Mint Academy ▒ Chapter six

59K 1.8K 136
                                    

✴ Class A Presidents ✴


Kahit na labag sa kalooban naming tatlo at kahit na takot kami ay sumunod pa rin kami sa kanilang dalawa. I know, sinabi nila na wala kaming dapat ikatakot pero... bahala na si batman! Mabuti na lang talaga at wala ng katao-tao sa hally dahil lahat sila ay nasa kani-kaniyang dorm na.

Huminto sila sa harap ng isang pinto. Gold ang pinto na 'to at may karatula na nakasulat. Class A's president room. Mas lalo naman akongkinabahan nang mapagtanto ko kung sino ang nagpatawag sa aming tatlo.

May lalaking tumawa, 'yung senior pala na sumundo sa amin. "Huwag kayong kabahan dahil hindi naman nila kayo kakainin. Huwag kayong mag-alala, mababait sila."

"Tama si Ruz. Hindi naman sila nangangain ng tao. Depende na lang kung na-offend ninyo sila," dagdag naman ng junior student.

Kinabahan naman ako lalo nang marinig ko ang sinabi nila lalo pa at tumawa sila. Parang gustong gusto nila na may mangyari sa amin na hindi maganda at parang pinagtitripan nila kami.

Silang dalawa ang kumatok at kaagad naman na bumukas ang pinto.

"Nand'yan na pala kayo," sabi ng isang babae at isa lang ang made-describe ko sa kaniya. Sht lang, ang ganda n'ya! "Maupo kayo paparating na ang iba," dagdag pa niya. "Ako nga pala si Airie."

Naupo na din naman kami sa sofa na tinuro ni Miss Airie. Napalingon din naman kami sa isang grupo na pumasok nang sabay sabay. 'Yung isa sa pumasok parang pamilyar.

"Sila ba 'yun?" tanong ng isang lalaki. Para s'yang happy-go-lucky gaya ni Jullia. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na napatango si Miss Airie. "Wow, magaganda naman pala sila!" Nagulat naman kami nina Jasmine at Alyana nang niyakap kami ng lalaki.

"Travis, itigil mo 'yan. Huwag mo silang tinatakot." Sigaw naman ng isang babae at binato ng kung ano 'yung lalaking lumapit at yumakap sa 'min.

"Aray naman, Aki! Masakit 'yun ah!" Tumawa lang naman si Airie sa kanilang dalawa.

"Oo nga pala, ako nga pala ang Upper President ng Class A."

"Upper?" taka na tanong ni Jasmine.

"Hindi lang kasi dapat apat ang level dito, Jasmine." Napatingin naman kami kay Aki. "Ako nga pala si Akira, Third Year Class President," nakangiti n'yang sabi. "'Wag n'yong tangkain na tawagin akong Aki dahil hindi ko 'yun maatim baka magaya kayo sa lalaking 'yan," dagdag pa n'ya at tumango naman kami.

"Gaya nga nang sinabi ni Akira, merong limang level ditto sa 'tin. Ang freshmen kung nasaan kayo, sophomore kung nasaan si Marvin." Katinginan naman kaming tatlo nina Jasmine at Alyana.

"'Di ba ikaw 'yung kuya ni Jullia?" tumango naman si Marvin. Sabi na nga ba e. sus, napaka-snob ah. Ibang iba sa ugali ni Jullia.

"I'll continue. Next ay ang junior level na kung nasaan si Akira at ako naman ang sa fourth year level. Ang upper level naman ay 'yung dagdag na year lang dito bago lumabas ng school," paliwanag ni Airie as amin.

"Bakit n'yo kami pinatawag?" tanong ko naman sa kanila. Nagbago naman ang emosyon sa mukha nila. Ang kaninang masaya at nakangiti ngayon seryoso na.

"Nawiwirduhan lang naman kami sa inyong tatlo," deretsa na sabi sa amin ni Akira. "Noong malaman naming na hindi kayo pina-take ng entrance exam at sa Class A kayo nilagay ay medyo naguluhan lang kami," dagdag pa n'ya.

"Kalaban ba kayo o kakampi?" Napatingin naman kami kay Marvin.

"Huh?" sambit ni Alyana.

"Tandaan n'yo hindi welcome ang kalaban dito."

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon