Chapter 10: Mature Elementary

48.4K 362 11
                                    

Gumising ako ng maaga nang may halong ngiti sa mukha ko. Bakit ba ang saya saya ko ngayon? Dahil ba dun sa kagabi? O natuwa lang ako kasi nakapagpahinga na ako? Sobrang aalalahanin ko nga yung araw na to. Pero ngayung araw nga ba o yung kagabi?

Nagayos na ako sa sarili ko para pumasok na sa mga classes ko. Hindi ko padin maalis ang mga ngiti ko lalo na't nakikita ko pa ang sarili ko sa salamin. Ano ba kasi tong nararamdaman ko? Bakit ba parang gusto ko pa siyang makasama at asam na asam ko ngayon yun?

Lumakad ako sa hallway namin para pumunta sa klase ko. At nakakatuwang tingnan, bigla naman niya kong kinawayan at nilapitan ako. This is it! Makikita ko nanaman ang Lobo!

"Kamusta? Masayang masaya ka ngayon ah?" bigla naman niya kong inakbayan at ngiting ngiti naman ako.

"O-okay na okay ako. At bakit mo naman nasabing masaya ako ngayon?" biglang pagtapik ko naman sakanya habang ngiting ngiti naman ako. This is it. Makakausap ko nanaman siya ng matagal.

"Sa ngiti mo. Bagay kasi sayo e" kinilig naman ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang paluin sa sobrang kilig ko at magsitalon dito pero hindi ko magawa. Nakakahiya lang. Hindi naman ako ganung tao no? At bakit ba ang gaan ng loob ko sakanya?

Naglakad kami sa hallway habang nakaakbay siya sakin. Ako naman di makasagot dahil narin sa pagakbay niya sakin. Bakit ba nahihiya ako sakanya?

"Uy Bell na pala. See you later Skype" bigla naman niya kong tinapik sa balikat at lumayo na sakin. Nakakabreath taking talaga siya. At ang bango pa. Pero bakit ba parang ayoko nang lumayo sakanya? Hindi niya ba ko ihahatid sa klase ko?

Naglakad naman ako papunta sa class ko nang may bigla naman akong nakabangga. Good mood naman ako kaya naman hindi ko nalang ito pinansin.

"Okay class, this is our new student in this debate class. Mr Rocke. Hope you treat him well" nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko. S-siya?! Si Phyllis? Lumipat ng debate class?! PSH! Sineswerte nga naman o? Pinagkaguluhan naman siya ng mga ibang kaklase namin pero ako? Nakatingin lang ako sa blackboard at inaaliw ang sarili ko sa pagupo ko.

Nakita ko namang dinaanan niya lang ako at iniwasan. Hindi na niya ko kinukulit? Mukhang nagbago ata ang hangin ngayon? Air changed? At himala, nandito siya sa debate class! E diba nga sa simpleng elementary thing lang hindi niya makuha?

"Phyllis Rocke is under a special student. He's just your temporary blockmate here in this class. So can you please cooperate with him?" ayon naman sa prof namin at nagagree nalang kaming lahat. Nakakapanibago siya. Hindi na siya yung makulit na maligalig na kilos batang elementary. Siya na yung mature na lalakeng iniiwasan na ko at parang hindi na ko kilala.

Hindi naman ako makagalaw ng maayos dahil nasa likod ang assigned desk niya. Bakit ba ganito? Kinakabahan ako. Gusto ko siyang kamustahin tungkol sa kahapon na nangyari saamin pero hindi ko magawa. Talaga ngang nakakamiss yung kakulitan niya.

May pinasa naman saming worksheet ang prof namin sa debate class kaya naman nang muli namang binigay sakin ang last 2 paper ng nasa harapan ko, nagbuntong hininga muna ko. Kinakabahan ako. Matititigan ko kasi siya e. Makikita at lalo na't magkaroon pa kami ng awkward moment. Pero matititigan ko ba talaga siya? Hindi ko kaya! Pero bakit ko nga pala gagawin yun diba?

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن