One

52 4 14
                                    

Aalis tapos babalik? Tang in a juice tol. Di ako yoyo na kung kelan mo gustong itapon, ihuhulog mo. At kung kelan mo gustong hilain pabalik, hahablutin mo!

Kasalukuyan ako ngayong nakahiga sa kama ko habang patuloy na minumura sa isipan ko ang lalakeng nanakit sakin nang todo.

Kung makakamatay lang siguro ang pagmumura, malamang pinaglalamayan na siya ngayon. OA na ba ako sa tingin niyo? Hindi ko naman kayo masisisi, hindi niyo pa kasi alam ang kwento.

Hindi niyo pa kasi alam kung gaano kasakit yung panggagago niya sakin.

Hindi niyo alam kung ilang drum nang luha yung nailabas ko.

Hindi niyo alam kung ilang gabi akong puyat kakaisip kung anong pagkukulang ko.

Hindi niyo alam kung ilang layer nang concealer yung pinahid ko sa ilalim nang mata ko para hindi mahalata yung pamumugto nito.

Hindi niyo alam kung ilang chocolates yung nilamon ko para man lang mabawasan yung pait na nararamdaman ko.

Hindi niyo alam kung ilang pera yung winaldas ko para lang mapasaya yung sarili.

Hindi niyo alam kung ilang inosenteng gamit ang nasira nang dahil sa sakit nang loob ko.

Hindi niyo alam kung gaano ko siya minahal, pero sa huli niloko lang niya ako. Kaya wag niyo kong husgahan, dahil wala pa sa kalingkingan ang nalalaman ninyo sa istoryang ito.

Ang mga lalake? Pare-pareho lang yan. Wala nang matino. Wala nang seryoso. Wala nang tapat kung magmahal. Wala nang pursigido. Wala nang lalake talaga. Oo lalake nga sila, pero hindi sila karapat dapat tawagin na lalake dahil sa pananakit nila. Dahil mas masahol pa sila sa mga bakla. Mga bakla sila dahil hindi nila kayang magpakalalake. Puro kalokohan ang alam. Puro katarantaduhan. Walang direksyon sa buhay.

Pansin niyo na bitter ako masyado sa mga lalake. Pansin niyo rin siguro na sobrang allergic na ko sa mga mabubulaklak na salita nila na unti unting nalalanta. Yung pagmamahal nila na parang chocolate, sa sobrang tamis hindi mo alam kung balak ka ba talaga niyang pasayahin o saktan lamang. Para silang pagkain, napapanis at nasisira rin. Hindi sila pang matagalan. Pansamantala lang sila. Kasi yun lang kaya nilang i-offer. Pero hindi ko kailangan nun.

Hindi ko kailangan nang mga panandalian lamang. Gusto ko nang pang habang buhay. Gusto ko nang seryoso. Gusto ko nang tapat. Gusto ko nang totoo. Gusto kong magmahal, pero bakit hanggang ngayon ay siya pa rin yung tinitibok nang puso ko?!

E N J O Y  R E A D I N G !

Hanggang NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon