Mint Academy ▒ Chapter forty one

30.3K 1K 39
                                    

Since good mood ako kaya naman nagawa ko kaagad ang chapter na to. Nag reset kasi ako ng cp at nakalimutan ko mag back up kaya naman ang limang chapter na nakadraft sa cp ko ayun nawala hahaha. Di ko na maalala ang iba, anyway sige na eto na enjoy kayong lahat sa pagbabasa.

Ps. Wag po akong mamadaliin sa pag update tao lang ako hahaha sige kayo baka next month na ko mag update ulit. :*

Enjoy...

Commotion

Akesia's Point of view

"Hindi naman masamang sumali ah. Mangtitrip lang naman tayo and besides baka mangalawang utak natin nya." pagmamaktol ni Kassey na sinang ayunan naman ni Jullia.

Napatingin ako kay Henry. Sya lang naman ang may full authority sa aming dalawa kaya kahit na pumayag ako sa gusto nila ay hindi pa rin pupwede kung wala ang permiso ni Henry. He's our number one after all.

Naiiling na lang akong tumayo at saka pumunta sa kusina ng mansion. Mananawa lang ako kakatingin at kakarinig sa kanila mamaya pa ata nila mapapapayag yang si Henry.

Gusto kasi nilang sumali sa Mind Contest dito sa Maldives at hindi naman ata ito pang karaniwan dahil may limang category ito. Math, Computer, Science, Periodical Elements and of course ang Greek methodology. Girls lang ang pwedeng sumali dito kaya for the mean time ay nakatunganga lang ang boys at yan ang ayaw ni Henry kaya ayaw nya munang umo-o.

"Kesia." nagmamakaawang pagtawag sakin ni Yana kaya naman mahina akong natawa.

"Oh bakit?"

"Tulungan mo naman kaming iconvince ang lalaking yun oh mukhang ayaw pumayag eh." napailing na lang ako.

Naku Yana kung alam mo lang na hinihintay nya lang na magsalita ka para pumayag sya. Manhid mo naman girl.

"Magsalita ka kasi para pumayag." sabi ko at kumuha ng mango juice. "Kilala mo naman yang ugali ni Henry kailangan lang nyan ng konting push kaya ipush mo na yang kawalanghiyaan mo." natatawa ko pang dagdag.

"Ay grabe sya oh may binabalak ka ba?" ngumiti lang naman ako ng nakakaloko "Katakot ka bahala ka na nga sa buhay mo." natawa naman ako.

Ayaw talaga nila pag hindi ako nagsasalita, bakit kaya? Hindi naman porque hindi ako nagsasalita bad trip na. Mukha ba akong pang horror pag di nagsasalita at kinakatakutan nila? Napapout na lang tuloy ako ng dahil sa reaksyon nila, hard nila sakin ah.

Bumalik ako doon sa sala at nakita kong pinipilit pa rin nila si Henry kaya naman napabuntong hininga ako at lumapit kay Henry.

"Hen." agad nanahimik si Jullia at Kassey sa pangungulit at napangisi naman si Min at Yana na halatang alam na nila na mananalo ako sa pamimilit ko. "Payagan mo na minsan lang naman eh."

"Ayaw."

"Porque ayaw mong mag isang walang ginagawa ayae mo na?" naramdaman ko naman na natense ang mga kasama ko. Gusto kong matawa akala kasi nila aawayin ko na si Henry,  naah~ I have a plan "Don't be so selfish, Henry."

"Ako pa talaga? Magiging useless lang naman ang pagsali nyo jan sa Mind Competition na yan eh kayo rin naman ang mananalo jan pagnagkataon." kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Henry.

"Ah guys wala namang awayan jan." hindi naman namin pinansin si Kassey.

"Useless? Bakit Henry? Bakit ba tayo nandito sa lugar na to? Di ba para mag enjoy?" hindi naman nagsalita si Henry at hinihila na ako ni Yana at Min palayo kay Henry, gusto ko talaga mataww "Okay then." tapos tumingin sakin si Henry at ngumisi mukhang nakita nya na ang magiging premyo ko sa kanya "Gagawin ko yang nasa isip mo kung papayagan mo kami."

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon