Chapter 27

187 17 1
                                    


Umupo ako sa couch sa tapat ni Veejay. Pinalitan niya ng strawberry milk ang kapeng kanina ko pa iniinom. Masyado na daw ako sa kape kaya bumababa yung hemoglobin count ko.


"Come on Chee, ngayon lang ulit." Pagrereklamo ko.


"No, hintayin nating tumaas ang count mo, then I'll let you drink ½ cup of coffee. Hmm.. Approximately 150 mL."


"May code blue na naman yata sa ICU." Sabi ko nang umupo sa tabi ni Veejay.


"Code 13 to ICU now. Code 13 to ICU now." Rinig sa buong hospital ang paga-announce ng information.


Veejay smirked. Binaba niya ang iniinom niyang kape sa table at sinuot ang white coat. Sa dinami-dami ng specialty nakukunin ng kapatid ko, emergency medicine pa talaga. Napailing na lang ako. Halos katatapos lang kasi ng isang code kanina, mayroon na namang bago.


"They really can't live without me." He smiled.


The next thing I knew, wala na siya sa harapan ko. I guess he's running now. My brother is always like that. Minsan mabibigla ka na lang, wala na siya at nare-revive ng pasyente kung saan.


Sinundan ko siya sa ICU para tumulong. But I doubt it, hindi niya ako hahayaang tumulong. Sasabihin na naman niyang "Kaya ko na."


"Step aside. I'll do it." Pirming sabi niya sa isang Residentend Doktor.


Yumuko naman ito at sumunod na lang.


Bilib na bilib sa kanya lahat ng employee dito. Nakarinig nga ako ng comment na kayang-kaya daw niyang mag-code mag-isa. Kaya nabuo yung Code 13. Sa kanya lang kasi ginagamit yun. Usually kasi, Code Blue ang ina-announced kapag may kailangang i-revive. At kapag nag-fail yung Doctor na gumagawa ng code, doon ina-announced ang Code 13. Knight in shining armor kumbaga.


"Baligtad pa mag-intubate." Kalmadong sabi niya na may halong pagkainis.


He gently removed the ET Tube right away and reinserts it again. Ang smooth, walang ka-effort effort niyang pinasok iyon sa bibig ng pasyente.


"Chee." He looked at me.


"Check mo naman yung breath sounds." Hawak niya ang Bag Valve Mask.


"O-okay."


Pinatong ko yung stethoscope sa left and right lungs fields habang pinipisil ni Veejay and Bag Valve Mask.


"Positive breath sounds." I said.


Pinahawak niya yung Valve mask sa isang respiratory therapist at tuloy-tuloy itong nag co-compress sa aparato.


When Things Got More ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon