Chapter 33: Comparison

24.9K 111 8
                                    

"Skype, you fainted out" Si Jeff agad yung bumungad sa mga mata ko nang dumilat ako. Wala akong maalala, anung nangyari? Kelan ko pa nakasama si Jeff ngayong araw?

He just trying to get your attention. But in fact, we're making naughty things together

Aaaaaissh! Naalala ko pa pala yun! Sa dami dami ng maaalala ko, bakit yung sinabi pa sakin ni CG. Eh pa'no nga ko napunta dito sa kamang ito at nakahiga pa 'ko. Hindi ko nga alam kung kaninong kwarto 'to e. Pero nasa kwarto ba ko ng isang lalake?!

"Just rested up. Mainit init ka ngayon e" sapilitan ko namang pagtayo sa kamang hinihigaan ko nang pigilan niya ko. Nakakahiya, siya pa nga ata nagbuhat sakin papunta dito. Ang masama pa nito ay nasa kwarto ako ng isang lalake na sobra naman ang pagkalinis nito. Puti lahat, pati narin ang kumot na nakapulupot sakin.

"Okay lang ako. Hinahanap ko kasi si Phyllis e" rason ko naman sakanya. Hindi naman talaga ako okay e. Gusto ko lang talagang makaalis dito. "Hinahanap mo siya? Umuwi siya kanina pa" mas lalo naman akong nagpanic sa sinabi niya sakin. At mas lalo naman akong nawindang sa narinig ko mula sakanya. Kailangan ko siyang tamaan!

"Nakakainis!" pagbulong ko na lamang sa sarili ko nang bigla siyang napaharap sakin. Umupo nalang ako dito sa kama nang napayakap nalang ako sa sarili ko. Ang init nga ng pakiramdam ko. At mas lalo pa 'kong nagiinit dahil sa galit ko kay Phyllis ngayon. Pero iba pa yung HOTNESS ng kaharap ko ngayon. Ang isang Jeffrey Lobo na nakatapat sa bintana. Ang HOT! As in nakatapat talaga siya sa bintanang tirik na tirik ang araw sakanya. Wala kasing kurtina para takpan ang bintana e. Naaarawan tuloy.

Hindi naman ako nakapagsalita ngayon, lalo na't nasa harapan ko si Jeff. Hindi ako makapagsalita sakanya. Nahihiya na naiilang ako pero bakit ang gaan ng pakiramdam ko ngayon? Isa ba siyang nature na nakakarefresh sa utak ko? Hindi ako green ah! As in literal na green ako, as a nature lover. Hindi ko siya pinagiisipan ng 'Greeny' thing.

"Sikat na sikat ka jan ah?" pabiro ko naman sakanya. Napatingin lamang siya sakin at ngumiti. Parang hindi ko ata kayang makipagbiruan sakanya. Lalo na't yung nangyari samin nung birthday niya. "A-ah! Hindi naman" nakita ko naman ang awkward niyang pagngiti sa mukha niya. Marunung din pala siyang mansakay ng trip.

"Hindi ka jan! Sikat na sikat ka kaya! Ang hot mo nga ngayon e" isa pang pagbanat ko sakanya at tuluyan naman siyang napangiti sa harap ko. Tuwang tuwa naman siya! "Nakakahiya. Wag mong sabihin, baka may makarinig. Shhhh!" tumawa naman ako sa naging reaction niya. Nakakatawa talaga 'tong mga to. It reminds me of Phyllis. Marunong silang sumakay sa trip ko. Parehas silang uto uto. Ang pinagkaiba nga lang nila ay si Jeff ay literal pero si Phyllis naman ay pabanat. Hay, umiikot nga talaga ang mundo. Ang dalawang taong magkaiba ng personality ay magkasama sa iisang mundo. They're turning my world keep spinnin' around.

Kung may love, may hate. Positive? Definitely there's a negative. Humble? Syempre wala pading tatalo sa paPeeler. In short, there is Jeffrey and Phyllis around me. Which is Jeff will be the day, and Phyllis will be the night. Pero ano ba 'tong iniisip ko?

"Umalis ka na nga jan. Ang Hot mo kasi talaga dyan e! Nasisikatan ka ng araw, syempre magiging sikat at hot ka! Hahahahaha!" narinig ko naman ang malakas niyang tawa. Ang late reaction talaga niya! Pero kapag si Phyllis 'to, mas advance pa sa irereact ko. But why am i comparing these two at the same time? Kasi makikita mo naman talaga ang difference nila e. It's like the Gravitational Force that they attracts for me. At sila yung force na nagbibigay sakin ng gravity, para mabalance ako. Pero nahahawa na ata ako sakanilang dalawa.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now