Mint Academy ▒ Chapter fifty five

24.7K 848 24
                                    

Amber and Adrian's Life

Nang makarating kami ay agad na rin kami mag ready para kumain, its past eight at mukhang gutom na ang dalawang bata.

"Bakit di pa kayo kumain?" tanong ko kay Adrian.

"Pinapakain na po kami ni lolo pero gusto po namin kasabay kayo."

"Sabay ain." napangiti naman ako kay Amber.

"Ber?" tanong ko at tumingin sya sakin "Tuturuan kita magbasa at magsulat kapag natapos na tayo dito tapos papasok na rin kayo sa school."

"iskul?"

"Oo. School. Marami kayong magiging kaibigan doon." nang makita namin na nag yawn si Amber ay napangiti kami "Time to sleep."

Nagnod silang dalawa at magkahawak kamay na humiga saka natulog.

"They look so close." sabi ni Yana

"Kung magsama ba naman kayo ng kapatid mo sa hirap di ba kayo magiging close?!" sabi naman ni Min.

"Kung sabagay may point si Min." pagsang ayon naman ni Kass.

"They're really a good pair of siblings." sabi naman ni Jullia.

"More or like they're best friends." sabi pa ni Yana.

"Fear is nothing to them already." napatingin naman kami kay Henry na nakaupo sa may study table habang may librong hawak "They don't let fear overtake them instead, they're the one who overtake the fear. No matter what's happens they're backing each other's back."

Napanganga na lang kami sa sinabi ni Henry saka kami pumalakpak. Ibang klase talaga ang lalaking to, minsan lang magsalita pero hanep.

"Don't look at me like I've done something weird."

"You really did, Henry." sabi ko naman at natawa sila.

"I saw their future. Ten years from now they will be in each other's back"

They will become successful eh. Thank goodness.

"Nakakakita ka po ng hinaharap?" napatingin naman kami sa nagsalita, si Adrian.

"Gising ka pa?" gulat na tanong ni Yana.

"Natural Yan gising pa yan nakita mo naman di ba?" pang iinis naman ni Kass kaya inirapan sya ni Yana.

"Adrian? Pwede mo ba kaming kwentuhan sa nangyari sa inyo?" tanong ko.

"Un." sagot nya naman at tumingin sa kalatid nya. "Five years old pa lang po ako at naiintindihan ko na po ang nangyayari sa paligid ko. Kilala ko po kung sino ang magsisinungaling sa hindi.

"Wait. You can identify lies?" gulat na tanong ni Jullia.

"Po? Hindi ko po naiintindihan." yumuko naman si Adrian.

"Aray naman Kass nakakailan ka na sakin ah bakit ka ba nangbabatok?"

"Para ka kasing timang. Alam mo naman na di nya maiintindihan mag english sa ngayon eh." nag pout naman si Jullia sa sinabi ni Kassey.

"Never mind them." sabi naman ni Henry, "Tuloy mo na."

"Un." sabi nya pa at nag nod pa "Noong oras na rin po na yun naintindihan ko kung bakit nag aaway palagi si mama at papa. Naadik si papa sa pagsusugal hanggang sa lahat ng pag aari namin naisugal na nya at natalo sya."

"What an irresponsible parents." kumento naman ni Rod.

"Nang dahil sa wala na pong mapangsugal si papa nagsimula na syang uminom at si mama naman lagi nyang maaway dahil sa walang pera. Sinisisi nila kami lagi ni Amber dahil daw malas kami sa buhay nila."

"Malas? Heck! Ano bang klaseng magulang sila? Gagawa gawa ng anak tapos gaganituhin nila?" inis namang sabi ni Yana at pilit pinakalma ni Henry.

"Nag away sila ng nag away at ako lagi ang sinasaktan dahil sa lagi kong tinatago si Amber para di madamay sa kanila." nangingilid na ang luha ni Adrian habang nagkukwento sa amin. "Mas lalo pang naging marahas si papa ng malaman nyang may ibang lalaki si mama at ready na itong umalis pero di pinayagan ni papa. Nagkasakitan sila at pati ako at si Amber nadamay." kwento nya pa at tiningnan si Amber saka nya inalis ang bangs nito "Itong peklat na to nakuha ito nang mag away ng sobra si mama at papa noong baby pa si Amber, dahil sa sinisingil na si papa sa utang nya at walang naipangbayad ang kinalabasan kami ang pinangbayad nya."

"What? Ano kayo pera?" galit naman na sabi ni Min.

"Nagmakaawa ako na kahit ako na lang at wag idamay si Amber pero walang nangyari. Natuwa pa nga sila ng magbigay pa ng pera ang mga taong bumili sa amin." at ngayon ay mas lalo naming nakita ang sakit na nararamdaman ni Adrian, ako naman damang dama ko ito kaya wala akong maging choice kundi ang iiyak ito "Sinubukan ko pong tumakas pero lagi akong nahuhuli at sinasaktan nila ako saka sila nagbanta na kapag di ako nagtino sasaktan nila si Amber at ibibigay sa iba. Natakot po ako noon kaya lahat ng pinapagawa nila ginawa ko hanggang sa maging apat na taong gulang na si Amber at kaya nang umintindi sa paligid. Sinabi ko sa kanya at buti na lang naintindihan nya."

"You both are smart aren't you?" nakangiti namang sabi ni Jullia "Hey Kesia are you okay?" I nod.

"I'm okay. Nararamdaman ko lang ang nararamdaman nila kaya naiiyak ako."

"No wonder" sabay nilang sabi.

"Simula nang magkaisip si Amber nagsimula na kaming maghanap sa kuya namin." nanlaki naman ang mata namin

"May kuya kayo?" gulat naming pag uulit at nag nod naman sya.

"Opo. Ibenenta din sya nila papa at mama nung three years old ako. Sa pagkakaalam ko noon ay seven years old na si kuya at gaya ng ginawa nya sumama din sya para hindi ako saktan. Yan ang nalaman ko dahil sa naging close ko ang isa sa mga sindikato na tumulong sa amin makatakas."

Nanlumo kami dahil sa nararamdaman ng mga batang ito. Dapat nasa mabuting kamay sila sa mga edad na ito, kasama ang magulang kumain, mag saya, naglalaro kasama ang mga kasing edad nilang bata. Pero iba amg kaso sa dalawang batang ito. Mukhang sobrang laki talaga ng pinagdaanan nila.

"Adrian?" tawag ko at lumingon naman sya sakin "Proud ako sayo kasi naprotektahan mo si Amber, na hindi mo sya iniwan. Don't worry, hindi namin kayo papabayaan, nandito lang kami. Kahit nasa elementary department kayo ng Mint Academy pwede nyo pa rin kaming kausapin at tawagin."

"Tama si ate Kesia nyo, pwede din naman na kami mismo ang pupunta kapag tapos na kami sa mga gagawin namin." sabat naman ni Kassey.

"Tapos maglalaro tayo." dagdag pa ni Min.

"Tapos kakain ng masasarap na pagkain." sabi naman ni Jullia.

"Sa isang kondisyon." napatingin naman kami kay Henry "Dapat matataas ang grade at dapat may mga tunay na kaibigan. Kaya mo makita ang totoo sa hindi di ba?" nag nod naman sya sa Henry "Gamitin mo yun para makilala ang tunay mong kaibigan."

Napatigil naman kami sa pagsasabi kay Adrian ng marinig namin si Amber na nagsalita akala pa namin na nagising sya di pala.

"Kya, te, lo, ian, lamat. Rami."

Nalangiti naman kami sa kanya. Feeling ko yung puso ko lumubog dahil sa pagkakasabi ni Amber. Sa ganitong edad nakaranas na sya ng hirap sana lang hindi sila magbago.

"Pwede din namin kayong tulungan hanapin ang kapatid nyo." napatingin naman kami kay iuya Rod "I am one of CIA best agent so pwede kong maaccess lahat give me a month and I'll find him for the two of you." nakangiti pa nyang dagdag.

Halos malaglag naman ang panga namin sa sinabi ni kuya Rod. What? He is ome of the best CIA agent? And he had an access to everything? Nagkatinginan kami saka ko narinig ang pagbuntong hininga ni kuya Rod.

"With that look I know what you guys are thinking." naiiling nyang sabi sa amin "Fine then, if you have something you want to know as long as I am in the office I'll search it for you but first I have to prioritize to find Amber and Adrian's brother."

An ear to ear smile form to our lips at natawa naman nang mahina si manong kaya napapout na lang ako.

"Okay Adrian, its time for you to sleep." nag nod naman sya at nahiga sa tabi ng kapatid nya.

"Thank you." mahina nyang sabi.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon