Chapter 30: Dying

24.3K 111 7
                                    

Nakarating naman kami sa pupuntahan namin. Ang field trip. May malawak nga na field ang trip na to. Napakalawak, meron kasi siyang mabibilis na rides waaaaaa! Kinikilabutan na agad ako. Hindi kasi ako mahilig sa amusment park e. They never amused me at all! Unlike him? Si Jeff? Naamused ko daw siya? Nevermind!

So okay. Hindi na ako bababa. Wala naman palang project na magaganap dito e. Magpapakasaya lang sila. Pwede na kong magisa dito sa bus, magliliwaliw.

"Okay class! Are you enjoying the..." naginhale naman yung prof namin na nagpapakita siya ng pang aamoy sa paligid namin. "Breeze of this amusement park? It seems amusing right?" naghiwayan naman ang mga kaklase ko sa loob ng bus. Habang ako, bigla nalang nagtakip ng kumot mula sa ulo ko. I'm not that interested.

Nagsibabaan naman ang mga kaklase kong makikita mo ay sobrang saya. Nakakapagod naman kasi! After school pa hinold to. Hindi ba pwedeng during the school nalang? Nakakatamad sobra!

Nakita ko naman ako nalang ang natira sa bus. Great! Si CG iniwanan na din ako. Kumuha na ng ibang kasama sa sobrang excitement. Talagang hindi na ako hahalughugin ng prof namin para bumaba. This is just great!

"Skype! Get down here right now! Ilolock nila ang bus na 'to. The driver will get something to eat at maiiwanan ka dyan" narinig ko namang sigaw ng prof namin sa bintana. Nasa side kasi ako ng bintana e. So wala akong ginawa kundi nagpakita nalang ako ng pain glare. "M-ma'am! Masakit po kasi yung puson ko e. Meron po ako ngayon. Dito nalang po ako sa bus. Arrrrrrghh" pagkukunwaring reklamo ko pa sakanya na pinapakita ko talaga na masakit yung puson ko. Kaya wala naman siyang nagawa kundi tumango nalang at tumuloy na sila sa entrance ng amusement park. Finally!

Wala naman akong ginawa sa bus kundi magbasa lang ng magbasa. I really enjoying it actually! Si CG naman kasi e. Simula nung nakita niya kami ni Phyllis sa kwarto ko dati ay panay na punta o aya na siya sa mga kwarto namin. Hindi na 'ko nagkakaroon ng oras para sa sarili ko. Sinuksok ko naman ang headset sa tenga ko at nagsimulang sumayaw sayaw na sinasabayan ko ang beat ng kanta.

'Put your hands up! Put your hands up! P-P-P-P-Put your hands up and get your drinks up!'

Naghihiyaw pa ako dito total ako nalang din magisa dito e. I like this feeling! Partying my soul---- naiihi na 'ko!

Sinubukan ko man lumabas ng bus pero hindi ko magawa. Ano ba kasi 'tong pinasok ko e. Dapat pala lumabas na 'ko kanina. Tingnan mo tuloy, nakulong pa ko dito nang wala sa oras. Na sobra pang naiihi na 'ko! Sinubukan ko naman tawagan si CG. May signal, may load, full batt, but nabigo ako. Ayaw niyang sumagot. Masyadong nageenjoy!

It takes about an hour bago pa man ako nakalabas ng bus. Nilolock pa kasi yung bus e. Ang tagal pa ni kuya na makabalik pa. Nagenjoy daw kasi siya sa kakahiyaw dun sa roller coaster na sobra ko namang iniiwasan kahit na naririnig ko pa ang mga sigaw ng mga tao duon. Ayokong maramdaman yung hangin ng sobrang pagkaandar nito dahil mas lalo akong naiihi. Natatakot ako. At hindi ko pa mahanap kung nasaan yung CR.

"Ang daming tao. Naiihi na ko" bulong ko na lamang sa sarili ko nang nakarating ako sa banyo. Ang daming nakapilang babae. Daig ko pa ata yung mga babaeng natatae na dito. Ako kasi halos napaupo na ako sa sobrang sakit ng puson ko, kakapigil sa ihi ko. "Mamamatay na 'kooooo!" patuloy na pagupo ko na habang nakapila ako dahil sa sobrang sakit na ng puson ko dahil sa pagpigil ng ihi ko.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now