Chapter 18

286 19 0
                                    



NICS' POV


I immediately cancelled the call. Buti na lamang ay hindi nag-ring kung hindi, patay ako. Gusto ko siyang makausap pero hindi pa ngayon ang tamang oras. At isa pa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.


Hindi ko na muna tinuloy ang pinapanood ko. Bigla kasi akong nalungkot nang maghiwalay ang dalawang bida. Umalis kasi yung babae para magtungo ng Japan, at yung lalaki naman, hindi na nakasunod. They broke up after the girl found out that her boyfriend is going to marry his childhood sweetheart.


The next day, nagising na lang ako na may kumakaluskos sa kusina. Nakita ko si West na nag-aayos ng makakain. I guess binili niya ito sa labas, ang dami kasing plastic.


"Good morning." He greeted.


Tinanguan ko lang siya. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush saka ko siya hinarap sa hapag-kainan.


"You need to have a general check-up. That crazy Erkin guy put something on your food few days ago."


Umiling ako. "I'm all fine West."


"Kuya West." He corrected.


Tinaasan ko siya ng kilay.


"Bakit? Kapatid ba kita?"


Tumawa siya ng mahina. "Nope. Your brother is way better than me."


"Si Kuya Ryu? I don't think so. Your attitude is way better than his."


Ngumiti lang siya pero may kakaiba sa ngiti niya. Isang ngiting parang may gustong sabihin.


Lumabas ito pagkatapos niya akong sabihan, alam niyang hindi ako makaka-hindi. Besides, may point naman siya. Kailangan ko nga ng check-up, baka magkaroon pa ng side effects yung kung ano man yung nilagay ni Erkin sa binibigay niyang pagkain.


I was wondering.. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila doon? Sabi ni Kuya, wag na daw akong mag-alala, pero hindi ko maiwasan.


Pagkatapos kong kumain at nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng jeans at plain shirt saka ako nagpatong ng makapal na coat. Sinuot ko din ang eye glasses ko kahit na wala naman itong grado. Lagi ko daw kasi itong isusuot sabi ni Kuya.


Buti na lamang ay hindi na gaanong malakas ang snow pero may tendency na lumakas ulit ito sa susunod na mga araw.


"Are you ready?" Tanong nito nang magkasakay ako sa kotse.


"Ready for what? It's just an ordinary check-up anyway." Sagot ko sa kanya.


Sa likod ako ng kotse sumakay. I want to lie down. Parang pagod na pagod pa din ako kahit na sobra naman ang tulog ko.

When Things Got More ComplicatedWhere stories live. Discover now