Chapter 30

222 12 6
                                    

NICS' POV

I knew it, nagkapalit kami ng maleta ni Ate. Most of my clothes are there! Paano na lang ang mga isusuot ko kapag papasok na ako sa hospital?


I decided to call her, hindi naman na siguro siya busy. It's been two days since we parted ways. At sa pagkakaalam ko, apat na araw lang siya doon. Ayoko namang pakialaman ang mga gamit niya.


"Jayvee, don't call. You can use those clothes, it's yours."


Napa-face palm ako. Sinadya ba niyang pagpalitin ang mga maleta namin?


Halos baligtarin ko ang mga damit na nandoon. Panay ang iling at buntong-hininga ko. So she brought these clothes for me? Hindi ko naman ugaling magsuot ng ganito ka-classy na mga dresses and outfits. Alam kong alam niya yun.


"Anak, nakabihis ka na ba?"


"H-hindi pa po."


Nakangiting pumasok si mama sa loob ng kwarto ko. Napansin siguro niyang problemado ako sa isusuot kong damit. Ngayon kasi ang unang pasok ko sa hospital namin. I don't have any specific roles, pero sabi ni papa, sa Operating room daw ako kapag may surgery na kailangan ng tulong ko.


"Gusto ko ito." Kinuha ni mama ang kulay puting dress na may shades of blue sa bandang ibaba.


"Hindi masyadong revealing, simple lang." Dagdag niya.


"Kinakabahan ako ma." I chuckled.


Hinawi niya ang buhok ko. "Don't be. You're good enough to be nervous."


Late na kaming nagbyahe kaya late ding makarating. Pagtapak ko pa lang sa loob, all eyes are on me, I can't blame them though. Siguro nagtataka sila kung sino ako, at kung bakit kasama ko ang dalawang may-ari ng hospital.


Everyone greeted us, yung iba naman nagdadalawang-isip kung ige-greet ba ako o hindi. They just smiled instead. Atleast they smiled..


"Sana nandito si Veejay." Bulong ko nang makaramdam ako ng awkwardness sa paglalakad namin papuntang office ni Papa.


Anak, tatlong linggo pa doon ang kapatid mo." Inakbayan ako ni Daddy at hinalos ang braso ko.


Nalungkot ako nang marinig ko iyon. Alam ko namang matagal pa ang volunteerism niya, pero sana talaga nandito siya para naman may makausap ako.


Pagkapasok namin ng office, may mga employee na nandoon.


"Good morning po." They said in unison.


"What the—" I mouthed.


Nanlaki ang mga mata niya, ganoon din ang akin. It's been six years but she hasn't changed.

When Things Got More ComplicatedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora