Chapter 3: His Fault

87.8K 851 50
                                    

"Hey!" patuloy niya parin akong tinatawag sa hallway ng library. Kahit mukha na kaming tanga dito. Kahit na nakukuha na namin ang atensyon ng mga tao dito. Wala naglakad parin ako. Nakakainis naman kasi e. He's playing games on me! Porke ganito lang ako.

Patuloy niya parin akong tinatawag hanggang sa lumabas na ako ng library. Nang bigla naman niya kong naabutan at inihinarap niya ang katawan ko sakanya.

"Wag ka ng magalit sakin. Ano kasi e---"

"Ano?!" galit na tanong ko sakanya at tinarayan ko na naman siya. Hindi naman kasi talaga ko nakikipaglokohan sa kanya eh. Bigla naman niyang hinawakan yung noo niya at napapikit naman ito. "Hindi ko alam kung pano ko sasabihin! PSH" pabulong naman niyang sabi sa sarili niya. Pinaglalaruan lang talaga ko nito.

"Ano ba kasi! Nagsasayang ka ng ora-----"

"Oo! Ginagawa ko to kasi nga pi-------" hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya kasi alam kong aaminin siya na pinaglalaruan niya lang ako. He's just a waste of time! Kailangan ko nang magtrabaho! NakakaBV!

"Ky ano ba? Late ka nanaman! Ang dami mo nang huhugasan dun!" kasabay pa ang pagkaBV ko sa boss kong to! Nakakairita talaga tong araw na to! Ibebenta ko na talaga yung mundo! Para naman yumaman ako! Magmamakaawa din sila sa-----

"Ano ba? Ang bagal mong kumilos ah?" ay napakademanding! Sasabihin ko pa nga lang na magmamakaawa sila sakin e!

"Maghuhugas na po" sarcastic kong sabi sa boss kong ubod ng kasupladahan! Akala mo naman ang yaman-yaman makapag-utos! E simple lang naman 'tong restaurant niya. Mabili nga to kung yumaman ako sa pagbenta ko ng mundo ko. Pero sa kabila ng pagbenta ko ng mundo ko, marami pa akong kakaining bigas! Ang daming plato grabe! Ang tatamad naman kasing maghugas ng mga to! Kakain pa kasi e! Tapos ang dami ko pang reklamo hay!

"Kailangan ko na yung kaldero" utos naman ng chef dito sa kusina kaya lang bakit ganun? Parang ang weird ng boses niya? Alam mo yung parang biglang bumait?

"Oh ito na o?" inaabot ko naman ito pero bakit ayaw padin kunin? Hindi ako nakatingin nang inaabot ko ito. Anu bang nangyayare ngayon? "Chef ito na-----"

"Skype"

"Anong ginagawa mo dito?" binaba ko nalang yung kaldero at nagpatuloy maghugas ng mga pinggan. Bakit ba kasi siya nandito. Hindi ko naman siya kailangan dito. Unless kung nakakatulong siya sakin e.

"I just want to say sorry about sa kanina" paghihingi niya ng tawad sakin. Nakakainis talaga to e. Pagkatapos niyang sayangin yung oras ko saka siya magso-sorry? Di ba niya alam na marami akong pinagkakaabalahan?

"Fine" matipid kong sagot sa kanya habang patuloy parin ako naghuhugas ng pinggan sa harap niya. Ang bossy talaga nitong lalaking to! Makapasok dito sa kitchen e akala mo sa kanya.

"Then have some fun with me" ha? pano naman ako mag-i-enjoy nang kasama siya? Never no! Hindi naman ako nagrespond sa sinabi niya kaya naman iniwasan ko lang siya na parang wala akong narinig. Bahala siya! Hindi ko naman siyang intensyong samahan ngayon. May naramdaman naman akong humawak sa wrist ko. Hindi ako makapiglas sa pagkahawak niya sakin. Ang higpit ng pagkahawak niya.

"C'mon! Don't let your day be stuck in this----- kitchen? I'll treat you!" magpapakita pa sana ako sa kanya ng nakakatamad na reaction pero hinila na niya kaagad ako! Masyado naman tong lalakeng to! Mr. Peeler Jerk nga talaga! Sobrang pambalat talaga ng patatas!

"Uy! Papagalitan ako ng boss ko!" sigaw ko naman sa kanya habang paalis kami ng restaurant. Ayoko nga sumama sa lalaking to e! Sa totoo lang! Mapilit kasi tong lalakeng to e! Sayang kasi yung kikitain ko e.

"Sakay na!" pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse niya. Ako naman si pakipot pa kaya naman hindi ako sumakay. Mamaya rape-pin pako nito! Ang ganda-ganda ko pa naman! Pagsasamantalahan ako nito e! Umiling nalang ako habang naka-cross arms ako.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now