Chapter 36

208 15 3
                                    

NICS' POV


"It's good to see you again hija." Saad ni Tito nang magmano ako sa kanya.


Ngumiti lang ako at yumuko. He's been good to me eversince. Kahit na alam niyang hindi na kami ng anak niya, hindi nagbago ang trato niya sa akin.


"Kumain ka na ba? Kain ka muna." Sinamahan niya ako sa table kung saan kumukuha ng pagkain.


Gab was looking at me. He was with his friends. Nakikita ko sila sa hospital minsan, tinu-tour kasi sila ng professor kapag kailangan nilang makita ng live ang mga procedures.


"Ate Nics."


"Hmm?"


"Are you okay?" Lhen asked.


Gusto kong sabihing hindi, dahil hindi naman talaga ako okay. I just wanted to go here and give her gift, pero kabastusan naman kung ganun ang gagawin ko.


"Okay lang naman."


Tinabihan ako ni Gab at binigyan ng inumin. He was smiling so big, I know he won't let me feel awkward. Siguro napansin niyang hindi na ako comfortable sa paligid ko.


"Sana man lang pinapasok mo yung asawa mo." He said.


"Ha?"


"My classmates were rooting for you. Kapag nalaman nilang asawa mo yung anak ng may-ari ng School, matatameme sila." He chuckled.


Halos makalahati ko ang inumin na ibinigay niya. Tama nga si Arcee, maraming tao ang hindi alam na kambal kami ni Veejay. I wanted to tell them right away para matigil na ang non-sense na issue na iyon.


Kung bakit ba kasi sinakyan ni Veejay yung sinabi ni Migs noong nag-meeting kami. Kumalat na tuloy na kasal na ako.


"Nakakalungkot, kasal ka na talaga Ate." Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses ni Lhen. Hindi lang ako ang bisita niya pero ako lang ang inaasikaso niya.


"Idol na idol ko si Doc Veejay. Wala akong masabi sa kanya. He's a human superhero." Sabi ni Gab.


He is indeed a superhero. No one dies in his emergency table. Aggressive siya pagdating sa mga emergency situations. Madami ang humahanga sa kanya, hindi lang si Gab.


"Ilang years na kayong kasal? Bakit pala wala pa kayong anak?"


Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain.


Can someone save me from his question? Wala na akong masagot! Kasalanan talaga ito ni Chee. Gusto kong maglaho na lang sa kinauupuan ko.

When Things Got More ComplicatedWhere stories live. Discover now