Chapter 21: Kuya Prince

29.6K 167 9
                                    

"S-Skype Skype, mukha kanang ewan" nakarinig naman ako ng boses mula sa pagkadilat ko ng mga mata ko. Napapikit lang pala ako sa takot ko. Stupid Peeler! Anu naman kasing ginawa niya sakin. Nakita ko namang buhat buhat parin niya ko habang nakapaligid kami sa napakaraming tao dito sa quadrangle.

"P-Phyllis! Wag mokong bibitawan! Akala ko binitawan mo na ko e!" biglang sabi ko naman sakanya nang napayakap naman ako sa balikat niya at dali dali niya kong tinayo. At bakit ba bigla biglang nagiihip ng hangin ngayon? This cruel jerk suddenly turns to thoughtful Phyllis? H-how?

Nakakahiya man sabihin pero nagpapalakpakan na ang mga tao dito sa paligid namin. Gumawa pa kami ng show dito! Because of this elementary jerk! Hinawakan naman niya ko sa bewang ko at naglakad kami palayo sa mga tao. Ano ba kasing meron sakanya? I doubt na may nangyayari talaga sa taong to.

Bigla ko naman siyang hinigitan para patigilan siya sa paglalakad. "Nakadrugs kaba?"

"Ano bang pinagsasabi mo jan?" iniwasan naman agad niya ko at hinigitan ako pero hindi naman ako tumigil kakapatintero sakanya. Nakakainis naman kasi e. Kailangan kong malaman bakit ganito siya sakin. "Get off!"

"No!"

"Oh C'mon! Get off!"

"Bahala ka jan! Hindi ka makakawala sa patinterong ito!" kulit ko naman sakanya hanggang sa napatayo na kami sa isang lugar kung saan tumigil nalang siya at tinitigan niya ko. Habang ako? Nakatingin din naman sakanya na nakapahaba naman ang dalawa kong mga braso. "I give up!" bigla naman niyang sabi nang parang napatingin nalang siya sa itaas. Ang hirap naman suyuin nitong lalakeng to! Daig pa sakin!

"Now! Gusto kong magusap tayo------ waiiiiiit!" bigla ba naman akong tinakbuhan! Mandaraya talaga yung lalakeng yun! Nakakainis lang! Lagi nalang akong pinagtitripan ng lalakeng to, mapaisip bata man o mapataray na Phyllis! "Phyyyyyyliiiiiiiiiiiiiiiiiis!"

Hinabol ko naman siya ng hinabol. Para kaming batang naghahabulan dito sa campus. Nakakabangga na namin ang mga ibang tao dito pero ayaw parin niya magpapigil! Grrrrrr bat ba niya ko nilalayuan? Loko talaga tong lalakeng to! "Phyllis! Kailangan natin magusap!" isang sigaw ko pa sakanya habang sobrang hinihingal hingal na ko. Nakakahiya. Pinagtitinginan na ko dito. Napaupo nalang ako sa isang bench dito habang naghahabol padin ako ng hininga. Nakakapagod palang maghabol. Maghabol ng lalakeng wala namang pakealam sayo.

Napahawak nalang ako sa dalawang tuhod ko nang naramdaman kong may biglang umupo sa tabi ko. Siya na to! Halatang halata ko sa pagkakaupo niya kahit na nakatalikod siyang nakaupo. "Hoy! Ikaw talaga pinatakbo mo pa ko! Alam mo bang nakakapagod maghabol ng isang lalakeng katulad mo!" sabay palo ko naman sa likod niya. Ang lakas pa nga ng pagkapalo ko, pati yung kamay ko sumakit.

"Mahirap ba? Bakit? Kasi pinapaasa kita?" nagulat naman ako sa pagsagot niya. Napatakip nalang ako sa bibig ko. Oh my God! "J-Jeff. What brings you here" s-si Jeff yung pinagsalitaan ko ng ganun,. Si Jeff ang napalo ko ng malakas. At higit sa lahat, kinakausap ako ng isang Jeffrey Lobo ngayon! Kinakabahan ako.

"Tubig o?" napangiti nalang ako ng papilit sakanya. Nakakahiya talaga yung ginawa ko sakanya, pero sa kabila ng lahat, i think he deserves it! Pagkatapos niya kong pagutusan na pahulugin ng puso ng iba. "S-salamat" tinanggap ko naman ang tubig na inaya niya sakin at patuloy padin ang pagngiti ko sakanya ng papilit. While i'm drinking my water up, walang nagsasalita sa amin. Ako nagpupunas ng pawis habang siya, parang may pinapractice pa siya na sasabihin saakin.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now