konting kembot pa ! malapit na din tayong mag 2k Alkrisians :D
huwow!! Nakaka crayola(iyak) naman..
ang supportive niyo!!!
CHAPTER TWENTY…
“ Kris!!!” hiyaw ng isip niya.
Nang masigurong maayos ang pagkaka-upo ng babae. Matuling pinasibad ni Aljur ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.
Nang makarating sa tinutuluyang bahay. Muling binuhat ni Aljur ang babae at saka dere-deretsong ipinasok sa isang silid.
Pinagsawa ni Aljur ang paningin sa babaing himbing pa ring natutulog sa kama.
**Ano ba namang biro ito ng tadhana? Bakit ngayon pa ?
Naguguluhang tanong ni Aljur sa sarili habang palakad-lakad siya sa kabuuan ng kwarto.
Maya-maya pa nagpasya muna siyang lumabas ng silid nang makapag isip siya ng maayos.
Marahang nag mulat ng mga si Kris. Nagulat siya at naririto siya sa isang hindi pamilyar na silid. Agad niyang ininspeksiyon ang sarili. Napahinga siya ng maayos nang maramdamang walang sumasakit sa anumang parte ng kanyang katawan.
Nang bumukas ang pintuan ng silid.
“ Gising ka na pala.” Anang pumasok.
“Aljur !!!” hiyaw ng utak ni Kris.
“Uminom ka muna nito.” Ani Aljur sa babaing tila na natuklaw ng ahas. Saka inilagay ang isang basong tubig sa kamay nito.
Wala na sana siyang balak magpakita dito. Aalis na sana siya para magpalipas ng magdamag sa isang bar. Dahil sumasakit ang ulo niya sa dami ng kanyang iniisip. Pero hindi niya napigilan ang sariling muli itong tignan kung kaya nagpasya siyang kumuha nang isang basong tubig parak ung sakaling magising ito ay mainom pero heto nga ang nangyari. Naabutan niya itong tila ini inspiksyon ang sarili.
Hindi pa rin makapaniwala si Kris na narito ngayon sa kanyang harapan ang lalaking laman ng isip niya kani-kanina lang.
“ Huwag kang mag-alala wala akong ginawang masama sayo habang wala kang malay.” Tatawa-tawang sabi ni Aljur para pawiin ang tensyong nag uumpisang bumalot sa paligid.
“ Anong? Paanong? Ikaw ang ?” hindi malaman ni Kris ang unang itatanong sa lalaki.
“ Ako nga, ako ang nakita at tinakbuhan mo kanina. Kung naiba-iba lang malamang na rape ka na ngayon. Ngayon ko lang nalaman na matatakutin ka pala. Ang kilala kong Kris matapang at palaban.” Natatawang mahabang sagot ni Aljur.
Agad na pinamulahan ng mga pisngi si Kris sa narinig. Kung kaya inirapan niya lang ang lalaki.
“ Kailangan ko ng umuwi, Baka nag-aalala na si Mommy.” Tanging nasabi ni Kris.
“ Mommy? Hindi mo man lang naisip kung nag aalala na ba sayo ang asawa mo?” kunot noong tanong ni Aljur.
“ Anong asawa? Hoy! Mister wala pa akong asa----
“ Wala ka pang asawa ? Pwede ko palang gawin yung huli nating pinag-usapan.” Putol ni Aljur sa sasabihin niya.
“ Pinag-usapan ? Anong pinag usapan ?” nalilitong tanong ni Kris.
“ Yung pinangako ko sayong kung sakaling dumating yung panahon na magkikita tayo at hindi ka pa tali sa iba at ganun din ako. Hindi na kita pakakawalan. At sa tingin ko ito na ang panahong iyon.” Mahabang sabi ni Aljur.
“ Ano kamo ? Hindi pwede !” sabi ni Kris.
“ Well, andito ka sa pamamahay ko kaya't sa ayay mo't sa gusto hindi ka makaka alis dito.” Sabi ni Aljur saka muling tumalikod.
“ Wag ka ng magtangkang tumakas bhebs, makalabas ka man ng kwarto hindi ka naman makakalabas ng bahay na ito.” Dagdag niyang hindi na nag abala pang lumingon.
“ Shit ! You're crazy !” pahabol na sigaw ni Kris sabay pukol ng nadampot na unan.
“ Crazy inlove with you my dear.” Sagot nito sabay kabig ng pinto pasara.
“ Shit ! Shit !” naiinis na sabi ni Kris.
Ewan ba niya. Wala sa plano niya ang ikulong ito. Iba nga ang plano niya kanina eh. Pero nang marinig ang sinabi nitong wala pa din itong asawa. Lumukso ang puso niya sa tuwa kung kaya agad niyang nasabi rito ang mga ganoong bagay.
Hinugot ni Aljur ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon saka tumawag sa kanyang pamilya sa Maynila. Para ipaalam na aatras na siya sa usapan. Alam niyang maiintindihan siya ng mga ito. Dahil saksi ang kaniyang pamilya sa paghihirap ng loob niya nitong mga nakaraang buwan.
wahhh… maraming salamat po sa patuloy niyong pagbabasa wag po sana kayong magsasawa kahit lagi ko kayong binibitin.. hehehehe at dahil po eto na ang last chapter na naka save sa documents ko .. tinodo ko na po ang pag update sa inyo!!
baka po kasi medyo matagalan bago ako mag update ulit ...
vote and comment po tayo !
watch din po kayo ng Concert ni Kuya Aj .. this coming November 7 na po ..
at siyempre … ang *Prinsesa Ng Buhay Ko* Monday-Friday bago mag 24 oras ;)))
DOMO ARIGATTO !!!!
