CHAPTER TWENTY-TWO...
Ang ganda ng gising ni Aljur nang umagang yon. Sa totoo lang, para siyang baliw kagabi habang naka higa sa kama. May pasunto-suntok pa siya sa hangin habang pinipigil ang mapasigaw. Kalalake ninyang tao pero kinikilig siya.
Humuhuning pumasok siya ng banyo para maghanda ng maligo.
Up to now, di malaman ni Kris kung ano ang gagawin. Nahihiya siyang magpakita kay Aljur. Last night is the best night of her life. Hindi ninya makakalimutan ang gabing iyon.
Then napangiti siya ulit ng maalala ang nangyari kagabi.
×××flashback×××
After nilang mag duet, tumayo si Aljur at naglakad palayo sa kanya. Nakadama ng pagtutol si Kris sa ginawing iyon ng lalake. Pero agad ding napalis ang sama ng loob niya ng makitang lumapit ito sa mga tanim ni tita Hope na gumamela.
Pumitas ito ng apat na bulaklak at saka naglakad pabalik sa kanya.
Nang nasa harap na niya ito , lumuhod si Aljur sa harap niya at saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Isiningit nito ang isang gumamela sa ibabaw ng kanyang tenga.
'For a lovely lady whom makes me fall deeply everyday, Thank you for coming into my life and making my life complete. Thank you for a wonderful evening.' dagdag pa nito at saka inabot ang natirang tatlong gumamelang hawak.
'Shemay! Nagririgodon ang puso niya sa kilig!! Enebeyen.. kahit gumamela lang ang binigay nito kinikilig talaga siya sagad sa gulugod.
Naka ngiti lang siya sa lalake. Speechless siya sa sobrang kilig eh.
Dinampot ulit nito ang gitara at nag umpisa nang tumipa. Habang ang mga mata ay deretsong naka tingin sa mga mata niya. She can see the love in his eyes while looking at her.
Di niya makuhang bawiin ang tingin dito. Nang mag umpisa itong kumanta, lalong nagwala ang puso niya. Parang nagtambling-tambling ito sa loob ng dibdib niya.
♪♬♩♩♬♪...
I never thought that i could love
someone as much as i love you i know its crazy but its true ...
I never thought that i could need someone as much as i need you ...
'i love you…'
Kanta nitong diniinan pa ang tatlong huling kataga.
Pigil ang kilig na napa ngiti si Kris kay Aljur.
"i love you too..." sagot niya sa isip habang pinagmamasdan ang mukha nito.
Ate Kris !!!! Anang boses na nanggaling sa labas ng kwarto na pumutol sa kanyang pag balik-tanaw.
Kaya naman inayos niya ang sarili at saka dali-daling lumabas na ng kwarto.
Ginugol nila ang maghapong iyon sa pamamasyal sa buong isla. They do alot of bondings. At first, medyo naiilang siya kay Aljur dahil laging pumapasok sa isip nya ang ilang eksena kagabi. Pero di nagtagal para silang mga batang panay ang harutan at habulan.
Kinagabihan maagang naka tulog si Kris dala ng pagod sa maghapong pamamasyal.
Nagpasya si Aljur na silipin si Kris sa kwarto nito. Nang makita niya itong himbing na natutulog, marahan siyang humakbang palapit sa kama at saka inayos ang kumot nito.
Masuyo niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa maganda nitong mukha. At saka ito hinalikan sa noo.
'have a great sleep my princess...see you in dreamland...' bulong niya.
Ilang minuto din niyang pinagsawa ang paningin sa kabuuan ng mukha nito bago siya nagpasyang tumalikod at umalis.
Malapit na siya sa pinto ng muli niyang lingunin ang natutulog niyang prinsesa.
Saka naka ngiting binuksan ang pinto at marahang isinara nang makalabas siya.
A.n:// ▶▶ pasensiya na po kung sabaw ang chapter na to :(( ang sama kasi ng pakiramdam ko eh ..
pasensya na po talaga ...
