan ang sarili. Mahirap na't puro lasing ang mga kasama.

"Apple cider punch..." bumaling ang ulo ni George sa taong nag-abot sa kanya ng inumin. "Don't worry it's non alcoholic drink. It safe hindi ka malalasing." Ngumiti pa ito sa kanya

Atubiling inabot niya ang inumin. Pilit na tinatago ang sarili dahil kitang-kita ang hubad nya'ng katawan sa two piece na suot.

"Bakit nag-iisa ka rito?"

"May mga kasama ako, ayon." Turo niya sa tatlo na masayang nakikipagtawanan kasama ang iba pa.

Naalarma siya ng tumabi sa kanya ang lalaki. Umisod siya upang wag sumagi ang katawan sa katabi. Unang kita pa lang niya rito ay wala na sya'ng tiwala. Hindi niya kilala ito,marahil ay taga ibang university ang lalaki.

SeñoritaWhere stories live. Discover now