Chapter 4

1.4K 61 6
                                    

"Mom,dad. Gotta go, maaga pa ang pasok ko bukas. Bye, little Steff." George said as she descending the stairs.

Sinimangutan siya ng kapatid na ikinataas ng kanyang kilay. Isa-isa nya'ng hinalikan nag mga magulang pagdating kay Steff ay ikinulong niya ang pisngi nito sa dalawang palad at pinugpog ng halik na siya namang pilit na iniiwas ng kapatid.

Tatawa-tawa siya habang pinagmamasdan itong nagpapadyak.

"No boys George." Wika ng daddy niya.

"Dad!" Reklamo niya sa nayayamot na boses.

"Si Glendon lang ang pweding lumapit sayo, understood?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng ama.

"Glendon is my bodyguard,daddy!"

"Exactly, and that's the point kung bakit siya lang ang pweding lumapit sayo."

"Dad, you're unfair. What about my guy classmates?"

Nag-unat ang daddy niya sa sofa. "You know what exactly I'm talking about, George. Sige na, baka gabihin kayo. Nasa labas na si Glendon naghihintay sayo."

"Sasama siya sa Bacolod? Saan siya matutulog?"

Inayos ng daddy niya ang eye glasses at ipinatong ang news paper na binabasa sa center table.

"Sa bahay mo."

"What?!"

"May apat na silid ang bahay,pwedi mong ipagamit yung isa kay Glendon. And besides araw-araw mo sya'ng makakasama."

"Daddy! Are you out of your mind? He's just my bodyguard for crying out loud, tapos sa bahay ko siya matutulog! At nasa bakasyon pa si Lina! Lalaki yan dad! Baka kung ano ang gawin sa akin."

Tumayo ang daddy niya, lumapit sa kanya at inakbayan siya. "Stop over thinking, sweetheart. I trust Glendon, hindi siya gagawa ng bagay na ikakagalit ko. Ikaw ang inaalala ko, don't be too stubborn baby, huwag mo masyadong pahirapan si Glendon."

"That I can't promise, daddy. You know how I hate to have do-"

"Georgina!" Her dad warned.

"Fine, so gotta go. Bye, mom! Bye Steff!" Yumakap siya sa daddy niya bago tumalikod.

"Take care, baby." Sabi ng ina.

"I will mom."

Narinig pa nya'ng pumalatak ang ama. Ikinibit balikat na lang niya iyon at tumuloy sa pag-labas.

Palinga-linga siya sa labas, hinahanap ng mga mata ang lalaki. Gusto nya'ng takasan ito pero hindi siya papayagang mag-drive ng ama.

"Señorita, kanina pa kayo nakatunganga diyan."

Biglang bumaba ang glass window ng kotse. At sumungaw ang ulo ni Glendon.

"Hmp!" She snapped.

Kaagad nya'ng binuksan ang pinto sa likuran ng kotse.

Tumikhim si Glendon. "Señorita, pwedi po kayong umupo rito sa unahan para hindi ako magmukhang driver niyo."

"And what do you think of yourself?" Nakataas ang kilay na tanong niya. "Yan naman talaga ang trabaho mo ah, maging driver at bodyguard ko! So, shut up your mouth and start driving."

"Kita mo 'tong babaeng 'to, palaging high blood makipag-usap sa akin. Tila may dalaw araw-araw." Bulong ni Glendon.

"May sinasabi ka?" Bahagyang idinungaw ni George ang ulo sa likuran.

"Wala,bakit may narinig ka ba?"

Isang nakakamatay na sulyap ang isinagot sa kanya. Napailing na lamang siya ng lihim sa kasungitan ng dalaga.

SeñoritaWhere stories live. Discover now