Chapter 40: Peelist Phyllis!

21.9K 86 2
                                    

Bigla naman napatigil ang usapan kasama ang apat nang may biglang kumatok sa pintuan ng locker room. Bigla tuloy akong kinabahan. Mamaya magulat sila dahil may babae dito sa boys locker room. Mamaya pag-isipan pa nila ako ng masama.

Binuksan naman ni Exodus yung pintuan nang tinakpan naman ako ng tatlo. Hindi ko naman kasi alam kung sino yung dadating na yun.

"Hey guys! Kanina ko pa kayo hinahanap ah? Have you seen Skype? Akala ko kasi sinundan niya ko kanina e" si Phyllis yun ah? Hinanap niya ko. Dapat ba kong matouch sa narinig ko mula sakanya?

"Uy patay ka bro. Umiiyak kaya kanina si Skype kanina. HIndi mo ba't alam ginulpi pa namin yung lalaking nangsakal kanina sakanya para lang pagtanggol namin siya" nagulat naman ako sa naririnig ko mula kay Exodus. Gusto ko man makawala sa pagtrap sakin ng tatlong 'to pero bigla naman akong binulungan ni Jin na sakyan nalang namin siya.

"Anong ginawa niya kay Skype?! Sabi ko naman sakanya wag na wag niyang gagalawin si Skype e" as in gusto ko ng makawala sa pagkakatrap sakin ng tatlo. Intrigerang intrigera na ako sa naririnig ko. Ang lakas kasi ng tatlong 'to e. Hindi ako makalabas mula sakanila. "Malilintikan talaga sakin yang Pervist na yan!" at narinig ko namang parang patakbo na palabas ang dalawa. Narinig ko kasing parang tumakbo si Phyllis. Pero as in susugod ba talaga siya?

Tsaka nalang ako pinakawalan ng tatlo nang may isang sumilip sa pinto na wala na ang dalawa. Nasa labas na, naghahabulan dahil sa mainiting ulo ni Phyllis.

"Guys naman, bakit hindi ko niyo pinakita kay Phyllis kanina? Nandito kaya ako?" nagmaang maangan lamang ako pero in fact, gusto ko muling marinig ang rason sa bibig nila. "Gusto lang namin marinig mo kung gaano kaconcern sayo si Phyllis mo" hindi ko alam kung matutuwa ako o magdedeny pero bakit ba nila binibigay sakin si Phyllis?

"Binibigay niyo ba talaga siya sakin?"

"Yes" Jin plainly answered. Napabuntong hininga nalang ako sa naging sagot niya at napatupi nalang ang mga labi kong hindi mapalagay.

"Touched enough of what you've heard?"

"Yes" I just plainly answered that word too and I've just agreed. Natuwa naman ako sakanila. Sobra silang concern sakin. Para bang sila yung F4 sa kdrama. Yung boys over flower ba yun? But there's no such thing as fiction.

Lumabas naman kaming apat, nagtatawanan dahil nauto nanaman daw sila si Phyllis, nang bigla nalang naming nakasulubong yung lalakeng sumakal sakin kanina. He seems so kind, but his presence change itself when he scolded me infront of the crowd. Nakakahiya siya. So pervert!

"Speaking of him, may clone" parinig ko naman nang bigla naman akong sinenyasan ng tatlo. Hinigitan naman ako ni Kyle sa balikat ko at bubulungan ako. "Wag kang magpahalata sakanya. Baka mahalata tayo"

"Hi! Umm sorry nga pala kanina. Akala ko kasi ikaw yung taong tinatarget ko e" masyado naman niyang inemphasize yung 'target' na word. May papatayin ba siyang tao bukod sakin? Iiwasan ko sana siya dahil nagalit talaga ako sa ginawa niya pero nagulat nalang ako nang biglang inurong ng isa sa mga kasama ko ang katawan ko sa harap nitong lalakeng holdaper na nakaputi kanina.

Napatanga nalang ako bilang pagpapatawad ko sa ginawa niya pero inirapan ko pa rin siya. Lagi nalang talaga akong nahoholdap. Baka naman destiny ko talaga yun?

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now