Chapter 35

199 14 3
                                    

MIGS' POV


"Kuya, I invited Ate Nics." Salubong sa akin ni Lhen nang makauwi ako ng bahay.


Sasaglit lang sana ako para kunin si Choco. Berry misses him a lot.


"It's up to you." I gave her a weak smile.


Inayos ko ang mga papers na kailangan sa company. Nilagay ko ito sa isang folder at kinuha ang laptop ni Dad. Madami pa akong kailangang malaman at i-improve. Nag-usap na kami ni Lolo dati sa chosen career ko, pero parang nabalewala lahat ng iyon. Iba pala kapag pamilya mo na yung involve sa sitwasyon.


"Okay lang ba talaga sa'yo na pumunta siya?" Sumulpot si Lhen mula sa likuran ko.


I shrugged. "Okay lang."


Kailangan ko nang masanay na nandyan lang siya. Naging maliit ang mundo namin dahil magka-sosyo ang manugang niya at ang lolo ko. Whether I like it or not, makikita at makikita ko siya. And that's the worst part.


"You will sing for me ha."


Umiling ako. "No, I won't."


Sumimangot siya. "Why? It's my birthday!"


"Hindi mo pa naman debut. Tsaka na kapag 18th birthday mo na."


Tinalikuran ko siya. Binuksan ko ang closet ko para kunin ang mga long sleeves na kailangan ko sa bahay. Malamig kasi doon kapag gabi hanggang madaling araw.


"So nung 18th birthday ni Ate Nics, kinantahan mo din siya?"


Napapikit ako. Bakit pa niya kailangang i-brought up yung nangyari dati? Kung hindi ko lang to kapatid, napagsabihan ko na siya ng maigi. Lalabas naman kasing bitter ako kapag nagpakita ako ng inis o galit.


"Yes, I did."


Hindi ko lang siya kinantahan, isinayaw ko pa siya. Ang lakas ng loob kong isayaw siya, hindi naman ako marunong. How embarrassing.


"Anong kinanta mo?"


"I-I don't remember."


She looked at me suspiciously.


"I really don't." Pag-uulit ko.


Tumawa siya ng kaunti.


"Okay."


Tinulungan niya akong ilagay sa kotse ang mga dala ko. Huli naming isinakay si Choco. He was Lhen's bestfriend. Katulad ni Berry, napulot lang din namin siya sa kalsada. Ang pinagkaiba nga lang, Berry's a puppy when Nics found her. Si Choco kasi, medyo malaki-laki na nung nakita namin.

When Things Got More ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon