Chapter 6: Mag-aaral daw?

73.2K 612 50
                                    

Patuloy parin kaming nag-asaran ni Mr. Peeler hanggang sa bigla nalang niya kong hinawakan sa bewang at pagtangkaan na halikan ulit.

"Tingnan mo, bumibitaw kana sakin o? Malalaglag din yang mga balat mo sakin! Mapo-fall ka din sakin!" ang hangin niya sobra! Nakaka-badtrip, so feeler! Akala naman niya kung sino siyang gwapo! Daig pa niya yung mga KPOP ha?

"Alam mo napakayabang mo! Never akong magpapabalat sayo! Never akong mapo-fall sa pagiging feeler mo! I hate yo-------" napatigil naman ako nung mas bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin. Eeeeer! I hate this guy! Really ha------

"S-Sir? Nandito na po tayo." nakapagbuntong hininga naman ako nang biglang binuksan ni Manong driver ang pintuan ng kotse kaya naman bigla namang napalayo sakin tong lalaking to! Nakakainis! Naramdaman ko yung mainit na hininga niya pero muntik na talaga akong mapaiyak! Ang OA ko no? Ayoko kasi talaga sa kanya! Para niya kong gagahasain nang wala man lang pakialam na may tao sa harapan namin.

"Great. Nabitin ka no? Meron pa naman akong kwarto jan e" bulong naman niya sakin at kinindatan niya ko. Pero bakit ba nawindang ako sa ginawa niya sakin? Ang seryoso niya nung sinabi niya sakin yun kaya nanindig bigla yung balahibo ko sa batok. Kaasar!

Bumaba din naman ako ng kotse nang bigla namang tumambad sakin ang isang malaking bahay. Well I know, expected mo naman na isang Feeler na lalaki ang nakatira dito e! Halata naman e. Makapag-utos sa driver nila akala mo alila lang talaga nila. Ang tamad-tamad pa! Kailangan ipabuhat pa sa iba yung bag niya. Eh parang malaki lang naman na walang laman.

Habang padaan naman kami sa hallway ng entrance ng bahay nila ay tinitingnan ko ang paligid ng outdoor garden nila. Ang ganda sobra! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay. Para silang may sariling park!

"Miss Romantic Potato! Hahahaha! Parang ngayon lang nakakita ng puno ah?" napaharap naman ako sa kanya habang naglalakad ako ng paunti-unti ng biglang------

"Ooooouch!" nauntog ako sa malaking puno! At tinawanan niya lang ako! Ang sakit talaga! Feel ko mamamatay na ko! Mamamatay sa kahihiyan! May mga nakabantay ba naman na ibang security guard dito! Hindi ko naman alam na puno na pala yung nasa harapan ko e. Bigla naman kasi niya kong tinawag!

Lumapit naman siya sa'kin nang hawak hawak ko ang gilid ng ulo ko. Ang sakit talaga. "Hahahaha! Tsk tsk! Para naman kasing ignorante e. Patatas ka nga talaga! Ang tigas oh?" at bigla naman niyang binatukan yung nauntog na parte sa ulo ko. Ang sakit! May gana pa tong tawanan ako at batukan? PSH!

"Kanina pa kasi kita tinatawag e! Mamaya na yang kakatingin mo ng forest dito! Meron ka namang sarili e!" bigla naman akong napatingin sakanya at bigla siyang nagpoker face! Masyado talaga tong lalakeng to! Ang sama niya sakin! He just took me for his advantages!

"Kidding aside! Ang laki ng bukol mo patatas ka talaga!" at pinisil pisil pa niya yung masakit na part sa ulo ko. Ang sakit! Masyado 'tong lalakeng to!

"Ano ba? Masakit nga kasi! Hindi kana nakakatuwa! Nakakaiyak na!" sigaw ko naman sa kanya nang bigla ko siyang itulak sa chest niya. Napaurong naman ito. Pinipigilan niya pa kong umalis sa main door ng bahay nila pero tuloy-tuloy padin akong lumakad palabas.

"Hey you! Romantic Potato! Come back here!" hindi ko naman siya pinakinggan kundi naglakad parin ako hanggang gate nila. "You'll gonna teach me some algebra right? Mag-aaral tayo!" napatigil naman ako sa sinigaw niya sakin. Mag-aaral. Oo nga pala. Pero mag-aaral nga ba?

Palabas na ako ng gate gamit ang dalawang paa ko pero yung isip ko ang nagpapatigil dito. Oo nga pala! Para sa scholarship ko pala tong tutoring na 'to. Patay ako nito kung palyado ako sa pagtuturo dito sa Peeler na to!

Bumalik naman ako sa kanya nang napangiti naman siya. Ano ba kasing problema nito'ng lalaking 'to sa'kin? Ako naman uto-uto bumalik! Para sakin din naman tong ginagawa ko e. "I knew it! I knew you will come back to me. Kasi alam kong nabitin ka kanina" bigla ko naman siyang tinarayan. Ang bastos naman kasi nito e!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now