Chapter 22: Careless Goofy (naCG)

29.2K 177 11
                                    

"Namimiss mo na nga talaga yung kuya mo" sabi naman niya sakin habang nagpupunas ako ng luha ko gamit ang panyong bigay niya sakin. Napaluha pa ko ng wala sa oras. Ito naman kasing si Jeff e. Pinapaiyak ako nang wala sa oras. "Yes. Namatay kasi siya with a car accident. Nasagasaan siya nung oras na nagbibike kami dati. Naout of balance kasi ako sa bike ko nang bigla akong nagstop sa gitna ng kalsada. Hanggang sa tinulak ako bigla ng kuya ko sa gilid at.....

Paggising ko, nakita ko nalang na nasa isa kaming room ng ward, naghahabol siya ng hininga. Napaluha nalang ako nang sinabi niya sakin na "Be a good girl Skype, Magiingat ka." And that childhood of mine went blurry nung nawala na si kuya saamin" hindi ko namang mapigilang hindi lumuha dahil sa pagkwento ko nanaman. Binabalik ko na ang sipon ko sa ilong ko sa kadahilanan ng sobrang pagiyak ko ngayon. Pero Jeffrey never failed to comfort me. Sa simpleng paghawak niya ng mga kamay ko, nararamdaman kong aware siya sa nangyari saakin noon. Yung presensya niya, nakikita ko sakanya si kuya.

"Skype, don't be sad. Please? Sige ka iiyak din ako. Mas dadramahan pa kita" kinindatan naman niya ko at napangiti nalang ako. Nakakatuwa siya. "Nandito naman ang kuya jepoy mo oh? Aalagaan kita wag kang magalala. Sinabi na kasi ng kuya mo sakin na, ako daw ang kapalit niya. At ako na ngayon ang magaalaga sayo" napangiti naman ako sakanya at napapansin kong, lumalamig na pala yung ramen sa harap namin.

"Fine! Ang lamig na nito o? Kainin na natin to" aya ko naman sakanya. Hindi ko parin maiwasan ang ngiting nakalagay sa labi ko. Nakakatuwang isipin na may lalakeng magcocomfort sakin ng ganito. Para akong nabuhayan ng kuya ulit. Parang lumipat ang soul ni kuya kay Jeff.

Matapos naman namin kumain ng ramen, niyaya ako ni Jeff na pumunta sa kusina ng kuya niya para daw magpaalam. Nakakatuwa yung kuya niya, bagets na bagets. Nakwento kasi sakin ni Jeff na 3 years daw ang agwat nila ng kuya niya. Kung si Jeff ay 22 na, 25 naman ang kuya niya.

"Kuya Lloyd. Aalis na kami. Punta nalang ako dito mamaya para sumabay umuwi sayo" pagpapaalam naman niya sa kuya niya. Nagbow nalang din ako bilang pagpapaalam sakanya. "Thank you din po sa ramen! Umm nice to meet you din po" sunod naman na pagpapaalam ko sakanya. "Oh? Bakit parang pinaiyak ka ata ng kapatid ko? Gugulpihin ko naba? Hahahaha!" ang kulit talaga ng kuya niya.

"Kuya naman e!" bigla namang ginulo ng kuya ni Jeff ang buhok niya. Nakakatuwa naman silang magkapatid. "Nagpaiyak ka nanaman ng babae. Osiya, hatid mo na tong si Skype. Gabi na o?" ngumiti nalang ako sakanya at nagbow ulit! Habang siya ay kinukulit padin niya si Jeff. "Ingat ah? Lloyd nga pala" nakipagshake hands naman ako at tuluyan ng umalis.

---

"Alam mo, ang kulit talaga ni kuya Lloyd. Sobra siyang nakakatuwa!" tuwang tuwa na sabi ko sakanya. Nakakatuwa naman kasi talaga. Nakakatuwa silang dalawa. At sobrang ang thoughtful pa nilang magkapatid. "Oo naman, lagi niya ngang ineentertain yung mga nililigawan ko e" i just chuckled until he said that. Nililigawan?!

"I mean, yung mga dinadala kong babae diyan sa Ramen House niya, lagi niyang ineentertain. Lagi akong pinapahiya nun e." napatango nalang ako sa sinabi niya. And our conversation went silent. Para bang may sumulpot sa harapan namin na napatahimik kaming pareho.

"M-may bibilhin lang pala ako Skype, tara punta muna tayo sa cafe" tumango nalang ako sakanya at nagsimulang pumasok dun sa cafe. Bibili nanaman ata siya ng isang buong cake. Umupo naman ako sa isang table nang bigla akong nakakita ng isang grupong lalake sa labas. Tinted kasi yung bintana sa labas ng cafe pero pag nandito ka sa loob, kitang kita mo ang mga tao.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now