Mint Academy ▒ Chapter eighty nine

19.5K 606 12
                                    

The enemy and the new house

Agad agad naman akong napairap nang makita kong nakatingin kaagad sila sa akin. Seriously? Ako na naman? I sigh, may magagawa pa ba ako sa mga to? Eh ang lalakas nang topak ng mga to eh halatang ayaw magsisalita.

"Paano ko ba uumpisahan?" I said and then sigh again "Okay, kuya Jared naaalala mo pa ba ang dating nurse dito two years or should I say three years ago?" He nod "Alam naman natin na isa sya sa pinaka best student sa school na to at naging member din sya ng verdant ellipse noong buhay pa sya pero kuya Jared alam mo rin ba kung bakit sya namatay?"

"Sa pagkakaalam ko nirape sya. Yan ang sabi ng pulis."

"No kuya." Napakunot naman ang noo ni kuya Jared sa sinabi ko. "Hindi sya pinatay dahil nirape sya." Huminga naman ako ng malalim "Hindi ko alam kung maniniwala ka pero totoo iyon. Noong nagkasakit ako si nurse Lica ang nag-asikaso sa akin, si nurse lica ang nagtitingin kung okay na ako. Hindi ko alam kung bakit pero simula doon di na ako tinantanan ni nurse lica hanggang sa malaman ko kung bakit." Pumikit ako saka nagsalita "Gusto nya na ako, si Min at si Yana ang hahawak ng research at gusto nya rin na magkaroon ako nang mapagkakatiwalaang research team at mission team." Saka ako dumilat at tumingin derekta sa mata ni kuya Jared "At doon nya sakin sinabi kung saan ko makikita ang research nya gamit ang ilang code."

"Saksi po ako kuya Jared di po nagsisinungaling si Kesia, totoo po talagang nakita namin ang research ni Miss Lica sa kung saan sinabi ni Miss Lica kay Kesia." Agad na depensa ni Yana.

"Noong una di din po kami gaanong naniwala pero alam namin na di naman magsisinungaling si Kesia s aamin kay naman naniwala kami at ayun." Dagdag pa ni Min.

"I am also a witness. Nakita ko silang pupuslit sa lumang dorm noon kaya naman wala silang choice kundi ang isama ako. Since I am the number one I feel like I have this responsibility to take good care of them even though I cannot talk much like I did before." Dagdag pa ni Henry.

Natahimik si kuya Jared at tiningnan kami saka naman napabuntong hininga si Kass at may kinuha sa bag nya saka nagkaroon ng hologram sa kamay nya at doon nakalagay lahay ng nangyari sa amin mula umpisa ng research hanggang sa matapos.

"Okay. I get it. So paano mo nasabi na di rape ang kinamatay ni Lica?"

"Nagkasakit ang papa nya tama po ba?" Nag nod naman si kuya Jared sa tanong ko "Alam mo po ba kung bakit ang malakas na ama ni nurse Lica biglang naging mahina at sakitin?" Umiling naman this time si kuya Jared. "Yun ay dahil sa isang organization. Kuya Jared isa lamang sa member ng organization na iyon ang sumunog sa bahay namin at iyon ay ang black organization. May iba pang organization bukod dito pero dahil sa sanay na pumatay ang mga ito kaya sila ang inutusan na magpainom ng isang pills sa tatay ni nurse Lica at nang papunta na si Nurse Lica sa tatay nya ay agad naman syang nacorner at dahil doon pinagpyestahan muna sya hanggang magsawa ang mga lalaki at saka nila pinatay si nurse Lica."

"Black organization, I heard about that before."

"This black organization's speciality is killing." Nanlalaki naman ang mata ni kuya Jared sa sinabi ko "Yung mayor, yung bumbero, at marami pang iba, lahat sila kuya Jared gusto kaming patayin."

"Bakit?!" Napaclose fist naman si kuya Jared at nararamdaman ko ang galit sa puso nya.

"Yun ay dahil sa hindi nila makuha ang tamang recipes na nakapaloob sa Miracle Pills, yes, kahit na nabili nila ang pills noon sa auction kampante pa rin kami na hindi nila malalaman ang component na bumubuo sa Miracle Pills dahil may something pa rin kami na di namin sinasabi sa lahat." Paliwanag ko at napahawak naman siya sa baba nya.

"May secret component kayo?" Gulat na tanong ni kuya Jared.

"Opo. Binigay din yun ni nurse Lica sa amin, nakasulat yun sa research paper pero kung di mo titignan at iintindihin ng mabuti hindi mo ito malalaman. Kuya Jared dahil sa Pills na to kaya pinatay si Nurse Lica at dahil din sa Pills na to kaya nila gusto kaming patayin." Agad naman na dagdag ni Jullia.

"Kung mamasabi lang namin to sa magulang namin para maginga aware sila gagawin namin pero mahirap kuya Jared." Bumuntong hininga naman si Kass saka nagsalita ulit "Magugulat sila at maguguluhan at the same time at mas better na rin na wala silang alam tungkol dito dahil baka mas mapahamak sila."

"Kaya ba gusto nyo may safe place sila?" Nag nod naman kami at napahilot naman sa sintido si kuya Jared "Hindi ko alam na may matatamaan palang hidden organization sa research na to kung alam ko lang edi sana mas maaga akong nakatulong." Napabuntong hininga naman sya saka tumingin ulit sa amin "By the way, bakit nga pala di ninyo sinabi sa akin?"

"Hindi pa namin sure noon ang tungkol dito kuya Jared, hindi din naging madali sa amin ang paghanap ng information tungkol sa kanila kaya naman di pa namin masabi sayo." Sagot ko at saka kinuha ang case na hawak ko kanina pa at binigay sa kanya "Ito lahat ng data na nagather namin at ni kuya Rod, isa si kuya Rod sa tumutulong sa amin ngayon para malaman ang sa likod ng organization na to."

"Very well then. Sige. Tutulungan ko kayo." Napahinga naman kami nang maluwag dahil sa sinabi ni kuya Jared

***

Agad sa aming binigay ni kuya Jared ang susi ng pharmacy na bubuksan bukas at gaya nga nang napag usapan doon na nga titira sila mama at bilang kapalit sila ang magbabantay ng pharmacy. Kailangan nga lang namin bumuo ng isa pang pills para sa dagdag sa mga gamot na ilalagay sa pharmacy.

"Sa tingin nyo makakagawa tayo ng pills ngayon?" Tanong ni Yana sa amin habang naglalakad.

Kaming girls lang ngayon ang magkakasama dahil may pinapagawa si kuya Jared sa dalawang boys at si Mark naman nilagay sa mission kaya ending kami kami ang magkakasama. Di naman sa ayaw ko, nasanay lang talaga ako na kasama si Marvin.

"Siguro. Wala si Henry kaya kailangan natin gumawa ng paraan para makagawa ng pills." Sagot naman ni Jullia.

"Makapagsalita ka naman Lia parang di mo kaya. Aba bakit nakaasa ba tayo kay Henry sa paggawa ng pills? Hindi naman di ba? Kaya wag kayong panghinaan jan. Isa pa nanjan naman si Kesia, baka nakakalimutan nyo na sya lang ang may kayang lumaban kay Henry sa talinuhan."

"Ako talaga? FYI guys di naman ako magiging ganito kung di nyo kami tinulungan noon." Sabi ko saka umirap "And tama naman si Kass kaya baman talaga natin kahit na wala si Henry. Kailangan lang natin mag usap kung ano ang gagawin natin."

Nang makarating kami sa guard quarter ay agad din naman kaming pinapasok at dumeretso kami kila mama at papa saka sila agad pinaligpit.

***

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni mama kanina pa.

"Ma. Sabi ko nga di ba sa magiging bagong bahay ninyo."

"Namin? Paano ka? Kayo?" may halong pag aalala sa mukha ni papa.

"Pa. Kaya na namin ang sarili namin saka isa pa kailangan pa namin makahanap ng gamot na tama kay kuya." Sabi ko at nag nod naman si papa. "Hindi kami mapapahamak, pa. Promise." Dagdag ko pa at mukhang convince na naman ata.

Pagdating namin sa central city ay agad naman kaming dumeretso doon sa pharmacy, totoo malaki laki nga ito at kung sa labas akala mo di ito guarded mukhang nagkakamali ata. High quality and high tech CCTV camera are install in each  corner of pharmacy. Mahahalata din ba may something sa lugar na to dahil sa nararamdaman ko ang powers ng Phantom pero mukhang kami lang ang nakakaramdam.

Ako, si kuya, si papa at si mama na lang ang naiwan sa loob ng pharmacy since umalis na ang mga kaibigan ko para sabihan ang mga magulang or ang mga close relatives nila. Kahit na bubuksan na namin ang Mint Pharmacy hindi pa rin ito available para magbenta ng kahit na anong gamot.

"KeCy?"

"Mommy. Bakit po?" Nakangiti kong tanong at umupo naman sya sa harapan ko.

"Alam kong sobrang busy ka at napakarami nang gagawin mo pero Kecy mahalaga pa rin ang kalusugan. Magpahinga ka na muna dahil wala ka pang tulog alam ko." Ngumiti naman ako.

"Sige lang ma kailangan ko din naman tong tapusin." Bumuntong hininga si mama sa sinabi ko kaya naman kinabahan ako.

"Akesia Cyrine anong mahalaga sayo. Buhay mo o yan?"

"Haha. Sige na nga ma sabi mo eh alam mo naman ikaw ang boss."

Inilapag ko ang list na nasa kamay ko saka ako nahiga sa sofa at natulog.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon