Chapter 37

175 13 2
                                    

Lhen spent almost 3 hours talking about everything. Nang mapagod siya at napansin niyang pagod na din ako ay hinayaan na niya akong magpahinga.


Nasa ikalawang palapag ang kwartong tutulugan ko. Katabi nito ang kwarto kung saan sinurpresa ako ni Migs noong debut ko. Mabuti na lang hindi ako doon tumuloy. Pinahiram ako ni Lhen ng mga damit niya. Sakto lang naman iyon sa akin. Hindi naman kami nagkakalayo ng katawan.


Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang blue box na dala ko kanina. Laman nito ang kwintas na binigay sa akin ni Migs bago ako umalis ng Pilipinas. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko nang ibalik. Tanggapin man niya o hindi, ibabalik ko pa din.


Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig. Medyo madilim na ang buong mansion, tanging ang chandelier sa sala ang kumikinang. Hawak-hawak ko ang blue box, I was hoping that Migs is still here, sitting somewhere.


Umaninag sa akin ang buwan na nasa labas. Para bang sinasabihan ako na lumabas muna at tingnan ang ganda ng langit.


Binitawan ko ang baso pagkatapos kong uminom. Agad kong tinungo ang daan palabas. Hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Punum-puno ng bituin ang langit, kasama nito ang bilog na bilog na buwan. Ang sayang mag-star gazing. Sana kasama ko si Veejay, he loves looking at them.


Isinawsaw ko ang mga paa ko sa pool. It found it relaxing. Madami akong memories sa lugar na ito, but it doesn't matter now. Once na naibalik ko ang kwintas, lalaya na kaming dalawa sa pait ng nakaraan. Kaya siguro tinadhanang bumalik ako dito dahil kailangan ko ng closure. Kailangan namin ng closure para maging masaya na kami.


Tinanggal ko ang kwintas sa blue box, pinagmasdan ko ito nang maigi. Ito lang ang pinanghahawakan ko noong mga panahong gusto ko nang bumitiw sa kanya. And now, I've finally decided to let go. No more bitterness, pain, and heartaches.


Nagulat na lang ako nang may kumuha sa box na nasa tabi ko. Nakita kong nag-agawan ang dalawang aso doon. Hindi ko na nalamayan ang mga sumunod na nangyari. It's too late, I already drop the necklace. Sa panic ko ay sinisid ko ang ilalim ng pool. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon, wala na akong pakialam. All I need it that necklace. Kailangan ko na itong isauli sa lalong madaling panahon.


Nang maaninag ko ito ay biglang may humablot sa akin. I was gasping for air.


"What the hell are you doing?!" He shouted.


Sa sobrang hingal ko ay hindi ako agad nakasagot. Ang hapdi ng mga mata ko. Nag-insist siyang iahon ako sa pool but I refused. I'm fine, I can do it myself.


"Have you lost your mind?" Galit niyang tanong. Kinuha niya ang tuwalya na nasa beach chair at ibinalot ito sa akin.


"Alam mo namang hindi ka marunong lumangoy-!"


"I know how to swim." I said coldy.


Natigilan siya. I'm not the Nics he used to know. Marami nang nagbago sa six years na hindi niya ako nakita.

When Things Got More ComplicatedWhere stories live. Discover now