Chapter 51: Deceiving

17.3K 64 2
                                    

Hindi ko pa rin talaga maalis sa isipan ko yung nangyari dun sa kwarto ni Phyllis. Tama ba yung ginawa ko?

Pinikit ko na lamang ang dalawa kong mata para sa pagkawala ng galit ko. Hindi ko talaga dapat iniisip 'to e. Napakababaw lang para pag-isipan ko siya ng ganito.

Nakapikit na ang mga mata ko nang may naramdaman nalang akong parang gumagalaw sa ilalim ng kama ko. Yung para bang may nakasagi ng kama ko sa kadahilanan ng pagtunog ng kahoy. May daga ba dito? Mamamatay ako dito kung meron. Napaupo naman ako sa kama ko at pinlanong tingnan ang baba ng kama ko. Hindi na ako nagabalang bumaba sa kama ko. Instead, gumapang nalang ako para tingnan ang nasa ilalim ng kama ko. Para kasing merong something e. Sa paggapang ko ng kama ko, ay tiningnan ko naman ang ilalim ng kama ko sa pagupside down ko ng ulo ko. Madilim lang naman siya at puro gamit. Pero baka kasi may daga talaga!

Hindi ko na lamang pinansin yung narinig kong ingay mula sa baba ng kama ko kaya naman bumalik ako sa paghiga.

Pero makalipas ng ilang minuto ay may ingay talaga akong naririnig sa ilalim ng kama ko at sa pagtunog ng kahoy sa ibaba nito. Para bang may nakakasagi ng kama ko sa baba, pinapalo ang kahoy. Nang nakarinig na nga ako ng daga at mas kinilabutan na ako. Gegerahin na ata ako ng mga daga dito. Ayoko na! Magdadasal na ba ako?

Tumayo naman ako nang dahan dahan kong nilagay ang paa ko sa sahig. The rats are squeaking. They can't get some touch contact within me. They're dirty! May phobia ako! Pagkatapak naman ng dalawang paa ko sa sahig ay mas lalo akong kinikilabutan dahil sa paglakas ng squeaks ng mga daga. Ayoko na--------

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

"Araaaaaaaaay! Hindi ko na kayaaaaaaaaaaaaa!"

Nagkatitigan kami nang makita ko siya sa sahig, expose na expose!

"Hoy! Ba't dito sa kwarto ko! Hoy!" Sobrang takot na takot padin ako kasi may lumabas na nga na daga sa ilalim ng kama ko, kasabay ng pagkakita ko sa mas malaking daga.....

Si Phyllis! Bigla ba namang lumabas sa may ilalim ng kama ko nung nakatapak na 'ko sa sahig!

"Kadiri ayoko na! Ang baho sa ilalim! Bluuuuuuuurk!" Pagaaktong pagsuka naman niya nang napatayo na rin siya sa pagkakagapang niya sa sahig galing sa ilalim ng kama 'ko. Bigla nalang kaming nagkatitigan matapos kaming magsigawan sa dagang lumabas sa ilalim ng kama 'ko.

"Anong ginagawa mo dito?!/ Skype!" Sabay na sabi namin sa isa't isa na gulat na gulat din naman. Bakit kasi sa dami dami ng pagtataguan dito sa kwarto ko, bakit sa ilalim pa ng kama e. Binubulabog niya kasi talaga yung kama 'ko e. "Bakit mo sinabi yung pangalan ko!" Sunod na sabi ko naman sakanya na sobrang natense ako sa nangyare. Nakakagulat naman kasi, may bigla nalang lalaking sumusulpot sa sulok ng kwarto mo. At sa ilalim pa ng kama mo!

"Kasi nagulat ako sayo! Ikaw? Bakit mo tinatanong kung anung ginagawa ko dito?"

"Kasi kwarto ko to." Nakapagcross arms nalang ako sa harapan niya. At ang weirdo niya kasi nagtago siya sa ilalim ng kama ko namay daga!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now