happy 1k reads alkrisians .... and as ive promise ... dalawang chapters po tayo ulit !!!
CHAPTER FOURTEEN …
Matuling lumipas ang mga araw. Halos tatlong buwan na ang nakakaraan mula ng huli siyang pumunta kay Gretchen para mag baka sakali. At sa twina'y lagi siyang bigo. Sa mga naka lipas na buwan, walang ginawa si Aljur kundi isubsob ang sarili sa trabaho. Nagbunga naman ng maganda ang mga pagsisikap niya. Sa susunod na Linggo ay Grand Opening na ng kanyang bagong negosyo. Ipinabahala na niya kay Vin ang Salon and Spa business pero paminsan-minsan ay dumadalaw pa din siya roon. Nagba baka-sakali..
Marami na rin ang nangyari sa mga nakalipas na buwan. Bukod sa kanyang bagong negosyo. Nagkaroon na rin sila ng ama ng isang kasunduan. Kasunduang..
(a.n:// pag po naka itallic flashback po yun)
“ Son,hanggang kailan ka ba ganyan?” tanong ni Daddy Jojo sa anak. Isang gabing umuwing lasing na lasing si Aljur at walang ibang bukam-bibig kundi ang pangalang “Kris”
“Hangga't hindi ko siya natatagpuan Dad.” Sagot ni Aljur.
“ Why don’t you call an good investigator to search her?” anang ama.
“No,Dad. Kung magkikita kami, magkikita kami.” Aniya.
“Eh, paano kapag nagkita kayo ay nakatali na siya sa iba?” panunubok ni Daddy Jojo.
“Kung darating ang araw na yun..honestly dad, hindi ko alam ang gagawin ko.” Si Aljur.
“ Matanong ko lang, naging kayo ba? Akala ko ba si Kylie ang gf mo ng mga panahong iyon.?” Tanong ulit ni Mang Jojo.
“ Remember the day I flew on France Dad? Before I went there I already had an decision.And that’s to broke up with Kai. Because at that time wala na kong makapang pagmamahal sa kanya.” Mahabang sagot ni Aljur.
“Dahil itong si Kris na ang mahal mo ganon ba?” Anito.
Tango lang ang naging sagot ni Aljur.
“Alam mo ba dad, na halos mabaliw-baliw ako sa pakikipaglaban sa sarili ko. At first hindi ko kayang tanggapin na ma iinlove ako sa isang bakla.
“What??” gulat na gulat na sabi ni Daddy Jojo.
Tatawa-tawang pinagpatuloy ni Aljur ang pagsasalita.
“Let me finish first old man bago ka mag react diyan. Ang epic ng histura mo.” Aniya bago muling ipagpatuloy ang pag ku-kwento.
“As ive said di madali ang pinagdaanan ko. Pero sa huli sumuko din ako.Wala eh,mahal ko siya talaga. I even think kung sakaling malaman niyo kung ano siya handa ko siyang ipaglaban alisan niyo man ako ng mana. And to my surprise, hindi pala siya bakla.She's a she. A real woman. Pero wala na siya ng malaman ko yun. She's gone when I came back from France.” Mahabang kwento niya.
“ Im so sorry son, I didn’t know na ganoon pala katindi ang pinagdadaan mo that time.Then dumadagdag pa ako sa pressure mo.” Anang ama sabay tapik-tapik sa balikat ng anak.
“Kalimutan na natin yon Dad.” Aniya. Natutuwa si Aljur at kahit papaano ay nagkaroon sila ng ama ng pagkakataong makapag-usap ng ganito.
“Okay son, hindi ko sinasabi na babali na tayo sa palabra de honor. Pero bibigyan kita ng pagkakataong hanapin siya. I think 1 year is enough to do that.” Ani pa nito.
Bilang pag sang ayon sa tinuran ng ama ay tumango na lang si Aljur. One year.. mahaba haba din ang panahong iyon para matagpuan niya ang babaing pinaka mamahal.
At ngayon nga, pitong buwan na lang halos ang natitira sa kanya. Pansamantala muna niyang kinalimutan ang problema sa puso. Pinaunlad niya muna ang sarili para kung sakaling matagpuan na niya ito ay mayroon siyang maiaalay dito.
Kris felt relieved when her mother told her na pansamantalang mauudlot ang kasundan. She gave a happy sigh. Its been three months since huli niyang dalawin si Gretchen. That’s why nag paalam muna siya sa mommy niya na magbabakasyon ng dalawang Linggo sa Maynila. Pero di niya sinabi kung saan sa Maynila siya tutuloy. At first, her mom hesitate..pero siyempre nilambing niya lang ito ng konti at napapayag niya rin. Sigurado siyang matutuwa si Gretchen pag nalaman nito ang bagay na iyon. Ah, miss na miss na niya ito. At may isa pa siyang taong na mi miss. Nang maisip iyon kagyat na pinilig ni Kris ang ulo para maitaboy ang alaala na pumapasok sa kanyang isipan. Its been 5 months. Siguro masaya na iyon. So she had to be happy too. Facing her own life.
Kinabukasan maaga palang ay sakay na si Kris ng private plane ng kanyang kaibigan. Patanghali na ng marating niya ang dating tinitirhan.
Laking tuwa naman ni Gretchen nang mabungaran ang kaibigan sa harapan ng pintuan. Halos di sila magbitiw sa pagkaka akap. Di matapos-tapos ang kanilang kwentuhan hanggang abutin na sila ng gabi Sa isip ng bakla isang plano ang nabuo.
hello po .. thank you po sa pag read ! especially sa mga nag vote! at marami pong salamat sa mga papuring nari receive ko.. from facebook to twitter hanggang dito po. Maraming salamat! Alam ko pong gusto niyo na silang mag meet ! Promise po sa next chapter mag meet na sila!
watch din po kayo ng *Prinsesa ng Buhay Ko* Lunes-Biyernes bago mag 24 oras ! Sali din po kayo sa pa trend.. para po masaya!
follow me on twitter @ThetsiLicious
