CHAPTER FOUR..
"Ikaw ??? ani Kris na gulat na gulat nang mabungaran ang lalaking naka upo sa isang mamahaling sofa habang may hawak na kopita."Ako nga ! And so ??" anang lalaki.
"No,Ayoko.. magpa massage ka nalang sa lelang mong panot." ani Kris saka biglang tumalikod.
Akmang lalakad na siya ng palayo ng magsalita ang lalaki."May masaba kung magpa massage ako dito ? And besides im the---"
"Hoy, Mr. Hambog wala akong paks kung VIP costumer ka man dito basta humanap ka ng ibang mag mamasahe sayo." putol niya sa sasabihin nito.
"Oh yes.., im the "VIP" costumer here means pag tinanggihan mo ko.. isang salita ko lang mawawalan ka ng trabaho ora mismo. And by the way im Mr. Abrenica not Mr.Hambog." sabi ni Aljur na talagang diniinan pa ang salitang VIP.
Pinipigilan ni Aljur ang matawa ng makita ang itsura ng baklang mukhang babae nang sabihin niyang mawawalan ito ng trabaho. At ang isa pang nakakatawa para sa kanya ay nang mapag kamalan siyang "VIP COSTUMER" lang nito. Hindi ba nasabi ni Mrs.Mendez dito o nang kaibigan nitong si Gretchen na siya, si Aljur Abrenica., ang nag mamay-ari ng "Secret Garden Salon and Spa". na nagkalat sa buong Maynila at may roon pang sangay sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas?
"At anong ngini ngiti-ngiti mo diyan?" putol nito sa pag-iisip niya.
"Wala naman.. Anyway.. umpisahan mo na ang trabaho mo.. make sure ma re relax ako ha." sagot niya rito.
"Baliin kong buto mo , gusto mo ?" angil nito sa kanya.
Isa sa mga ipinagtataka ni Aljur ay ang pagiging mataray nito dahil lang sa tinawag niya itong bakla. Bakit ang ibang bakla naman ay tila balewala sa mga ito na tawagin ng ganoon ?
Hay., mukhang masisira ang ulo niya sa isang to."Oh ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Kilos na." sabi ni Aljur ng mapansing naka tayo lang si Kris sa may pintuan.
Walang nagawang bubulong-bulong lang na tumalima si Kris sa utos ng lalaki. Sa hirap ng panahon ngayon na ang daming Pilipinong walang trabaho pagtya- tyagaan na niya ang kumag na ito. Kunsabagay.. hindi naman siguro araw-araw nagpapa masahe to at baka mabugbog na ang katawan nito.
Nang maghubad na ang lalaki ng polong suot biglang naiiwas ni Kris ang mata sa katawan nito.
Pero ang pasaway niyang mata ayaw paawat.. sige pa rin sa tingin.. bakit hindi..
His got a well proportion body, lahat ng muscles nasa tamang paglagyan at an abs .. hay .. sabi nga ni Gretchen "ABS PALANG ULAM NA.. YAY."
"Hoy, ano pang tinutulala mo diyan ?" untag nito sa kanya."Ha.. ah..eh.. " sagot niyang natataranta .
Saka lumapit sa kamang kina dadapaan nito at inayos ang mga gagamitin sa lalaki."Please lang kung gusto mong magkasundo tayo uunahan na kita. Ayokong gawin mo yung ginagawa ng iba mong kasamahan dito na mag oopen ng conversation na wala namang ka kwenta-kwenta."
"Eh Sir.. 2 hours po ako dito hindi naman kaya mapanis yung laway ko?" pasupladang tanong niya.
"Para di mapanis yang laway mo, kantahan mo nalang ako." sabi ni Aljur na nangingiti.
"Ha? Anong kanta ? I will survive ? O Its a Heartache ?" tanong uli ni Kris.
"Kahit ano wag lang yung dalawang binanggit mo at baka mamaya ma carried away ka pa at sa halip na masahe ang gawin mo chop-chopin mo ko." sagot ni Aljur .
"Buti alam mo.. dahil talagang cha chop-chopin kita pag di ka umayos." ani Kris sa isip.
"Sige sir kantahan kita. Oh umayos ka na .. paki relax lang po ang mga balikat.." aniya saka inumpisahang masahihin ang balikat nito.
