Mint Academy ▒ Chapter five

54K 1.9K 103
                                    

✴ Akesia's talent ✴

Paglabas na paglabas pa lang naming sa dorm namin ay agad naman kaming pinagtinginan. Sa nakikita ko karamihan ng tao sa paligid ay Class 1-C at 1-D. Wala ako gaanong nakikitang Class 1-B at kung meron man, iilan lang sila at sinasamahan pa nila nang masasamang tingin kapag napapalingon sila sa akin—sa 'min.

"Wow! Hindi ko alam na napaka palaban pala ng Class 1-A. They're really fit to their class!" Napatingin naman kami sa nagsalita.

"Raquel," banggit ko sa pangalan n'ya at ngumiti naman s'ya sa amin.

"Naalala mo pa pala ako?" Tumango naman ako. Sino ba makakalimot sa kaniya? Hello, kasama siya ni Sir—esti Kuya Jared sa office. "Well, that's good. Alam ko na mangyayari ito pero hindi ko alam na it's sooner than I expected. Well, I think this will be the start of you guys being friends with them."

"Ah, Miss, baka nagkakamali ka? Hindi closeness ang naging issue namin ditto."

"No, Miss Kassey. Dito na mag-uumpisa ang pagkakaibigan ninyo at ng Class 1-B. And, oh, pumayag ang Headmaster na gamitin ninyo ang Archery field. 'Yun nga lang, hindi siya pumayag sa one thousand meter, only five hundred meter. Good luck sa inyo!" at saka siya umalis.

Nagkatinginan naman kami at nagkibit balikat. Wala naman kaming magagawa roon. Habang papunta kami sa Archer Field ay ang dami naming nakakasalubong. Base sa uniform nila, second year na sila. Iba iba kasi ang color dito para malaman kung anong year level na ng isang estudyante. Green lining para sa freshmen, yellow lining for sophomore, blue for juinior, and red for senior. Sa badge mo lang talaga malalaman kung saang class sila nabibilang.

"Astig!" bulalas ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanila.

"See? Marvin, sabi ko naman sa 'yo 'yung aura nilang lahat e 'di mapagkakailangg Class 1-A sila," sabi naman ng isa pa.

"Tumahimik kayo, Jeff and Jim," pagsasaway ng lalaki na tinawag nilang Marvin. Tapos tumingin s'ya sa amin. "Hindi ko alam kung bakit simpleng bagay ay pinapalaki ninyo ng ganito."

"Kuya, sino ba nagsabi na simpleng bagay lang ang pinag-umpisahan nito?" Napalingon naman kami kay Jullia.

"Huwag kang makisali rito, Jullia."

"Bakit hindi? Nasa iisang class lang kami. Kapag ba ininsulto kayo o 'yung class n'yo mananahimik lang ba kayo at hindi lalaban? Maliit nga lang na insulto sa class ninyo grabe na ang panggagalaiti mo tapos kapag kami hindi pwede? 'Wag kami, kuya, please lang. 'Wag din kayo mag-alala dahil hindi damay ang ibang class dito. This is just between Class 1-A and 1-B."

Nakakapanayo balahibo ang pagiging cold ngayon ni Jullia. Kilala namin siya bilang isang easy-go-lucky na tao at laging nakangiti. Pero ngayon? Hindi.

"Kuya?" tanong ko—esti naming pala. Hindi lang pala ako ang nagsabi noon.

"Ah, yeah, Kuya," pag-uulit niya. "Kuya ko s'ya," dagdag pa na sbai ni Jullia. Lumingon siyang muli sa tatlong tao na nasa harapan naming. "Mauuna nap o kami." Nag-bow s'ya at ganoon din naman kami saka kami naglakad paalis.

"Hindi mo naman sinabi na may pogi ka palang kuya, Jullia."

"'Wag kang mag-alala Kassey 'di ka noon papatulan."

"'Wag ka ngang magselos d'yan, Mark. 'Wag ka rin mag-alala napo-pogian lang naman ako sa kanya at 'wag ka ulit mag-alala dahil wala akong balak sa 'yo." Tapos umirap si Kassey at napailing na lamang kami.

Nang makarating kami sa Archery Field ay agad naman kaming nagulat sa dami ng tao sa paligid. Isapa mo pa na lahat sila napatingin sa 'min nang sabay sabay. Base sa nakikita ko ngayon ay halos lahat ng students nandito para manood.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon