Chapter 5

408 27 9
                                    

"Ang dami mong winithdraw." Pagrereklamo ko kay Kuya. He's having a good time taking all the money in his bank account.


"Kulang pa 'to."


"Kulang pa?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.


The last time na sinamahan ko sya, he withdrawn 20,000 dollars tapos ngayon, another 20,000 dollars. Iba pa yung mga wini-withdraw nya kapag umaalis syang mag-isa. Hindi pa ba pinapa-cut ni daddy yung card ng balahurang 'to? Aba! Sumo-sobra na sya.


Seryoso syang nagbibilang ng pera na inilagay nya sa isang sobre.


Kumunot ang noo nya. "Kulang pa ako ng 50,000 dollars."


"What the hell?!"


Napalingon ang dalawang tao na nasa harapan namin. Masyado na yatang nagiging malakas ang boses ko.


"Dala mo ba yung card mo? Pautang nga."


"Hindi ko dala.." I rolled my eyes. "At kung dala ko man, hindi din kita pauutangin."


"Damot."


Sumakay na kami sa kotse pagkatapos nyang mag-withdraw. Nakakaboring 'tong lakad namin, akala ko pa naman, may pupuntahan kaming tourist spot or something. Wala pala.


"Nagugutom na ako. Akala ko ba dadalhin mo ako sa Strawberry Café?"


Nagsalubong ang kilay nya at nilapitan ako para pitikin sa noo. "Sa Chicago pa yun tanga. Walang ganun dito."


Hinampas ko sya sa braso ng malakas. Yung hard, yung hampas na hindi na sya uulit pang asarin ako.


"Ang hard mo." Natatawang sabi nya habang hinimas-himas ang braso nya. "Kawawa si Migs sa'yo. He'll become a battered husband. Tsk, kulong ka kapag nagkataon."


Hinampas ko ulit sya ng malakas. Hindi na nya naiwasang magmura.


"Fine, may ime-meet lang akong tao. And after that, maghahanap tayo ng strawberry café around Boston.. Kung meron man."


"Asshole." I muttered.


"Mas importante 'tong taong ime-meet natin kaysa sa Strawberry mo kaya wag kang magreklamo."


He started the engine at nag drive nang seryoso. I never seen him like this before. Naubusan na ba sya ng kalokohan at halos seryosong facial expression ang ipinapakita nya ngayon?


"Sino yung ime-meet mo?"


"A very important person."

When Things Got More ComplicatedWhere stories live. Discover now