Ang Darling Kong Beki (Alkris Romance-Comedy) 17

671 16 5
  • Dedicated to @soKrisme @iamajabrenica
                                        

CHAPTER SEVENTEEN...

Palakad-lakad si Aljur habang si Kris naman ay nanatiling naka yuko-naka upo di kalayuan sa kanya. Andito sila ngayon sa resort ng kaibigan ni Aljur. Kinakabahan siya di niya alam kung ano o paano niya uumpisahan ang pakikipag-usap sa babae.

Lumunok muna siya ng ilang ulit para alisin ang bara sa kanyang lalamunan bago nag umpisang magsalita.

" Bhe----

" I told you don't you ever call me that." Putol ni Kris sa sasabihin nito. Habang nanatili pa din siyang naka upo. Yes she admit she miss this man. At nung magkita sila kanina.. Lalo niyang napatunayan na mahal niya pa rin ito.

" Okay, sorry." Sagot ni Aljur.

"I want to go home." Ani Kris.

" Can you please hear me first?" muling tanong ni Aljur.

" Alam mo Aljur, wala ka namang dapat ipaliwanag. Okay, I admit siguro kung hindi ka umalis baka pumayag ako sa proposal mong kasal.And one thing, its just a simple proposal which bind us, wala ng iba so there's nothing to be worried about I understand." Mahabang sagot ni Kris.

" Please let me explain first." Nagbuhayan ng pag-asa si Aljur sa narinig.

" Okay sige. Pero katulad ng nasabi ko na wala kang dapat ipaliwanag pero kung yan ang trip mo sige." Matatag na sabi ni Kris.

" I want to say sorry first napag kamalan kitang bakla ikaw naman kasi---

" Akala ko ba nag so sorry ka?" putol niya sa sasabihin nito. Sa lahat naman ng nag sorry ito pa ang may ganang manumbat.

" Okay,okay im so sorry." Ani Aljur na napapakamot pa ng batok. Grabe talaga tong babaing to. Di pa man supalpal na siya.

" Apology accepted. So pwede na ba akong umuwi?" mataray na sabi ni Kris.

" Hear me out first please." Paki usap ni Aljur.

" Sige na at bilisan mo. Masyado nang gabi delikado na masyado." Ani Kris.

" Pwede namang dito nalang tayo matulog eh." Ngisi-ngising sabi ni Aljur.

" Magpapaliwanag ka ba o bu bwisitin mo lang ako?" Ani Kris.

Kakamot-kamot sa ulong napa iling na lang si Aljur saka inumpisahan ng mag paliwanang.

Hindi alam ni Kris kung ano ang dapat niyang maramdaman. Oo masaya siya dahil sinabi nitong mahal siya nito noon pa man sa kabila ng kaalaman nitong isa siyang bakla. Pero hindi na niya kaya pang sumugal. Baka kasi sa susunod na masaktan siya nito ulit ay hindi na niya kayanin. Kaya habang maaga pa, hanggang kaya niya pa. Susubukan na lang niyang kalimutan ito at ang nararamdaman niya para dito.

" Kris sumagot ka naman please." Untag ni Aljur sa babaing tahimik pa rin hanggang sa matapos siyang magtapat at mag paliwang.

Bahagya pa siyang napasimangot ng makita ang singsing na suot-suot pa din nito.

" Pwede na siguro akong umuwi?" sagot nito.

" Kris naman wala ka bang ibang sasabihin?" sabi niya.

" Anong gusto mong sabihin ko na mahal din kita? Oh sige, mahal din kita. Satisfied?" matatag na sagot ni Kris.

Matinding kaligayahan ang naramdaman niya ng marinig ang sinabing iyon ng babae. Pakiramdam niya para siyang nasa cloud nine, pero bigla siyang lumagapak ng marinig ang sumunod na sinabi nito.

" Mahal kita pero nakapag desisyon na ako. Tatanggapin ko na ang kasal na pinipilit ng mga magulang ko." Dugtong ni Kris.

" Pero--- paanong?? Bakit??' di magkanda tutong tanong ni Aljur.

Ang Darling Kong Beki ( Under Editing )Where stories live. Discover now