Three

17 2 16
                                    

"Eun/Lex" sabay na sabi namin. Letse! Andaming pwedeng makabanggan bakit itong lalakeng 'to pa. Asar!

"Here, let me help you." sabi nito sabay lahad nang kamay niya.

"I can handle myself." matigas na sabi ko at tumayo na. Fvck. Ang sakit nang balakang ko. Para naman kasing poste sa laki 'tong gagong to.

"So now what?" asar na tanong ko habang ipinapakita sakanya yung damit ko na basang basa na nang buko juice.

"Sorry. Bibilhan nalang kita nang shirt. Di ko talaga sinasadya." sabi nito at inabutan pa ko nang panyo. Kinuha ko naman yung panyo at pinunasan yung damit ko.

"Dapat lang. Tss." inis na sabi ko habang pinupunasan pa rin yung damit ko. Ang lagkit. Pakshet! Pahamak talaga tong putek na lalakeng to.

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan yung pulso ko. Hinila ko naman para maalis yung pagkakahawak niya.

"Sinong may sabing pwede mo kong hawakan?" masungit na sabi ko. Nakita ko naman ang pasimpleng tawa at iling nito.

"Taray mo ah. Bibilhan na kita nang shirt." sabi nito at naglakad na. Sumunod naman ako. Pasalamat talaga 'to dahil wala akong perang dala. Dahil kung meron 'di na ako magpapabili sakanya.

Napadpad kami sa isang pang couple na store. Ito yung store na palagi naming pinupuntahan dati. Dito rin namin binibili yung mga shirts namin.

"Ayoko diyan. Panget." sabi ko at nauna nang naglakad sakanya. Pumasok ako agad sa nakita kong store na may mga simpleng damit. Kinuha ko yung puting v-neck na shirt at ibinigay sakanya.

"Eto na." sabi ko at umupo na sa gilid habang hinihintay siyang magbayad. Tinitignan ko siya habang nakatalikod siya sakin ngayon.

Kahit nakatalikod ang gw-- ang panget! Paano pa pag humarap diba?! Edi masusuka ka na sa pagmumukha nang gunggong!

"Tunaw na ko." tumatawang sabi nito na nagpabalik sa wisyo ko. Inirapan ko siya at kinuha ko sakanya yung shirt at iniwan ko na siya dun. Dumiretso na agad ako sa banyo para makapaghilamos dahil ang lagkit nang kamay ko. Isinuot ko na rin yung damit na binili niya.

"Kasya lang sakin. Hmm."

Nagpulbo ako at nagmessy bun nalang ako dahil pauwi na rin naman ako. Mainit sa biyahe. Siksikan rin sa jeep. Okay nang ready ako noh. Alam ko rin sa pakiramdam yung pakainin nang buhok sa jeep. Ayaw ko nang iparanas sa iba.

Naglakad na ulit ako palabas nang mall nang may makita akong 'di kaaya aya. Fuck!

E N J O Y  R E A D I N G !

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now