Chapter 20

224 17 3
                                    

NICS' POV


Ang bilis ng panahon, kung dati pangarap ko lang makapag-aral sa medical school, ngayon abot na abot ko na.


I passed the entrance exams. Mataas ang nakuha kong average kaya naman agad akong inofferan ng scholarship sa isang kilalang University. It was indeed a bleesing.


"This is the school library." Sabi ng lalaking nagt-tour sakin. He was the Chairman's son.


Nang matapat kami sa harapan ng pinto ay automatiko itong nagbukas. Humampas sa akin ang lamig ng aircon sa loob.


Lahat yata ng gamit dito ay high-tech. It was impressive at wala ka ring mapapansin na kalat.


"Kapag may school ID ka na, pwede mong i-type yung ID number mo as a password para maka-gamit ka ng computer."


I nodded.


Malalaki ang mga bookshelves. May mga hagdan na naka-stand by dahil ang ibang libro ay hindi na kayang abutin.


"Medyo nakakalito kapag una, pero masasanay ka din." He said while walking.


Wala naman akong ibang masabi. Sinusundan ko lang siya sa paglakad. Minsan, humihinto siya para hintayin ako. Which makes me uncomfortable.


"If you have any questions, don't hesitate to ask." He said formally.


I again nodded.


"Uhm." Parang may nakaipit na kung ano sa lalamunan ko, dahilan kung bakit hindi ako makapagsalita.


"Hmm? What is it?"


Nahinto kami sa paglalakad. Tiningnan niya ako ng diretso at nag-aabang kung ano man ang sabihin ko.


"B-bakit ikaw yung nagtu-tour sa mga bagong pasok na med student?" I asked.


"Well.. Simple lang. Gusto ng Papa ko na masanay akong makipag-usap sa iba't ibang klase ng tao. At isa pa, hindi naman lahat ng bago tinu-tour ko. Yung mga Scholar lang."


"Ah okay."


Tinalikuran niya ako at muli siyang naglakad. Agad naman akong sumunod.


He's tall, clean, and manly. Mabango din siya. Kanina ko pa naaamoy yung pabango niya. But he's not totally my type. Masyadong seryoso, parang hindi marunong ngumiti.


"Mr. Ledesma?"


Nilingon niya ako nang tinawag ko ang apelyido niya.

When Things Got More ComplicatedWhere stories live. Discover now