Mint Academy▒Chapter twenty

40.1K 1.3K 50
                                    

✴Akesia's House✴

Hindi naman malayo ang school namin sa bahay well in fact na walking distant lang ito. Nang makapasok kami sa loob ng subdivision ay agad naman kaming pinagtinginan at napagasp naman sila. Our rank is written within our left arm, nakalong sleeve kami at doon nakasulat ang number 2 sakin, 3 kay Alyana, 4 kay jasmine at 7 kay kassey.

Kahit na yung mga nalalagpasan namin ay napapatingin sa amin kaya naman nagtataka ang mga kasama ko.

"Bakit ganyan sila makatingin?" Tanong ni Yana sakin.

"Kasi di nila akalain na mapapasama ako sa higher rank? To be honest guys alam kasi ng lahat dito na di ako matalino." Sabi ko at nag nod naman sila.

"Matalino ka kaya tamad ka lang talaga mag aral." Sabat naman ni Kassey at narinig ng iba yun "Akalain mo yun naperfect mo ang bawat subject except sa history kasi may isa kang mali dun." Dagdag pa nya.

Hindi ko alam kung pinaparinig ba talaga nya sa iba ang tungkol dun dahil nagugulat sila pero ano magagawa ko totoo naman di ba?

"Siguro magugulat din family ko pag nalaman nila" sabi naman ni Jasmine "You know nakatira kami sa iisang compound at sa aming lahat ako rin ang tingin nilang pinaka bobo kaya nga gulat siguro sila na saamin ako lang ang kinuha ng Mint Academy."

"Kung sabagay. Ako nga ate ko tuwang tuwa na nakapasok ako dun eh. Sa pamilya kasi namin lawyer lahat eh ayaw ko kaya naman galit sila sakin." Dagdag pa ni Yana.

"Pare parehas lang pala tayo may family issues no? Well except kay Kesia since wala namang expectations ang magulang nya." Tama si Kassey wala naman talaga dahil para sa kanila kung ano gusto ko okay lang naman sa kanila "Ako naman ayaw kong mapasali sa industry nila pero pinipilit nila ako at para makatakas ayun nag enroll ako sa Mint Academy and to my surprise ayun pumayag naman sila."

Nang makarating kami sa bahay nagtaka naman ako dahil walang tao. Asan si mommy? Oh well baka umalis. Kinuha ko ang susi ko at binuksan ang pinto. Wala talagang tao.

"Asan mommy mo Kesia?" Tanong sakin ni Kassey

"Baka umalis sila." Nakangiti kong sabi "Di ko naman kasi sinabi na uuwi ako."

Umakyat kami sa kwarto ko at nilagay na namin ang gamit doon. Magdidinner na rin naman kaya nagsimula na kaming mag asikaso ng dinner namin at alam ko na maya maya pauwi na rin sila mommy at daddy sama mo na rin si kuya.

Yes may kuya ako at isa syang engineering student fourth year college na sya. Napangiti naman kami ng matapos namin ang pagluluto kaya pumunta na ako sa kwarto ko para magpalit nakakailang minuto pa pang ako dun ng marinig ko ang sigawan nila Yana kaya naman agad ako napatakbo pababa kahit di ko pa nasosoot ng maayos ang damit ko.

"YANA, MIN, KASSEY." tawag ko at nang makita ko kung sino ang nasa kusina napanganga na lang ako at agad nag init ang ulo ko "DADDY PUT YOUR GUN DOWN RIGHT NOW!" sigaw ko.

Napatingin naman sila sakin. Si daddy na nakatutok ang baril kila Yana at si kuya na nasa harapan ni mommy. Ang weird ng pamilya ko I know.

"Kecy?" Di makapaniwalang tanong nila.

***
"Im sorry kung natutukan ko kayo ng baril nagulat lang naman kami kasi nakita namin na may mga tao sa bahay namin" sabi ni daddy habang ako tahimik lang.

"Okay lang po kasalanan din naman po namin na di kami nagsabi na pupunta kami, di ba Kesia?" Nabulunan naman ako sa sinabi ni Jasmine kaya binigyan ako ni kuya ng tubig.

"Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ni kuya "Di ba may class pa kayo?" Umiling naman kami.

"May kailangan po kasing ayusin ang faculty kaya ayan po wala kaming pasok in one month pero binigyan naman po kami ng assignment." Sabi naman ni Kassey.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon