A.N://▶▶▶
Di ko po ini expect na may patuloy paring nagbabasa nitong story nato ! And sana po mareach po natin ang goal ! 2k reads before the ending of the story ...
Yeah, malapit na pong mag end ang story ng ◀Ang Darling Kong Beki▶
Pero katulad ng sinasabi sa mga pelikula ... pag may natapos, may mag uumpisa ...
Sana po suportahan niyo rin ang upcoming story ko ... titled
▶ Mr.Popular meets the Nerd ◀
#Alkris din po ang bida but i decided to change their names ...
Thank you ALKRISIAN'S !!!!
CHAPTER TWENTY-THREE ...
Mag tatlong linggo na sila dito sa bahay-bakasyunan ng mga tita ni Aljur pero wala siyang makapang anumang pagka-inip. Bagkus talagang nag enjoy siya sa company ng mga tiyahin nito at ng pinsang si Shane. At siyempre pa, mas nag enjoy siya sa company ni Aljur. Di man ito nagtatanong sa kanya kung may nabago sa kanyang desisyon sa loob ng halos tatlong linggong pananatili nila doon alam niya gusto din nitong malaman ang sagot.
Kung kaya naman dahil ito na ang huling gabi nila rito, nag pasya na siyang sabihin dito ang kanyang pasya.
Nang makita niyang quarter to six pm na, nagmamadali siyang tumungo sa banyo para maligo at mag ayos na ng sarili.
Kinakabahang naghihintay si Aljur sa pagbaba ng Prinsesa ng buhay niya.
Kanina habang nasa kwarto ito at njg take ng afternoon nap. Pinagtulong-tulungan nila ng kanyang dalawang tiyahin at pinsan ang pag-aayos sa kubong pagkakainan nila ng dalaga.
Nagsabog pa si Shane ng petals ng mga rosas mula sa harapang pinto ng kwarto ni Kris hanggang sa harapan ng kubo.
Naglagay naman sina Tita Hope at Tita Myrna ng iba't-ibang kulay ng mga Japanese lanterns sa magkabilang gilid ng pathway na magsisilbing ilaw nila.
Maging sa kubo ay may apat na pirasong japanese lantern.
Nagulat pa si Kris nang pagbukas niya ng pintuan ng kanyang kwarto ay andaming nagkalat na petals ng bulaklak. Agad naman siyang napangiti habang naglalakad pababa ng hagdan.
Mula sa pintuan ng kwarto niya hanggang sa harapan ni Aljur ang tinutumbok ng mga nakasabog na petals. Pero ang matinding nagbigay sa kanya ng kilig ay nang makita itong naka tayo sa pinaka gitna ng hugis-pusong gawa din sa petals ng pulang rosas. Habang matikas na nakatayo at may kagat-kagat na isang tangkay ng pulang rosas.
Lalong hindi naka kilos si Aljur nang makitang bumababa na ng hagdan si Kris. She's wearing a black velvet tube dress na hanggang tuhod ang haba sa harapan pero lagpas ng konti sa talampakan sa bandang likuran.
Light lang din ang make-up nito na lalong nagpatingkad sa natural nitong ganda.
Nang makalapit na ito sa harap niya ngumiti lang siya rito at itinuro ang isang tangkay ng rosas na kagat-kagat niya.
Natatawa namang kinuha ni Kris ang naturang bulaklak. Siyempre di niya pinahalatang kinikilig siya.
Inihanda naman ni Aljur ang kanyang braso.
At nang umambrisyete sa kanya si Kris ay naglakad na sila.
Medyo nagulat din siya ng makarinig ng mabining tugtog sa mga nagkalat na maliliit na speaker sa pathway.
Hindi niya alam na dinagdagan pa pala ng mga tiyahin niya ang kanyang pakulo. Pero lihim din siyang nagpasalamat dahil naka dagdag sa ganda ng gabi ang ginawa ng mga ito.
