Chapter 40

183 12 8
                                    

NICS' POV


Kumuha siya ng isang malaking tela at inilatag ito malapit sa puno ng buko. Nakaharap kami sa dagat, tanging ang liwanag ng buwan at mga bituin ang nagsisilbing ilaw sa lugar na kinaroroonan naming dalawa.


Pinuwesto niya ang sarili malapit sa dulo ng tela. Dala niya rin kasi ang gitara niya kaya kailangan malaki ang space. He began playing his guitar, eyes closed. Akala ko nagbago na siya, may mga bagay pa palang hindi nagbabago. Katulad nito..


"Composition mo yan?"


Binuksan niya ang kanyang mga mata. He shyly nodded.


"What do you want to sing?" Tanong niya at saka tumigil sa pagtugtog.


I shrugged. "I'm not sure."


"Gusto mo ng Need you now by Lady Antebellum?"


"Pwede rin." Walang gana kong sagot.


Kinanta na nila ni Lisa yun sa national television tapos gusto pa niyang iyon ang kantahin namin? Sira ulo ba siya?


"Parang ayaw mo. Ikaw na lang mag-suggest."


"Ikaw na lang, tutal singer ka naman." Binigyan ko siya ng isang plastik na ngiti.


Bumuntong hininga siya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-frustrate. Well, hindi lang naman siya ang nafru-frustrate sa mga nangyayari. Kung bakit pa kasi nakuha pa ni Arcee na i-partner ako sa kanya. Pwede naman kasing si Veejay na lang ulit.


"Alam mo yung sa the break-up playlist?"


Nilingon ko siya. "Yung kay Sarah at Piolo?"


He nods twice.


"Sige. Yun na lang."


Tinugtog niya ang intro ng kanta.


Heto na naman ako,

Nag-aabang ng bago sa istorya ko

Paulit-ulit na lang

Paulit-ulit na lang.


Heto na naman ako,

Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko,

Parang walang katapusan

Walang katapusan..


Titig na titig siya sa akin habang binabanggit ang bawat lyrics ng kanta. Ayokong mag-isip ng meaning o kung ano pero nararamdaman kong para sa akin talaga iyon.

When Things Got More ComplicatedWhere stories live. Discover now