Ang Darling Kong Beki (Alkris Romance-Comedy) 1

5.8K 43 6
  • Dedicated to ALKRISIANS :)
                                        

chapter one ..

Its a heartache, nothin' but a heartache.. hits you when its too late! Hits you when youre do..aaawwnn.. kuntodo pikit pa si Kris habang kumakanta.Naroon siya ngayon sa isang karaoke bar sa Malate kasama ang kanyang bestfriend na si Gregorio o Gretchen sa gabi. Birthday nito ngayon kung kaya naman inaya siya nitong kumain sa isang "picky-picky resto" o turo-turo sa tagalog. Matapos kumain nagkayayaan silang magka-ibigan na pumunta sa isang videoke bar kung saan naroon sila ngayon.

"Gora sister ! Sige pa ihataw mo pa" anang bading.

"Ay,naku marse feeling ko Pilit-a Corales lang akong maging singer." ani Kris.

"Keribels lang yan! wit namang pakialam ang mga tao ditey." sagot nito.

"ikaw naman kaya ang kumanta?" tanong niya sa kaibigan.

"Kota? Naku, Marse parang di mo naman knowing na pag bumirit na ako dumarating ang super typhoon sa ating lupang hinirang." tanggi pa nito.

"Hoy,Gregorio Madlangawa alangan namang ako lang ang pakantahin mo ng pakantahin dito no?" sita niya.

"Hoy,ka rin Kristine Anne Bernal, kung maka Gregorio ka naman, masakit sa dibdib! Its Gretchen my friend. Gretchen Purpity." sagot nito. 

Di na napigilan ni Kris ang kanyang tawa sa sagot ng kaibigan.

"Anong Purpity ka diyan? Saan mo nakuha yung Apelyido mong iyon?" tanong niya rito.

"Bobita lang friend?Edi in English ko ang apelyido ko loka!" sagot ng bading.

"hahahaha.. ako pa ang bobita ngayon? Ang english ng apelyido mo, hindi Purpity.. kundi Peoplespity." sagot niya saka sinabayan ng malakas na halakhak.

"Gaga.. mas masagwang pakinggan yun okay na ko sa Purpity, walang reklamo entiende?" sagot nito saka siya pabirong sinabunutan.

"Okay madam.." sagot niyang tawa pa din ng tawa.

"Hala sige, kantahin mo tong theme song natin." anito saka lumapit sa videoke machine at nagpipindot ng numero.

"Hmp! pasalamat ka't Its your birthday today." sagot niya rito. 

Maya-maya pa seryoso na si Kris sa pagkanta na may halo pang indak sa theme song nilang magkaibigan ang "I WILL SURVIVE". Habang si Gregory naman aka Gretchen ay todo giling.

Nang matapos kumanta, nagmamadaling ibinaba ni Kris ang mikropono sa lamesa at saka pabagsak na umupo sa isang bangkuang plastik.

"Grabe, nakaka pagod maging singer cum dancer ah." Aniya saka lumagok sa baso na may lamang beer.

"Ay,napagod ka friend? Hindi halata.." buska sa kaniya ng kaibigan.

"Ay,nako Gretchen next time di mo na ko mapapa kanta at mapapasayaw ng ganun." sagot niya rito saka muling uminom sa kanyang braso.

"Talagang hindi na, dahil next time,wala ng next time! Wala na tayong pera no?" natatawang sabi nito.

"Hahaha.. sabagay.. saka kalerkey dito friendship kong pagong,ang mahal ng beer!" reklamo ni Kris.

"Haha.. hayaan mo na.. sulit naman ang mata ko sa mga ombre(lalaki)ng nandito ngayon." sagot nito saka nagpalinga-linga.

"Ikaw talaga kahit kailan ka.. puro lalaki ang nasa isip mo.." sabi niya.

"Ano pa bang gagawin? Ayyy... Papa from Heaven .. " anito.

"Ha ? Ano daw ? Teka nga't mag C-R muna ako." paalam niya.

Saka nagmamadaling tinakbo ang daan papuntang banyo. Dahil sa pagmamadali hindi napansin ni Kris na may papasalubong sa kanya, kung kaya nagka-bungguan silang dalawa.

"Oooppsss.. anang isang boses lalaki. 

"Ay, naku I've never meant Mister.. " sabi ni Kris.

"Bakit naman kasi hindi ka tumitinggin sa dinaraanan mo? O sadyang paraan niyo lang na mga bakla ang kunwari ay hindi naka tingin saka mambubunggo para maka panantsing?" anito sa iritadong tinig.

"Ano kamo ? Ako? Bakla ? Hoy, Mister sa ganda kong to napagkamalan mo kong bakla?" galit na sabi niya.

"Alam mo wag ka ng mag deny., gawain ba ng babae ang kumanta at sumayaw na parang isang kiti-kiti katulad ng ginawa mo kanina?"  anang lalaki.

"Aba't .. " tanging nasabi ni Kris dahil tinalikuran na siya nito.
"Herodes kang lalaki ka! Ang ganda-ganda ko para gawin mong bakla! Pinisteng kyawa ka oy ! Hindi ako bakla!" sigaw niya rito.

Ngunit tila walang narinig na nagpatuloy lang ang lalaki sa paglalakad paalis sa lugar na iyon. Walang nagawang pinagpatuloy niya ang paglalakad papasok sa banyo na nagpupuyos ang kalooban sa galit.

"Makikita mong lalaki ka, sa muli nating pagtutuos ipapakita ko sayo kung sino satin ang bakla." nagpupuyos ang kaloobang sabi ni Kris sa sarili.

Hanggang makabalik siya sa pwesto nila ng kaibigan ay hindi pa rin mawala-wala ang ngitngit ni Kris.

"Ay, friend sayang.. di mo naabutan yung ka-chikahan kong papaliscious dito .. grabe , PAK na PAK !" salubong sa kanya ni Gretchen ng maka-upo na siya. 

"Hay,naku friend .. lahat naman ng lalaki para sayo ay pak na pak, kahit nga si Mang Otoy na mag tataho Papalicious pa rin ang tawag mo." sagot niyang natatawa na. 

Kaya gusto niyang kasama ang kaibigan ee nawawala ang pagka badtrip niya sa lahat ng bagay.
Kayang kaya siya nitong patawanin kumbaga sabi nga ng matatanda huling-huli nito ang kiliti niya.
Mula sa pagkabata ay magkaibigan na sila ni Gregorio. At siya rin ang unang naka tuklas ng tunay nitong kulay. Isang beses na pakialaman niya ang bitbit nitong bag. Mga 1st o second year high-school na siguro na sila noon. 

"Siyempre no, nakita mo naman.. araw-araw tayong may rasyong taho." sagot ni Gretchen na pumutol sa kanyang pagbabalik tanaw.

"Heh, di man lang naawa sa pobreng matanda, may hika na't lahat sige ka pa rin sa pang-uuto para magkaroon ng libreng taho tuwing umaga." sabi niya sabay tampal sa braso ng kaibigan.

"Atleast sisteret libre tayo sa almusal everyday." anito.

"Siya,siya tara ubusin na natin to at ng maka uwi na. Na miss ko bigla si Pinky." tukoy niya sa unan niyang Hello Kitty ang design. 

Bata pa lamang siya ay paborito na niya ang Hello Kitty kung kaya ang halos lahat ng gamit niya ay puro may design na ganun. Maging ang kanyang kumot,twalya,panyo,toothbrush pati ang tsinelas niyang pambahay ay iisa ang design.

"Sorry sister, Di pa tayo makaka uwi .. bin-lowout ako ni papalicious na sinasabe ko sayo ng isang bucket ng San Mig Light ng masabi ko sa kanyang Tanjobi (birthday) ko ngayon." sagot ni Gretchen.

"Ano, isang bucket pa ? baka malasing tayo bakla ka! sabi ko na nga ba, kaya papaliscious din ang tawag mo dahil nauto mo yung tao.Hulaan ko 4M's yun no?" pang-iinis niya sa kaibigan.

"Shungak! Hindi no?! 4M's ka diyan.. di pa matanda yun.. Tumpak ka sa pangalawang M, Mayaman nga siya.. ang kotse day,CHEDENG!" anang bading na tila nangangarap pa.

"Heh, eh malay mo driver lang pala?" dagdag-inis niya.

"Tse.. kahit maging sino pa siya.. basta ang importante nilibre niya tayo and i think im inlove.." sagot nito.

"Inlove? may bago ba dun? Lahat naman halos ng lalaking nakikilala mo naiinlab ka." tatawa-tawang sagot niya. Ngunit ng mapansin niyang naka taas na ang kilay ng kaibigan ay di na siya kumibo at pinigil na lang niya ang pagtawa. Saka kumuha ng isang San Mig Light at sinalinan ang kanyang baso.

Mag uumaga na ng maka-uwi sila ng kaibigan. At dahil parehong may tama ng alak hindi na niya ito pinayagang umuwi sa bahay ng mga ito kahit dalawang bahay lang bahay nito sa bahay niya.
Dahil sa kalasingan hindi na nagawa pang mag palit ni Kris ng damit na pantulog at agad ng sumampa sa kanyang maliit na kama.

Ang Darling Kong Beki ( Under Editing )Where stories live. Discover now