Ang tagal ko pong di naka pag update ano po ??? sorry po talaga .. been busy this past days .. Nag watch po kasi kami ng taping ng Prinsesa ng Buhay Ko… And there, we saw how sweet ALKRIS is.. ON and OFFCAM ;)))
Yung tipong mag JOWA sila hahahaha :D
And since I witnessed those sweetness I decided to put it here, pero siyempre para may thrill hulaan niyo po kung alin sa mga nakasulat dito ang nangyari and alin ang kathang-isip ko lang ..
Enjoy reading and be a Madam Auring :P
CHAPTER TWENTY-SEVEN…
Alas siyete ng gabi ng kinatok si Kris ng katulong para sa hapunan. Inayos niya lang ang sarili saka sumunod na dito sa komedor.
Naabutan niya na kumpleto na ang pamilya ng nobyo at tila siya na lang ang hinihintay.
“ Good Evening po.”nahihiya niyang bati sa mga ito.
Agad namang tumayo si Aljur at inalalayan siya sa siko saka nag hila ng isang upuan sa tabi nito.
“Good Evening iha, nakapag pahinga ka ba ng maayos?” magiliw na tanong ng ginang.
“Opo, thank you po Tita.” Sagot niya. Saka nag bigay ng isang ngiti.
“ Ooppsss… I don’t like that.” Sagot nito.
“Po?” tanong niya ng maka upo na.
“ Don’t call me Tita iha, you should start calling me Mommy too.” Anitong naka ngiti na..
“Err..okay po Ti – esta Mommy.” Sagot niya.
“Sounds better.” Anito .
Napailing-iling na lang si Aljur at mga kapatid. Pati ang kanilang ama ay hindi din nag pa kabog.
“Siyempre iha, Since you called my wife Mommy, ang sagwa naman kung Tito ang tawag mo sakin diba? You should call me Daddy too.” Sagot ni Daddy Jojo.
“Okay po, Ahmn, Daddy..” nangi-ngiting sagot ni Kris.
Maya-maya pa, masayang nag salo ang buong mag-anak sa isang masaganang hapunan. Kris feel that she was really one of them. Walang nagparamdam sa kanya na ibang tao siya. Everybody welcomed her in a nice and warm greeting.
Matapos ang hapunan, nag-aya si Daddy Jojo na tumambay muna sila sa garden, para maka pag kwentuhan habang nagkakape.
“Manang, ayokong mag kape coke ang sakin.” Sabi ni Aljur sa katulong.
“ Opo, Kuya.” Mabilis na sagot nito saka tumalikod na para sundin ang mga amo.
“Ikaw hija? Bakit di ko narinig na nagbilin ka kay Manang?” puna ni Daddy Jojo kay Kris.
“Okay lang po ako medyo naparami po yung kinain ko kanina.” Sagot ni Kris.
“ Okay, if ever you want something don’t hesitate to call Manang.” Sagot nito.
Nakangiting pinapanood ni Kris ang paghaharutan at kulitan ng mga kapatid ng nobyo.
Hindi niya akalain na gnaito pala ang pamilya Abrenica. She thought everybody was always busy, typical na sa mga mayayaman ang ganon, no time for bonding like this.
Abala siya sa panonood ng maramdaman niyang may kumakalabit sa braso niya.
Nalingunan niya ang gwapong mukha ng nobyo.
She gave him a puzzled look.
Naka ngiti namang ini nguso nito sa kanya ang hawak nitong basong may lamang diet coke. Hawak nito sa kaliwang kamay ang lata ng diet coke at sa kanan naman ang baso.
