Mint Academy ▒ Chapter twenty eight

33.8K 1.1K 57
                                    

Sorry talaga kung di ako agad agad nakakapag update. Malapit na kasi ang tinatawag naming 'judgement or winter' ng mga classmates ko. To be specific ang pamatay na THESIS DEFENSE hahaha.

Now we proceed, enjoy reading..

✴The Box✴

Pag alis nila Arlene agad na din naman kaming hinatid ni President Aki sa aming Private Facility at wala talagang nakakaalam nito dahil nasa ilalim ito ng lupa and take note sinong mag aakala na ang abandonadong bodega pala ay may underground facility?

Oh di ba bongga. Pero kung di kaaya aya ang nasa labas nito malamang sa alamang manghihinala kayo sa loob. Kung sa labas madumi at puro alikabok dito hindi. Kahit na matagal ng hindi nagamit ang mga gamit dito sa tingin ko mga bago pa rin ito.

"Ito ang ginamit na facility ni Miss Lica ng nag aaral pa sya kaya baka may naiwan sya ditong clue para sa inyo." Sabi ni Miss Aki at nag nod naman kami "Maiwan ko na kayo. Tandaan nyo hindi kayo pwedeng basta basta na lang lumabas dito maliwanag?

Katabi nito ay ang mga facilities ng mga upperclassman namin kaya di din kami pwedeng basta basta mag ingay dito.

Sa may bandang kaliwa ay may pinto kaya agad akong pumunta doon at binuksan iyon tumamabad sa amin ang dalawang malaking kama as in malaki triple size ng king size bed ang bawat isa. May dalawang malaking cabinet din at pumasok na ako doon.

"Whoa." Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Yana at Min.

"Ang laki naman pala nito." -Yana.

Tanging nod na lang ang nasagot namin sa kanya. Sumunod naman sila Kassey, Julia at Henry.

Nang nakaupo kami sa gitna ng pagitan ng kama namin ay kinuha ko ang box na nasa backpack ko. This is it. Kinakabahan ako sa malalaman namin.

Dahan dahan kong nilagay ang password at saka ito nagbigay ng click sound. Binusan ko ito at tumambad sa amin ang mga naka file na papel at isang hard bound. Kinuha ko ito at binigay kay Henry.

"This is a paper manual." At halata na binasa nya ito saka naman kumunot ang noo nya. "This gonna be a sleepless three months for us."

Binigay nya sakin ang manual and he's right hindi nga talaga to magiging madali para sa amin even the ingredients itself is hard to find or sometimes a common ingredient for medical purposes.

"For the person who got this box." Paumpisang basa ko "This might lead you to put your life in line so I warn you before you start."

"Hindi ko alam kung nanghihingkayat ba yan o nananakot. Pero in fairness effective sya ah." Sarkastikong sabi ni Jullia at nag kibit balikat naman kami.

"Maybe she's warning us." Napatingin naman kami kay Jasmine "I mean hindi naging madali sa kanya ang paggawa nito and even it cause her to death." Isang kalabog naman ang naramdaman ko sa dibdib ko.

I am not ready to die yet but this experiment is much more important than our lives. It may be put our lives in line but it will save a lot of people in the near future so I dont have to be scared.

"We're all together." Dinig kong sabi ni Yana and she even smile at us "Hangga't magkakasama tayo kaya nating protektahan ang sarili natin."

"Yeah she's right. We dont have to be afraid." Sabat naman ni Kassey "It can be our biggest asset." -Jullia.

Tama sila. I have them so I dont have to be afraid and seeing them smiling at me like I can rely on them and they can protect me, I can say that I am safe.

"Yeah right." Nakangiti ko ring sabi at saka nagpatuloy sa pagbabasa "First you have one week to study about the ancient chinese poisons and then you have to study on how to cure it without using any kind of technology. Use your true skill. Use your mind and trust your skill."

"Ancient poison and medicine? Oh em gy halos hindi na yan alam sa ganitong panahon. Hello na sa 20th century na tayo." Sabi naman ni Kassey at nag pout.

"Baka naman meron pa sa ibang parte ng china nito." Dagdag naman ni Min.

"Pwede naman tayo makahanap ng ganito kung gugustuhin natin kaso may isa tayong problema." Sabi naman ni Jullia at halatang nag iisip.

"Hindit tayo pwedeng lumabas ng academy." Dagdag naman ni Henry.

Tama isa sa rules ng mga nasa research team ay hindi kami maaring lumabas ng academy hanggat hindi namin natatapos ang research namin dahil sabi sa amin ni Kevin ang kuya ni Jullia na isa itong delikadong research at iniingatan lang kami ng academy.

Pinagpatuloy namin ang pagbabasa hanggang sa sa matapos namin ito at doon namin napagtanto kung gaano nga kadelikado ang research na i-i-enhance namin.

"Nagpadalos dalos ata tayo." Dinig kong sabi ni Jullia.

"No." Napatingin naman kami kay Henry and his serious face is really perfect for his handsome face.

"What do you mean by that?" Kunot noong tanong ko at tumayo naman sya saka kumuha ng kung ano.

Bumalik sya na may mga bondpaper na dala kasama na rin ang ballpen at lapis.

"Hindi nga magiging madali ang research dahil kailangan natin ng mga poison plant na to." At nilista nya lahat ng nabanggit ko kanina habang nagbabasa ako, nganga. Edi sya na matalino. "Itong mga to rare para hanapin sa panahon natin pero itong karamihan ay hindi." Hindi? Paanong hindi eh isa rin yan sa mas matanda pa sa lolo ko.

"Yeah right." Pagsang ayon ni Kassey "Itong mga to." At binigay nya damin ang list na inihiwalay ni Henry sa mga rare "Ang ilan dito ay ginagamit sa paggawa ng drugs pero hindi naman natin to gagamitin sa masama at nanjan ang academy para magsupport sa mga kailanganin natin."

Tama sila di naman kami gagawa ng nakamamatay na gamot para lang dito. Hindi din namin itataya ang buhay namin para lang manakit ng iba.

"Ang kailangan na lang muna natin ay ilista ang lahat ng kailangan." Sabi ko at tumingin sa mga nakafile na papel "Maghati hati tayo para mas mapadali dahil mukhang mahihirapan tayo nito pag hindi natin pinaghiwa hiwalay."

"Tama si Kesia. Hindi lang yun kailangan din natin malaman kung poisonous ba o hindi kaya pakiready na rin ng mga laptop nyo." Pagsupport naman ni Henry.

Wala pa sa alasdose ay agad na rin naman naming ginawa ang kailangang gawin. Sa loob ng umaga hanggang gabi hindi namin naramdaman ang gutom at mukhang ako pa lang ang nagugutom. Nangangalahati na ako sa paghahanap ko pero ang mga papel na ginamit ko gabundok na. Halos mapuno na rin ang black plastic bag dahil sa mga mali na nagawa namin.

First day: Identify the poisonous and non poisonous ingredients.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon