Ang Darling Kong Beki (Alkris Romance-Comedy) 15

636 15 14
                                        

eto na po yung promise ko ...


CHAPTER FIFTEEN…




Last day na ni Kris sa Maynila, dahil bukas balik Davao na naman siya. At dahil last day na niya hinayaan niya ang kaibigan kung saan nito gustong pumunta. Sa isang kainan sa Tagaytay siya nito inaya nang araw na iyon. Ayon dito opening daw ng naturang resto at darating ang paborito nitong singer. Kung kaya pumayag na din siya kahit medyo kalayuan ang lugar ng trip nitong kainan. Kung kaya maaga palang ay gumayak na sila.

Aligagang-aliga si Aljur ng mga oras na iyon. Medyo tense din siya. First time niya kasing magkaroon ng restaurant. Kaya hindi siya sigurado kung magiging patok ba sa masa ang resto niyang iyon. Kung lugar ang pagbabatayan, sigurado siyang makakahatak ito ng mga parokyano. His resto is made in rattan wood. Meron itong arko sa pinaka unahan kung saan naka sulat ang pangalan ng kainan. Then few steps to go into the entrance door na gawa naman sa purong salamin. Sa gilid nito merong isang wooden art na naka display. From entrance door, may red carpet na nakalatag sa sahig na hindi naman kahabaan. And that carpet leds into the main lobby o main resto. Meron ding isa pang pinto patungo naman sa kabilang labas na kung saan kitang-kita mo ang view. Then para naman sa mga may gusto ng romantic ambience meron siyang pinagawang isang mini park. Na may fountain pa sa gitna. At ang kagandahan nito mula sa malayo mapagkakamalan mo itong isang kweba dahil na din sa disenyo. Lutong Kapampangan ang especialty nila dito. Pero nag se serve din sila ng iba't ibang putahe.

Alas diyes ang umpisa ng Opening. May inimbitahan din siyang sikat na singer para sa araw na iyon.

Medyo pagod na si Kris sa pagmamaneho ng marating nila ang restaurang tinutukoy ng kaibigan. Pero ng makita niya ang naturang kainan tila napawi lahat ng pagod niya mula sa mahabang pagma maneho.

It was made of woods na bumagay sa lamig ng klima sa lugar. She stepped outside the car at humahangang inilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar. Marahan niyang binasa ang pangalang naka ukit sa arkong kahoy.

VALHALLA RESTAURANT..

Bagay na bagay ang pangalan nito sa itsura ng nasabing kainan. Its really looks like Heaven.

“ Oh, diba bongga! Pangalan palang !” pukaw ni Gretchen sa kanya.

“ Yeah.” Humahangang sabi niya. Di na niya namalayan na katabi na niya ang kaibigan. Masyadong napukaw ng kagandahan ng lugar ang kanyang atensyon.

“ Ano sister, tembang(dito) na lang tayo?” sabi nito.

“ Tara.” Napapa hiyang sabi niya.

At nag simula na nga silang humakbang papasok sa loob ng naturang kainan.

Natutuwa naman si Aljur sa kanyang nakita halos mapuno ng tao ang buong restaurant. Kung mag tutuloy-tuloy lang na ganito kadami ang mga taong kakain sa kanyang restaurant tantya niya isang taon lang at bawi na niya ang kapital niya.

Nang mapatingin siya sa dalawang taong papasok sa entrance door. Tila itinulos sa pagkakatayo si Aljur ng makita kung sino ang paparating.

“Kris..” bulong na lumabas sa kanyang bibig.

Di pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakita kung kaya kinurap-kurap niya pa ang mga mata.

Kundi pa siya siniko ng kapatid na si Allen. Hindi pa din siya kikilos.

Lalong namangha si Kris ng maka pasok na sa loob ng kainan. Punong puno ng tao ang nasabing lugar. Kung kaya pinili nalang nila ni Gretchen na sa may backview pumuwesto. Di naman sila nagsisi, the view was breathtakingly beautiful.

Matapos ibigay ang order sa waiter nagpaalam sandali si Gretchen sa kaibigan.

“ Sipi (ihi) lang ako sister.” Anito.

Dahil masyado siyang naaliw sa lugar tumango nalang siya rito.

Dali-dali namang lumakad palayo si Gretchen. Nang makita ang pakay agad niya itong nilapitan at tinanong kung maari ba silang mag-usap. Nag pa unlak naman ito. Matapos maki pag usap, dali-dali nang umalis si Gretchen palayo sa lugar na iyon na may ngiti sa mga labi.



sorry po kung pangit ang chapter na to! Wala pa po kasi akong tulog.. vote & comment is all I need ;))

Ang Darling Kong Beki ( Under Editing )Where stories live. Discover now